Kabanata 5:

243 9 0
                                    

Kabanata 5

(Boses ni Aya)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"A strong person is someone who cries at night but still wakes up with a smile on her face."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*peng peng peng*

"Hoy panget! Gising jan!"

Ugh...Inaantok pa ako -_-zZzZ

Tumalikod ako at tinakpan ang ulo ko ng unan.

"Gising! Panget!"

"Sleep...more sleep." bulong ko

"Ah! Ayaw mo ha!"

*splash*

Napabalikwas ako sa kama kong gawa sa kahoy.

"Oh diba! Nagising ka! Haha!" sabay pa silang dalawa na tumawa.

Napayuko na lang ako.

"Hoy panget! Kumilos ka na!" sabi ni Ayeen

"Mamalengke ka daw sabi ni Mommy!" sabay hagis ng listahan ni Trish

Medyo mabigat pa din ang ulo ko dulot ng kulang sa tulog.

"Panget! Ay inaantok ka pa?" sabi ni Trish sabay sabunot nya sa buhok ko at inalog-alog pa ang ulo ko

"A-Aray..E-Eto na. Mamamalengke na."

Lumabas naman silang dalawa na natawa-tawa habang pinag-uusapan ang crush nila.

"Haaay.." bulong ko


Si Ayeen at Trish ay mga kapatid ko. Si Patricia Ayeen Perez at Sheena Trisha Perez...bakit Perez ang apelyido nila at ako naman ay Haira? Step-mom ko ang mommy na tinatawag nila which is si Isabel Perez. Eh bakit di sila naging Haira since asawa ni Tiya ang tatay ko? Hindi pa kasi sila kasal. Ung dating asawa ni tatay ang siyang nany ko. May kuya yan sila Ayeen at Trish,si Kuya Jerome Perez or Kuya Rome kaso namatay sya a year ago. Sinisisi pa din nila ako hanggang ngayon sa nangyari kaya galit na galit sila sakin.

Naku! Baka mapagalitan ako ni Tiya Isabel pag nagtagal pa ako dito.

*kring kring*

Dali-dali kong kinuha ang phone ko at tinignan kung sino ang natawag.

"Si Fudge pala!"

agad kong pinindot ang buton na kulay green,mahirap lang kasi ako. Ung pinakaunang cellphone pa ata ng Nokia itong phone ko.

"Good morning Fudge!" sabi ko ng maligaya

"Nagawa mo na ba ung assignments ko?" sagot nya.

"Ah! Oo. Actually natapos ko sya by 2am kaya eto...puyat." sabi ko

"Ganun ba?"

"Yeah. Kita na lang tayo mamaya sa school."

"Ge."

"I love you Fudge—-"

"*toot toot*"

Aww! Pinatayan ako?

No! Baka na-lowbat lang. Tama! Ganun na nga.


Oh well.

Baka nagtataka kayo kung sino siya. Well,bf ko yun. Sya si August Chad Reyes. Kilala sya sa school kaya nga sobrang daming nagtataka kung bakit daw ako naging gf nun eh bukod sa dukha daw ako eh pangit pa,tsamba na lang daw siguro na may utak ako. Minsan nga sinasabi nila un lang daw kailangan ni August sakin...talino.

Diary ng BrokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon