Palasingsingan

707 21 15
                                    


"Dans!"

Nagulat si Dani, nakita nya ang pangalan ni Bea sa screen ng phone nya, tumatawag sa Messenger

"Ate Bei?"

"Hi, sorry I called you?"

"Asan ka na, ate, how are you?"

"Ahmm nasa San Franciso eh."

"I'm glad you called, miss ka na namin."

"Yeah, I miss you, too, guys. I'm really sorry na bigla ako nawala. I just have to ask you something kasi."

"Sure, Ate, ano un?"

"Ahhh is Thirdy here?"

"Sa San Francisco?"

"Yes."

"Wala, ate. Nasa New York sya. Bakit?"

"Parang si Thirdy ung nakita ko kasi bagong lipat sa apartment across mine."

"No, ate, alam ko sa New York sya, but kakaalis lang nya."

"Okay, Danyot. Thanks. Regards to everyone there."

"Ate?"

"Yes, Dans?"

"Bakit ka bigla nawala?"

"I'll tell you, soon. I just have to go now. I love you, Danyot."

At dun natapos ang usapan nila, nakatingin sa suot nyang singsing.


Paglabas ng apartment, nabigla sya nang may tumawag sa kanya. Kabisado na nya ang boses na yun, lumakad sya ng mas mabilis, nagkunwaring walang narining pero mas mabilis sa kanya, naramdaman nya ang hatak ni Thirdy sa kanya sa mga sandali na un.

"Bea!"

Napabugtong hininga si Bea habang hinihingal si Thirdy.

"Oh hi, Thirds, kamusta?" And tanging nasambit nya.

"Ano nangyari?" tinanong sya ni Thirdy ng walang pag aalinlangan.

"What are you talking about?" tanong ni Bea, tumatawa, halatang tinatago ang kaba

"You know what I'm talking about." Matigas ang pagkakasabi ni Thirdy sa kanya.

"We can talk some other time, Thirds, I'm really in a hurry." Sabay talikod ng mabils.

Pero sadyang mas mabilis si Thirdy, nahawakan ang kamay nya.

Naramdaman nya ang singsing. Alam nya, sa loob nya na hindi mahilig si Bea sa singsing pero bakit may suot syang singsing ngayon. Nalipat ang tingin nya sa naramdaman nya mula sa kamay ni Bea, nakita nya, isang makinang na bato.

"You're engaged?" Napapikit sya habang naghihintay ng sagot mula kay Bea.

"Thirds! Thirds! Why are you panting?"

Napabukas sya ng mata, nakita nya sa harapan nya si Bea. Tiningnan ang paligid.

Nasa kwarto sya, sa kwarto nila. Tiningnan nya ang kamay ni Bea, nakita nya ang singsing, binigay nya nung engagement party nila.

"Are you okay?" Tanong ni Bea sa kanya, punong puno ng pag aalala.

"Sorry, sobrang sama ng panaginip ko." Sagot ni Thirdy.

"Whatever it is, panaginip lang yan, we are stronger than your nightmares." Sinigurado ni Bea sa kanya.

Hinawakan nya ang kamay ni Bea, pabalik balik sa singsing na binigay nya. Alam nya, hindi sya bibitaw.


My DumpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon