Pakawalan

730 13 0
                                    

25 taon ang lumipas mula ng huling syang andito sa Pilipinas. Mag isa syang umuwi galing sa Amerika, naiwan ang asawa at 1 anak na lalake. 

Nagsimula syang magdrive papuntang Timog. Hindi nya alam pero paglapag nya ng maleta nya sa loob ng kwarto nya sa Loyola Grand Villas parang may humahatak sa kanya papunta sa kung saan, hindi sya mapakali.

Naalala nya nung gabi bago sila maghiwalay.

"I have to leave, huli na natin pagkikita ito, Thirdy. Ikakasala na ako."

"Itong bahay na ito, hihintayin kita dito, araw araw. Pag nalungkot ka, alam mo kung saan ka pupunta."

"You will not see me again so please don't expect."


Pero heto sya, ang kamay sa manibela, papunta sa lugar kung saan sinabi nyang di na nya babalikan. Malalim ang iniisip. Ano na kaya ang bago sa lugar na un?

Nakita na ung hinahanap nya, hindi pa nya nakakalimutan paano puntahan ang bahay na ito. Nagbalik sa alaala nya lahat ng meron sya sa bahay na ito.

Joint investment nila ni Thirdy. Binili nila nung mga bata pa sila. Hindi nya alam, pero kahit walang kasiguraduhan ang relasyon nila, sumige pa din sila sa pagkuha sa bahay na ito.

Kinuha nya ang susi sa bahay, parang walang tao pero maayos ang paligid. Lumabas sya ng sasakyan at dumerecho sa loob. Isinilid ang susi at pumasok.

Nag buntong hininga pagpasok, wala din nabago sa loob. Malinis. Maayos. Mga litrato nila ni Thirdy nung bata pa sila, andun pa din. Isa isa nya itong tiningnan, napapangiti sa bawa't ala ala na dala ng mga larawan.

Pumasok sya sa kwarto. Kwarto na kung saan ang mga dingding ay saksi sa kanila nakaraan. Sa bawa't sandali na magkasama sila, sa bawa't bawal na oras na pagsasama nila sa kwarto na ito. Ang mga ngiti, luha, nasaksihan lahat ng kwarto na ito. Lumapit sa kama at umupo, mukhang malinis. Naisip nya na siguro nga ay araw araw ito pinupuntahan ni Thirdy, nililinis, pinapanatiling malinis at maayos ang bawa't sulok. Nagiisip sya habang nakatingin sa kisame, ginugunita ang mga araw na magkaulaw sila ng lalakeng una nyang minahal.

Sa kanyang pag iisa hindi nya namalayan, may tao nang nakatayo sa pinto.

"Putang.... what are you doing here?" Ang nasambit lang nya.

Si Thirdy nasa pinto, nakangiti sa kanya.

"I come here everyday, sabi ko syo, hihintayin kita dito araw araw."

"And you never failed?"

Lumapit si Thirdy, umupo sa kama sa tabi nya habang nakahiga pa sya.

"Why did you come here?" Tanong ni Thirdy sa kanya.

Malagkit ang mga tingin, madiin na parang nangungusap.

Umupo si Bea galing sa pagkakahiga.

"I just felt I needed a break away from my usual routine in the US. I miss the Philippines, I have been gone for many years."

"Bakit dimo sinasagot mga email ko?"

Madaming taon, nababasa nya mga email ni Thirdy pero ni minsan hindi nya sinagot kahit na alin sa mga iyon. Ni minsan hindi nya naisip na sumagot at ituloy kung ano mang ugnayan meron sila.

"Thirds, may asawa na ako and so are you! How is your beauty queen wife?"

"Huwag mo ibahin ang usapan. Tayong dalawa ang magkaharap. Please, Bea, bakit ka bumalik dito sa lugar na ito?"

"This is mine, too, diba? Wala ba akong karapatan bumalik dito?" Tanong nya kay Thirdy.

"But you know I will be here!"

"Ano ba gusto mo palabasin?"

Bilis tumayo ng kama si Bea, palabas ng kwarto pero mabilis syang hinila ni Thirdy palapit sa kanya.

Hinalikan nya si Bea, madiin. Ginantihan nya ang mga halik na un, pinakawalan na kung ano man ang pag-aalangan na meron sya nung makita nya si Thirdy.

Nagbalik ang lahat sa ala ala ni Bea ang mga panahon nila nung bata pa sila.

Tinanggal nya ang pangitaas ni Thirdy at ganun din ang ginawa ni Thirdy sa kanya.

Pareho na silang walang saplot sa katawan, nilasap nila ang sandaling magkasama silang muli, magkaulayaw.

Nakahiga na sila sa kama, nakahiga si Bea sa balikat ni Thirdy.

"What went wrong, Bea?"

"Things are different now, don't go back. Pahinga na muna tayo, kailangan ko umuwi mamaya."

"Why can't you stay? Dito ka na sa akin, wag na tayo maghiwalay."

"That's not easy. May mga asawa na tayo, may anak."

Kinakausap sya ni Thirdy, pinipilit kumbinsihin na sumama na sa kanya. Di nila namalayan, nakatulog na si Bea.

Ilang oras ang nakalipas, nagising si Bea, tumingin sa relos, ala una na ng madaling araw. Tiningnan nya si Thirdy.

Nag ayos na sya ng sarili. Lumapit kay Thirdy, humalik sa noo.

"Goodbye, Thirdy. I love you, always and it will never change."

Tulog pa din si Thirdy.

Nagsimula syang lumabas ng kwarto, ang luha nya tumutulo, hindi nya alam kung bakit.

Lumabas sya ng bahay, dahan dahan sinarado ang pinto.

Huling tingin sa bahay, tumingin sa nilalakaran papuntang sasakyan nya.

Sa isip nya, humihingi ng tawad, sa sarili, sa pamilya nya at kay Thirdy.

Nangakong hindi na babalik, tinuldukan kung ano man ang meron sa bahay na iyon.

Nagmaneho pabalik ng Maynila, luha di tumitigil ang tulo.

Paulit ulit sa isip, mahal pa din nya si Thirdy pero hindi pwede.



My DumpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon