(Boses ni Aya)
"Hoy! Gumising ka na diyan!" Ramdam ko ang malamig na tubig na inihagis niya sa akin. Nakauwi na pala sila Tiya mula sa probinsya at kaninang medaling-araw sila nakarating dito.
"Aya! Anong oras na?! Kung wala ka ng balak mag-aral, sabihin mo lang!" Nang sabihin iyon ni Ayeen ay agad akong bumangon. Halos mapamura ako dahil 7:30 na at 8am ang klase ko. Nag-ayos na ako ng higaan at agad na naligo. Kinse minuto na lang ang natitira bago ang una kong subject. Pumunta ako sa kusin at dumukot ng isang pirasong pandesal bilang pang-agahan at habang kagat ko iyon ay inilibot ang mata ko. Nalungkot ako dahil hindi ko nakita si Tatay, marahil ay napainom na naman kasama ang barkada niya.
Nilakad ko na lang—ay mali! Tinakbo ko na pala para lang makaabot ako sa room. Wala pang tatlong minuto ay nakarating na ako, walking distance lang kasi itong school. Kakapasok ko pa lang ng gate ng school ay pinag-uusapan agad nila ako. Malamang ay alam na nila ang nangyari sa amin ni August . Sa halip na pansinin sila ay hinayaan ko na lang, sanay naman akong ginaganyan nila ako, baka nga mas magulat pa ako kapag di nila ako pinagtsitsismisan e.
"Oh my, G! Totoo nga!"
"Confirmed! Patapon na nga si Aya!" I heard laughters from them.
"Andiyan na sila Chad at Bree!" Upon hearing that ay awtomatiko akong lumihis ng daan. Kahit na ma-late pa ako ay wala na akong pakialam. Naririnig ko pa nga lang ang rumors na sila na ay nasasaktan na ako, what more kung makita ko pa sila nang harapan. Kahit na napalayo ang daan ko ay okay lang dahil hindi ko naman sila makikita.
"Aya!" Nakasalubong ko si Darius na nanggaling pa ng gymnasium. Mukhang kakatapos lang nito mag-training dahil pawisan pa ito. Binati ko na lang siya as soon as makalapit siya.
"Good morning din. Bakir parang ang layo naman ng inikutan mo," may halong pagtatakang tanong niya.
"Ah, may dinaanan lang ako," sabi ko saka ngumiti. Nawi-weirduhan naman siyang tumingin sa akin saka sinabing sabay na raw kaming pumasok sa room which is good dahil hindi ako mapapagalitan nang mag-isa. Nang makapagpalit siya ng uniform ay tumakbo na kami papuntang room dahil time na. Pagkarating naman namin ay wala pa si Ma'am Cuevas.
"Hoy! Aya, bakit sumasama ka diyan sa tipaklong na 'yan," sabay duro niya kay Darius. Okay naman si Darius ah? Bakit kaya ganiyan siya kagalit diyan?
"At bakit, Hails? Nagseselos ka ba? Sabi ko naman sa'yo saka na lang kita sasagutin," sabi naman ni Darius na may halong pang-aasar. Namula naman ang tenga ni Hailey sa sinabi nito, ganiyan 'yan si Hailey kapag nafu-frustrate o naiinis.
"Walang hiya ka! Ang kapal talaga ng mukha mo ano? Kinakalyo na," inis na sabi ni Hailey saka nilapitan sila Max. Binati naman nila ako at isang malamyang ngiti lang ang ibinigay ko. Nadaanan ko ang inuupuan ni Atom at nginitian niya lang ako.
Dumating naman si Ma'am after thirty more minutes.
"Sorry, class. Nagkaroon lang ng emergency kaya medyo na-late ako. So, since thirty minutes na lang ang natitira ay hindi na ako magtuturo." Agad na naghiyawan ang mga kaklase ko sa narinig nila. "Teka! Hindi pa ako tapos. Ang gagawin ko na lang is to announce some important matters regarding bukas." Nag-'aww' naman ang lahat sa panlulumo. May camping kasi kami bukas para sa subject niya which is three days and two nights. Seniors lang ang mga kasama at mula iyon sa section namin hanggang sa last.
"Mag-prepare na kayo ng mga bihisan niyo dahil nga three days and two nights tayo doon. Magbaon na rin kayo ng canned goods at gusto ko sa meet-up bukas sa school grounds ay naka-light pink ang girls at blue for biys. By five in the morning ay narito na dapat ang lahat dahil kung hindi ay iiwan namin kayo. Is that clear?" Um-oo naman kami sa sinabi ni Ma'am Cuevas, teacher namin siya sa Communication. Nang matapos ang ilang announcements ay pinag-lunch break na niya kami. Ako? Mula ngayon ay kasabay ko na ang BATB at sila Max, Hailey and Yumi.
BINABASA MO ANG
Diary ng Brokenhearted
Ficción GeneralNa-brokenhearted ka na ba? Eh brokenhearted ka ba? Kung oo ang sagot mo, aba! Sinusuwerte ka dahil napadpad ka sa librong ito. Kung hindi ka naman doon sa dalawang nauna kong tanong. Hay! Wag ka nang magdalawang-isip pa na basahin ito para di ka map...