Kabanata 21:

198 11 4
                                    

Kabanata 21:

(Boses ni Leo)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Breakups hurt, but losing someone who doesn't appreciate you is actually a gain, not a loss."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tinawagan ko si Lei at mabilis naman siyang dumating. Nagtanong siya kung ano ba ang nangyari pero hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko.

"Lei! Ano ba?! Ngayon mo pa nakuhang gawin 'yan!" Pinicture-an niya ba naman kami eh nakayakap pa kaya si Aya sa akin. Hindi ko tuloy siya masapok.

"Hehe. Remembrance lang, Kuya. Bagay kaya kayo. Ayyie." Nakakainis! Kung alam ko lang na ganyan ang gagawin niya eddi sana hindi ko na lang siya pinapunta. Kung nakakagalaw lang talaga ako eh nasapok ko na talaga 'yang kapatid kong 'yan.

"Tss. Oo na. eh kung buhatin mo na kaya!" Saka niya kinuha 'yong bag ni Aya at isinuot. Napa-"ha?" na lang ako dahil hindi ko siya naintindihan.

"Tanga ka ba Kuya o ano?!" asar na sabi niya. Aba't kailan pa siya natutong magmura?

"Hoy! Bunganga mo ah. Isusumbong kita kay Mom!"

"Psh. Sige. Ikaw na magdala nito at ako na magbubuhat kay Ate Aya!" That's only the time I realized that I should carry her. Napasampal na lang ako sa noo ko at nag-smirk naman siya sa akin at nang mabuhat ko na si Aya ay nauuna ng maglakad sa amin si Lei. Pagkarating namin sa tapat ng bahay nila Aya ay nakasara ang bahay nila. Ang alam ko madalas minamadaling-araw ang tatay niya...kaso nasaan 'yang stepmother niya? atsaka 'yong mga kapatid niya?

"Kuya! Halika na dito. Ang alam nasa bakasyon 'yong mama at mga kapatid ni Ate Aya." Ganun? Paano naman si Aya? Wala siyang kasama? Kung kailan naman kailangan niya ng makakasama. Dapat talaga magkabati-bati na sila nila Max.

"Mom! We're here! May inuwing babae si Kuya." She even shouted that kahit alam niya namang natutulog itong buhat ko.

"Anong babae ka diyan! Tumutulong lang ako tsaka wag ka ngang maingay." Busy pa ako sa pagse-sermon sa kapatid ko ng nagmamadaling dumating si Mom. Sinigaw niya pa ang pangalan ko kaya nag-"Ssh" ako at ngumuso kay Aya. Nag-sorry na lang din si Mom.

"Dalhin mo na sya sa guest room para makapagpahinga." Tumango na lang ako sa sinabi ni Mom at nang makapunta kami ng guest room ay maingat ko siyang ibinaba. Medyo marumi na rin ang suot niya kaya pinabihisan ko na lang siya kay Lei. Magkasing-size nga ata sila ng damit, medyo maliit kasing tao si Aya. Ni hindi mo nga mahahalatang 4th year na 'yan kung hindi mo siya kakilala eh. Nang matapos sila ay agad nila akong inintriga.

"Bakit naman mag-isa si Ate Aya? Bakit hindi siya isinama?"

"Nasaan ba ang Mom at Dad niya?" dagdag pa ni Mom

"Ang alam ko po eh sobrang late na dumarating ang tatay niya tapos 'yong mga kasama niya ay bagong pamilya niya." 'Yon ang pagkakaalam ko base sa nabasa ko noon sa diary niya.

"What?! For real? Naghiwalay ang mom at dad niya?" gulat na tanong ni Lei

"Nope. Her Mom passed away years ago." Nagulat ako ng magpunas si Mom ng gilid ng mata niya saka sinabing nakakaawa pala ang sitwasyon ni Aya.

"Matanong ko nga kuya, bakit nagkaganyan siya? May problema ba?" Kahit na pinilit-pilit nila akong tinatanong sa bagay na iyon ay sinasabi ko na lang na hindi ko alam. I think I should not be the one to open it up. Privacy na ni Aya 'yon. Matapos ng pag-iintriga nila ay dumaan muna ako sa guest room para i-check siya. She's sleeping soundly pero naisipan ko pa ring lumapit. Hinawi ko lang ang bangs niyang nakaharang sa mukha niya at ngayon ko lang nalaman na may itinatago siyang ganda. Lagi kasing nakaharang ang buhok niya sa mukha niya kaya hindi ko iyon napapansin. Hindi siya sobrang ganda pero hindi rin naman panget.

Diary ng BrokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon