Kabanata 4:

265 10 0
                                    

Kabanata 4:       

( Boses ni Leo)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Surround yourself with people who make you a better person."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Kuya! Kuya!"

Ugh! Ano ba yan? Inaantok pa ako.

"Kuyaaaaaa!"

"Lei! Ano ba?! Wala na bang araw na di mo ako kukulitin?!" medyo galit na sabi ko

"Eh?! Pasalamat ka nga ginising kita eh! Ano? Di ka na mag-aaral? Tambay na lang?" sagot naman nya

"Eto na nga diba! Tsk." sabi ko na lang

Pagkababa ko eh nadatnan ko sila na nakain kaya nakisabay na din ako.

Nang matapos ay naligo na din ako at nagbihis ng tshrt at pants, wala pang uniform eh.

Nang makarating ako sa SVH ay di naman na ako hinarang nung guard dahil nakita naman na nya ako kahapon.

Dumiretso ako sa Seniors Building dahil nandun ang room ko. Di ako pumasok sa loob dahil nakakahiya, lahat sila doon magkakakilala tas baka wala pang kumausap sakin.

Ilang minuto lang din naman ay tumunog na ang bell...start na siguro ng klase.

"Oh! Mr. Malvar bakit nandito ka pa?" tanong sa akin ni Ma'am—-Aah! Tama! Si Ma'am Gozon

Ngumiti na lang ako bilang sagot.

"Sige. Saglit lang."

Maya-maya lang ay pumasok sya sa loob at binati naman sya ng mga estudyante nya.

"Good morning din. Oo nga pala Class SS,you have a new classmate. Galing sya sa North Ville Mary High."

Rinig na rinig ko ang biglaang bulungan ng ilan.

"Sino kaya yun?"

"NVM High daw oh? Diba un ung school na tumalo sa basketball team natin?"

"Gwapo kaya?"

Sinenyasan naman ako ni Ma'am Gozon na pumasok at nagkaroon lalong commotion...

"Eek! Gwapo nga!"

"Waah! Buti dito nag-transfer."

"May rival na si Chad!"

"Quiet class!" sabi ni Ma'am Gozon at natahimik naman sila. Sinabihan nya lang ako na magpakilala kaya..

"Hello everyone. I'm Atom—-" napatigil ako sa pagsasalita ng may biglang tumawa ng mahina...

"Pfft! Leo pala ah!" rinig kong sabi nito

Aba! Si student-assistant-slash-tour-guide-slash-Aya pala!

"What's the matter Ms.Aya?" tanong ni Ma'am

"Oh! Nothing Ma'am!" sabay ngiti nito

"Ok. Go ahead Mr.Malvar."

"Again, I'm Atom Leonard Malvar. Leo for short." sabay ngumiti ako

"Wie! Ang gwapo mo Leo."

"Ang gwapo din ng name!"

"Yieee!"

"Quiet! Class! Please be nice to him." Ma'am

"Sure Ma'am!" sabi ng ilan

"Good. Saan pa ba may available na seat?" bulong pa ni Ma'am.

Diary ng BrokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon