Kabanata 23:
(Boses ni Aya)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Wala naman sa tagal 'yon, ang mahalaga naka-move on ka."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
(Mensahe ng Manunulat: Una, gusto kong humingi ng paumanhin sa lahat ng mambabasa nitong DNB. Ang update na ito ay iniaalay(ang lalim, hahahaha) ko sa mga nag-pm sa akin na ipagpatuloy na itong story. Salamat po, buong akala ko rin kasi ay walang nagbabasa nito kaya parang nawala ako sa mood na mag-update pero heto, nakapag-update na ako dahil sa message niyong nakakataba ng puso 😉 I might update this often, busy po ako sa projects ko since graduating po ako. Sana maintindihan niyo. I love you guys *kiss & hugs*)
"Tigilan niyo na nga siya!" Nagulat ako nang may sumigaw na hindi ko inaakalang magsasalitang muli para sa akin.
Si Bree.
"Itigil niyo na ang ginagawa niyo sa kaniya," ulit pa niya.
"Ayaw mo nito Bree? At least, alam niya na kung saan talaga ang lugar niya kundi sa basura," itinapon nilang muli sa akin ang basura. Nagulat ako sa sumunod na ginawa ni Bree, sinampal niya si Aimee saka sinabing, "ang sabi ko tigilan niyo na siya. Hindi ka ba nakakaintindi ng Tagalog?"
Nanlilisik na tumingin sila Jayne at Leslie sa kaniya dahil sa ginawa niya,"ayos ka lang ba Aims," nag-aalalang tanong nila.
"Tanga ba kayo?! Sa tingin niyo ayos lang ako, bobita!" Nakita kong inirapan niya si Bree saka dumuro sa akin, "Aya, hindi pa ako tapos sa'yo!" With that ay umalis na siya.
"Best, ayos ka lang ba," sinubukan niyang iabot sa akin ang kamay niya pero tinapik ko lang ito. Ilang minutong namayani ang katahimikan nang naisipan niyang basagin ito, "Best, I'm sorry. Hindi ko sinasady---"
Hinawakan niya ako sa kamay pero tinulak ko siya kaya napaupo na rin siya,"huwag mo akong kausapin Bree!"
"Please naman, Best. Nakikiusap ako, kausapin mo naman ako," pagmamakaawa niya.
"Nasasaktan ako, Bree. Sana man lang inisip niyo kung ano ang mararamdaman ko sa ginawa niyo. Buo ang tiwala ko sa inyo pero sinira niyo eh. Sinira niyo!" Umiyak ako nang umiyak at ganoon din siya. Tumayo na ako at nilagpasan siya pero hinatak niya ako sa braso, "best."
"Ano ba, Bree?! Tigilan mo muna ako," tumakbo na ako palabas ng restroom at marami na palang nakakarinig sa amin sa labas. Takbo lang ako ng takbo habang pilit na pinupunasan ang mata ko dahil sa patuloy na pagtulo nito. Patuloy lang din ako sa pagtakbo hanggang sa matumba ako dahil may nabunggo ako.
"Aya," tanong niya at nang makita ko ang nagsalita ay agad akong napayakap sa kaniya at patuloy na umiyak.
(Boses ni Leo)
Nagpaalam muna ako sa kanila at tinanguan naman nila ako. Napatingin naman ako sa di kalayuan dahil parang may pinagkakaguluhan sila pero binalewala ko na lang. Pagkahakbang ko ay may nabunggo ako at sa sobrang lakas ay natumba siya---Teka!
"Aya," tanong ko. Tumingin muna siya sa'kin saka biglang yumakap sa akin at umiyak nang umiyak. Basa pa ang damit niya at may mga nakadikit pang pailan-ilang tissue sa katawan niya. Napatingin naman ako sa di kalayuan at nakita kong umiiyak din iyong bestfriend niya. Palagay ko ay alam ko na ang dahilan niya kung bakit na naman siya umiiyak.
BINABASA MO ANG
Diary ng Brokenhearted
General FictionNa-brokenhearted ka na ba? Eh brokenhearted ka ba? Kung oo ang sagot mo, aba! Sinusuwerte ka dahil napadpad ka sa librong ito. Kung hindi ka naman doon sa dalawang nauna kong tanong. Hay! Wag ka nang magdalawang-isip pa na basahin ito para di ka map...