ESPESYAL NA KABANATA - Ikalawang Parte
(PM: Point of view po ito ni Max and itong kabanata na ito ay ibubunyag ko lang kung bakit humiwalay si Aya at Bree sa tropa nila dati)
Freshmen pa lang kami ay magkakaibigan na kami ni Max, Hailey, Yumi, Aya at Bree. Mag-childhood bestfriend kami ni Aya. Ung Mom ni Aya at Mom ko ay highschool friends pero maaga din namatay yung Mom ni Aya nun eh leaving her to us. Si Mom ung parang naging nanay niya nung time na un until nag-asawa ulit ung Dad ni Aya at nagkaroon sya ng dalawang kapatid sa labas. Ung Tiya niya (Tiya kasi ang tawagniya dito dahil ayaw daw nito ng Mama dahil di niya anak si Aya) ay lagi siyang kinakawawa pero alam kong matapang na tao si Aya dahil kahit ganun ay nakangiti lang siya.
One time...
Nakita ko kung paano tinukso si Aya dahil walang um-attend na magulang niya sa parents meeting.
"Ano ba?! Bakit ba si Aya ay lagi niyong ginaganyan? Kulang ata kayo sa pansin eh! Edi maghubad kayo sa quadrangle para sumikat kayo!" tandang-tanda ko pa ang sinabing yun ni Bree kila Aimee. Yeah, sila Aimee din ung same na nang-aaway kay Aya hanggang ngayon. Magkaklase kasi sila nung time na un ni Bree
Nung nag-3rd year kami ay mas naging close pa kami sa isa't-isa. Si Bree ay may boyfriend na at nagulat kami nun. Tinatanong namin siya kung sino pero saka na lang daw niya sasabihin saka ngingiti. Si Aya naman ay running for first honor at scholar siya dito sa school namin. Naalala ko pang patay na patay siya kay Chad. Si August Chad Reyes na varsity ng Grayhawks Basketball team ay palagi niyang tinatanawa sa malayo hanggang sa biglang lumapit samin si Chad habang nakain kami sa canteen at tinanong ang pangalan ni Aya. Siyempre kilig na kilig si Aya nun at halos maglupasay naman siya. Hanggang sa kinaibigan kami ni Chad at gusto niya daw ligawan si Aya. Siyempre, bilang kaibigan ni Aya ay natuwa kami dahil ung crush niya ay manliligaw sa kanya. Masaya si Aya nung nanligaw si Chad at hatid-sundo pa siya nito. Mas dumami tuloy ang haters niya nung time na un.
Maglilimang buwan ng nanliligaw si Chad sa kanya pero di niya pa din ito sinasagot dahil daw gusto niya muna makasiguro. Hanggang sa nag-mall kami nun ni Hailey at Yumi...Pagkadaan namin sa isang boutique ay nakita naming magkasama si Bree at Chad.
"Bakit sila magkasama?" tanong ko
"Oo nga noh?" dagdag ni Hailey
"Baka naman may ireregalo si Chad kay Aya. Eh diba si Bree ang nakakaalam ng mga gusto ni Aya kaya siguro kasama siya ni Chad." sabi naman ni Yumi
"Ay oo nga" pagsang-ayon naman ni Hailey
I doubt it. Para kasing ang imposible pero isinantabi ko yun. Not until nakita ko silang dalawa na nag-uusap sa harap ng girls locker. Nagkataong napadaan ako dahil may kukunin ako sa locker ko and walang katao-tao.
"I love you, Babe." sabi ni Bree
The next thing I knew ay napatakip ako sa bibig ko dahil naghalikan sila. I was shocked that time at hindi ko na nakuha ang dapat kong kukunin. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin yun kay Aya.
I was really confused but I managed na kila Hailey lang muna ipaalam. The three of us decided to spy them and confirmed...may hidden agenda nga si Bree at Chad. Nasa harap sila ng isang teashop at magkaholdinghands pa silang dalawa. Sa sobrang inis ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko...
"Maaax!" rinig kong pigil sakin ng dalawa at sumunod sa akin
"What's the meaning of this?!" galit na sabi ko at nang mapatingin silang pareho sakin ay nanlaki ang mata nila
"I--I will explain!" sabi ni Bree
"Explain yourself, B*tch!" I slapped her.
"Mahal ko si Chad kaya ko ginawa to!" sabi niya nang may luha
"Paano si Aya, ha?! Hindi mo ba siya mahal bilang kaibigan?! Kaya ba hindi mo maipakilala samin ung sinasabi mong boyfriend ay dahil si Chad un?!" sigaw ko
"Max! Tama na." sabay hawak sa braso ko ni Hailey
"Hailey! Let go of me! Nag-aalaga tayo ng ahas!" tumingin ako kay Bree "Ang landi mo Bree! Ang landi mo! At ikaw naman" sabay tingin k okay Chad "G*g* kang manloloko ka!" sabay sapak ko sa mukha niya
"Isang traydor at manloloko! Magsama kayo sa impyerno!" sabi ko saka nag-walkout
The next day ay nalaman ko na lang na sinagot ni Aya si Chad. We need to confront Aya dahil niloloko lang sya nito kaya naman hinatak namin siya sa school garden.
"Aya! May kailangan kang malaman." sabi ko sa kanya as soon as nakarating kami
"Ano yun, Max?" sabi niya saka ngumiti "Oh! Bat parang ang seryoso niyo atang tatlo ngayon? Di ba kayo masaya? Kami na ni Chad."
Hindi, Aya! Bakit kami sasaya kung ikaw ang nakasalalay diito.
"Chad is cheating on you." sabi ko saka yumuko
"Wag niyo nga akong jino-joketime ngayon guys." sabay tawa niya
"Sana nga nagjo-joke lang kami, Aya." dagdag ni Hailey
"Guys! Ano ba? Wag namang ganyan oh. Kakasagot ko lang kay August tas sinisiraan niyo agad siya." Tumaas na ang tono ng boses niya...galit na siya.
"Mabuti kung sinisiraan talaga namin siya pero hindi eh. Sinasabi namin ung totoo." Yumi said
"Paano niyo naman nasabi yan? May ebidensya ba kayo?" Aya
Yun ang mali namin! Ni hindi namin sila pinicture-an ng patago para may ebidensya.
"Wala. Narinig lang namin sila nung una--"
"Ayun naman pala eh! Narinig niyo lang! Don't accuse him with such things! Akala ko kaibigan ko kayo pero bakit ganyan kayo?! Max! Kapatid pa naman ang turing ko sayo!" then she slapped me
Nagulat si Hailey at Yumi sa ginawa niya... "I-I didn't mean to--" gulat na sabi din ni Aya
"Don't blame us if someday, you'll find out the truth." sabi ko saka umalis
Gusto lang naman namin siyang ilayo sa isang traydor at manloloko pero she ended pushing us away. Parang kapatid ko na din si Aya kaya naman iniisip ko lang ang kapakanan niya pero eto.
Months has passed... kasama pa din ni Aya si Chad at Bree. Ang masaklap pa ay naging bestfriend niya si Breen g mahiwalay siya samin. Matagal-tagal na sila at madami-dami na ding nakakaalam na may hidden affair si Bree at Chad at siya na lang ang walang kaalam-alam. Sabi pa nga ng ilan ay kaya daw nanligaw si Chad kay Aya dahil matalino daw at palagi daw itong nagpapagawa ng research, thesis at assignments sa kanya.
Gustung-gusto ko siyang ilayo siya kay Chad pero palagi niya naman kaming pinagtutulakan. Oo, nagalit ako sa kanya noon dahil mas pinili niyang wag maniwala sa amin pero mahalaga pa din siya sa akin eh.
------------------------------------------------
follow me on twitter @manangbaleleng, tumblr @manangbalelengWP and please like the page on fb "Manang Baleleng". Feel free to vote and comment XOXO
BINABASA MO ANG
Diary ng Brokenhearted
Художественная прозаNa-brokenhearted ka na ba? Eh brokenhearted ka ba? Kung oo ang sagot mo, aba! Sinusuwerte ka dahil napadpad ka sa librong ito. Kung hindi ka naman doon sa dalawang nauna kong tanong. Hay! Wag ka nang magdalawang-isip pa na basahin ito para di ka map...