28

699 17 10
                                    




"Congrats, Bei!" sabi ni Thirdy sa kanya pagkatapos manalo sa championship ng Ateneo at UST sa UAAP at naging Finals MVP.

"Thanks for believing in me, Thirds. You don't know how much that meant to me. How you have helped me all throughout."

"So, dinner tomorrow?" Tanong ni Thirdy .

"You bet! Text na lang?"

"Okay, ingat kayo."

She left with a single tap on Thirdy's shoulder.


Nauna si Thirdy sa restaurant na pinag usapan nila ni Bea.

Ilang minuto, dumating si Bea, malayo pa kita na ni Thirdy ang ngiti papalapit sa kanya.

Bakit ba ang ganda mo, nakakahina ung ngiti mo

Isip ni Thirdy habang papalapit sa kanya si Bea.

"Did you order na?" Tanong ni Bea.

"Yup, got you all your favorite, champ!"

Maya maya lang dumating na ang pagkain nila. Masayang naguusap, nagkkwentuhan sa naging byahe nila simula pa nung high school sila na nanunuod si Thirdy ng mga games ni Bea sa Poveda hanggang college life nila na nasa isang eskwelahan sila. Same friends, same school, same in almost everything pati lakad at minsan kasuotan.

"Funny, how we have come so far, noh and still managed to be friends." Sabi ni Bea sa kanya.

"At ikaw wala pa ring boyfriend 😜"

"Oh eh ano naman, Ravena! Makasalita ka kala mo naman may girlfriend ka!"

"Bei, I want to try my luck...again..for the third time."

Nagulat si Bea sa narinig nya. Una syang sinubukan ligawan ni Thirdy nung nasa high school sila, pero sabi nya hindi pa sya ready, gusto nya mag focus sa pagpasok nya sa college. Nung nasa college sya, sinubukan ulit syang ligawan ni Thirdy pero nagsisimula na sya sa collegiate volleyball at gusto pa nyang mapagaling sa napili nyang sport .

"Thirds, I was invited to play for Japan and I want to have that experience."

"Of course, I want that for you, too. You know I won't stop you, diba?"

"Tsaka maglalaro ka din sa ibang bansa diba?" Tanong ni Bea.

"That's the plan, dipa namin alam which one to accept, though."

"Tamo, we'll be busy making names." Sagot ni Bea sa kanya.

"Okay, naintindihan ko. Ganito na lang, why don't we meet here after 4 years, kung wala ka boyfriend and wala ako girlfriend."

Napakunot ang noo ni Bea.

"O-kaaaay? Seryoso yan?"

"Seryoso ako, Isabel.

Kinuha ni Thirdy and cellphone ni Bea and naglagay ng reminder sa phone nya.

Lumipas ang taon, madami ang nangyari, padalang ng padalang ang balitaan ni Thirdy at Bea hanggang sa dumaan ang ilang buwan na wala silang communication. May mga kamustahan na nasasagot pagkatapos ng ilang oras hanggang umabot ang replies ng araw at linggo.

4 years after...28 na sila

Parehong nasa Pilipinas. Si Bea isang taon nang nakauwi, si Thirdy kakauwi lang. 

Dali dali si Thirdy nag ayos, dumating na ang araw ng usapan nila ni Bea na nagsimula 4 years ago. Pinilit nyang wag makibalita tungkol kay Bea, wala din syang narining mula sa dalaga. Minsan nauumpisahan ng kwento tungkol kay "Ate Bei" ni Dani pero malimit nyang pinipigil.

1...2..3...4 na oras.

"Sir, magsasarado na po kami." Lapit ng waiter sa kanya.

Lumabas na lang si Thirdy. Baka nakalimutan nya, baka nagpalit na sya ng telepono. Umalis sya at naisip na dumerecho na lang sa bahay nila Bea. Handa na sya, kahit ano ang maging sagot ni Bea pero sa likod ng isip nya, pinagdadasal nya, sana maging kanya na si Bea.

Malayo pa lang nakita nya ang liwanag ng bahay nila Bea. Madaming sasakyan sa labas. May victory party ba? Dahan dahan syang nagpark sa di kalayuan habang nakatanaw sa loob.

Napansin nya si Dani, may kausap na babae, mas matangkad sa kanya, nakaputing gown.

Dinial nya ang numero ni Dani.

D: Kuya!

T: Anong meron?

D: Anong meron saan?

T: Andito ako sa labas nila Bea, ano meron jan?

Nagulat si Thirdy sa lumabas ng gate, ung babaeng nakaputing kausap ni Dani.

Si Bea.

Ung ngiti ni Bea nung makita nya si Thirdy, ung nagpapahina sa kanya. Sumabay ng yakap.

"Thirdy! Di mo sinabing andito ka na!"

"You just got married?"

"Yes! Halika, you have to meet him! Just the way I imagined him to be."

"Ah dumaan lang ako kasi dika dumating sa usapan natin." Banggit ni Thirdy habang nakatingin sa taas, pinipigalan ung luhang kanina pa gustong umagos.

"Usapan? Kelan tayo nagusap?" Nagtatakang tanong ni Bea.

"4 years ago, Bea."

Nabigla si Bea, wala nasabi, naalala na nya.

"Thirds." 

Yumakap na lang si Thirdy sa kanya.

"I'm happy for you, Bei, really. I just wished it was me. Guess, I'll just see you around. I love you, it won't change ever."

Umalis si Thirdy pabalik sa sasakyan nya. Si Bea, bumalik sa loob, may luha.


guess all those memories disappearedeven though i loved you for 2 yearsnow you got someone to hold you nearbut im missing youhow did i let you slip awaycould it be just some stupid mistakeand i don 't know why it's all coming back


My DumpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon