Kabanata 18:
(Boses ni Max)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Kung sino pa yung hindi ka kilala,
sila pa yung wagas kung manghusga."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ten o'clock ang napag-usapan naming call time pero alas-otso pa lang ay nag-aayos na ako. Na-eexcite ata ako kasi simula nung nahiwalay sa amin si Aya I never decided to join mallings again. Paano ako mag-eenjoy kung yung taong parang kapatid ko na din ay patuloy pa ding niloloko ng boyfriend niya? I came back to my senses when my Mom talked.
"Kamusta na si Aya? Hindi pa din ba kayo nagkakausap?"
I took a sip on my hot coffee before I answered her. "Ayun, Mom. She's still not aware na he's boyfriend is just fooling her."
"Ganun?"
"Yeah. But I think na malapit na po kaming maging okay ulit. Kilala niyo po si Kyd diba?" her eyes twinkled when he heard Kyd's name.
"Uhuh. What is it about Yumi's suitor?"
"Eh kasi po si Kyd atsaka yung mga kaibigan niya ay close kay Leo, yung transferee sa school namin from NVMH tapos sakto namang yung Leo ay friend ni Aya. Tapos sinasabay kami nila Kyd pag lunch break eh si Leo naman sinasabay si Aya kaya ayun...medyo nakakalapit na ulit namin siya pero we never spoke a word with each other." I remembered how her face looks whenever she's around Chad. She never knew that he's just fooling her and what's even worse is that...her bestfriend is a traitor.
"Ah. I see. Sana maging friends na kayo ulit. I really missed her." parang anak na din turing ni Mom sa kanya eh and besides, nag-iisang anak din kasi ako. Dati-rati kasi madalas kaming nandito sa house lalo na pag early dismissal.
Nagpaalam lang ako kay Mom and okay lang naman sa kanya. Nakipagkita lang ako sa kanila sa may ice cream parlor sa tapat ng school and nakita kong nandun na si Hails at...Darius. Pagkadating na pagkadating ko pa lang doon ay rinig na rinig ko na ang pagbabangayan nilang dalawa.
"Paksh*t ka!" asar na sabi ni Hails sa kanya. Tawa lang ng tawa yung isa. Hobby niya atang asarin si Hails eh.
"Aminin mo kasi...nagseselos ka lang." sabay tawa niya pa. I saw how Hails' face turned red.
"Hey hey! LQ na naman kayo?" I said nang makalapit ako sa kanila.
"Sige lang Max! Mang-asar ka pa." she rolled her eyes heavenwards. With that, tumigil na ako at baka masapak ako niyan. Knowing her? Maton kaya 'yan. Joke! haha. Maya-maya lang ay dumating na din sila at laking pasasalamat ko kasi kung hindi pa sila dumating baka namamaga na yung noo ko kaka-facepalm sa pagbabangayan nung dalawa.
"Hindi ba talaga makakasama si Aya sa atin?" Yumi asked. I know how she really missed Aya.
"Gusto niyo puntahan natin siya sa pinagtatrabahuhan niya?" tanong ni Leo. Alam niya kung saan?
"Paano mo nalaman?!" gulat na gulat na tanong ni Hails
"Ah--Hindi ko na maalala." napakamot pa siya sa batok niya. May gusto kaya siya kay Aya? Hmmm.
Pagkadating namin sa Peppero ay nakita agad namin siyang busy sa pagpupunas ng tables. Pumwesto kami sa may malaking table, enough para magkasya kaming lahat. Maya-maya lang ay tinanggal niya na din yung mga kalat na nasa table namin at hindi niya pa ata kami mapapansin kung hindi nag-"Ehem" si Darius. Gulat na gulat nga siya eh.
BINABASA MO ANG
Diary ng Brokenhearted
General FictionNa-brokenhearted ka na ba? Eh brokenhearted ka ba? Kung oo ang sagot mo, aba! Sinusuwerte ka dahil napadpad ka sa librong ito. Kung hindi ka naman doon sa dalawang nauna kong tanong. Hay! Wag ka nang magdalawang-isip pa na basahin ito para di ka map...