Kabanata 20:

163 11 8
                                    

Kabanata 20:

(Boses ni Aya)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Kapag brokenhearted ka, wag puro alak ang isipin mo...

Isipin mo rin ang kutsilyo, lubid,at lason.

Kung gusto mong mawala nang maaga, matuto kang dumiskarte hindi ung puro ka pag-iinarte."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

(P.M: Pasensiya na po sa sobrang late na update na naman. Nawawalan na po kasi ako ng pag-asa sa istoryang ito kaya nagdadalawang-isip ako kung mag-uupdate pa ba ako. Dedicated nga pala ito kay @abegailpesco dahil nag-comment siya sa last update ko. Ni hindi ko po alam na may mga silent readers ako, nalaman ko lang ng may nag-pm sa akin na maganda daw. Sa totoo lang, ayaw ko na sana ituloy ito pero natutuwa naman ako dahil nga may nag-pm, vote and nag-comment last time. Hindi naman sa demanding ako pero... kahit po mag-COMMENT na lang kayo, kahit wag na mag-vote. Pero kung magvo-vote kayo ay salamat na din. Haha. Sana po magsalita naman yung mga silent readers ko. Please inspire me. So much for the drama, here's my update. Hold on tight, guys! ✊)

To: Fudge ❤

Good morning Fudge. Kumain ka na ba? I brought something for you. Papasok ako ng maaga. Let's meet on our usual place. Love you.

Ngumiti pa ako ng nag-appear ang "Message Sent!". Ipinagluto ko kasi siya ng paborito niyang pancakes. Paborito niya kasing kainin iyon lalo na pag umaga. Okay nang kahit di na ako kumain basta mabusog siya. Siyempre! Naglinis muna ako ng bahay bago ako umalis at baka palayasin ako kung hindi. Kailangan kong magtiis dahil wala din naman akong ibang mapupuntahan.

Ngiting-ngiti pa ako habang naglalakad. Siguro kung nakasalubong niyo ako ng ganito ay baka pagkamalan ninyong baliw na ako. Paki ba nila? Masaya ako eh. Sobrang miss ko na kasi si Fudge kaya nae-excite talaga ako. Haha! Blame love for making me crazy over him!

"Good morning, Ate!" bati ko doon sa lady guard ng school. Mabait kasi yan si Ateng Lady Guard.

"Good morning din. Ang aga mo ah at mukhang masaya ka ata?" Nag-teehee na lang ako sa kanya bilang sagot at pinapasok niya na din ako. Medyo maliwanag na din naman dahil alas-sais na ng umaga pero wala pang masyadong mga estudyante dahil alas-siyete o alas-otso pa ang umpisa ng klase. Pumunta na ako sa usual place namin habang nag-ssway pa ang kamay ko.

"Huh? Asan siya?" Wala kasi siya eh. Nasaan naman kaya siya? Nabasa niya na kaya yung text ko? Sinilip ko ang phone ko baka sakaling nag-reply siya pero wala. Umupo na lang muna ako at naghintay pero isang oras na ata ang nakalipas ay walang nagpakita sa aking Fudge kaya nagdesisyon na lang akong pumunta sa room namin. Nandoon na nga din sila Max at kung kanina ay maingay sila, ngayon ay nanahimik sila. Pumwesto na lang ako sa upuan ko at tahimik na naggawa ng assignments sa subject ni Ma'am Liezel. Napatingin pa ako ng dumating si Leo at ganun din siya kaya ako na naunang mag-iwas ng tingin. Medyo nagagalit pa din ako sa nangyari noong isang araw. Sana man lang kasi, bago nila sabihin yun ay may ebidensya man lang silang maipakita.

Noong nag-breaktime naman ay pumunta ako sa room nila Fudge pero wala siya. Itinanong ko na lang sa ka-team niya kung nasaan siya pero ang sabi lang ay nasa AVR room daw. Nag-thank you lang ako saka ako pumunta doon.

"Siya yung gf ni Chad diba?"

"Oo. Tsk. Kawawa naman siya."

Tinignan ko sila ng masama kaya nagmamadali silang umalis. Hindi na nga ako maganda tapos usap-usapan pa din ako sa school. Grabe! Ang famous ko ah!

Pagkarating ko sa avr room ay nagulat ako...

...kasi wala namang tao. Pinaglololoko ba nila ako?

Diary ng BrokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon