Pag-uusap

365 14 2
                                        

Part5

Sinubukan ko pang maglakad sana kaso natigilan itong hakbang ko nang hawakan ako ni Vince sa kaliwa kong braso.

"Ano ba! Wag mo kong hahawakan!" Sigaw ko sabay piglas para makabitiw sya sa pagkaka-hawak nya saken.

"Mag-usap muna tayo. Please..." Sabi nito.

"Wala na tayong dapat pag-usapan... Nananahimik na ko." Sabi ko.

"Agnes, ayaw mo bang mag-usap tayo ng maayos ha? Para sayo tong ginagawa ko. Gusto kitang panagutan. Gusto kong matuloy yung Kasal naten alang-alang dian sa Baby na dinadala mo." Mahinahon nyang sabi.

"Hmp. Hindi na... Hindi na kailangan na magpakasal ako sa gaya mong manloloko at walang puso... Kaya kong buhayin ang Anak ko kahit wala ka... Hindi kita kailangan Vince. Dun ka nalang kay Cherry?! Tutal bagay kayo. Bye..." Sabi ko sabay lakad para makalayo sa kanya.

*

Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ko habang nakaupo dito sa sinasakyan kong Jeep.
Umiiyak ako ng tahimik. Wala akong pakeelam sa mga tingin ng Tao saken. Hindi naman nila alam ang pinagdadaanan ko.

"Miss? Eto Panyo oh." Sabi ng isang Babae na mukhang kaedad ko.

"S-Salamat..." Bulong ko.

Tinanggap ko tong Panyo tapos hindi ko akalain na magsisi pag abutan pa ng Panyo ang iba pang sakay ng Jeep na to.

"N-Nako, salamat po. Okay na tong inabot ni Ate." Sabi ko.

"Miss, bakit ba umiiyak ka? Pwede kang magkwento habang hindi pa tayo bumababa." Sabi ng Matandang Babae.

Lahat sila naka-abang kaya hindi na ko nahiya.
Gusto ko din nang may mapagsasabihan ng problemang dinadala ko ngayon. Kaya sinimulan ko sa parteng niloko ako ng Fiance ko at Kaibigan na tinulungan ko sa loob ng ilang taon.

May ibang nagalit. May ibang nakapag mura.
Pinaliwanag ko na matagal na pala silang nagmamahalan. Ako lang tong sagabal sa pag-iibigan nila na ngayon e handa na kong manahimik kasama ang Baby ko.

*

Masarap sa pakiramdam na may napagsabihan ka ng ganong problema. Payo nila saken na magpakatatag alang-alang sa Batang dinadala ko. Wag na wag daw akong magpapadala sa tibok ng damdamin kung kulitin ulit ako ni Vince.

"Ayos ka lang ba Kapatid?" Sabi ni Kuya Aga.

"Ayos lang ako Kuya." Sabi ko.

Kasama nya si Troy dito sa Apartment.
Binati ako ni Troy saka sinabi nitong hindi sya makapaniwala na gagawin ni Cherry yun saken matapos kong tulungan ng ilang taon.

"Sobrang nakakabigla. Pero, kapag walang utang na loob baka ganun talaga. May Karma naman para sa kanya." Sabi ko.

"Grabe, sumosobra ang kapal ng Mukha ni Cherry. Isa pa yung Vince na yon. Bakit naman ganon na ayaw pala nya sayo e bakit pinatagal nya yung relasyon nyo ng 2 years? Isa pa, nagpropose sya sayo ah." Sabi ni Troy.

"Ewan ko ba sa Taong yun. Kanina nga hinintuan nya ko paglabas ko sa Resto." Sabi ko.

Lumapit agad si Kuya Aga saken at tinatanong kung anong napag-usapan namen ni Vince.

"Gusto daw nya ng maayos na usapan. Pananagutan nya ko. Gusto nyang ituloy yung Kasal. Syempre? Hindi na ko papayag? Kaya kong buhayin ang Anak ko. Hindi ko sya kailangan." Sabi ko.

"Tama yan! Tsk! Kala nya papasilaw tayo sa Pera nya? Wag mong hahayaan na gawin ka ulit nyang Laruan. Sira Ulo sya. Ano yon? Kakasal kayo tapos sila parin ni Cherry? Nasisiraan na yata sya ng bait." Sabi ni Kuya.

"Tama Agnes, wag kang papayag." Sabi ni Troy.

Tumango-tango ako.
Naupo na silang dalawa at inaaya pa kong tumambay sa inuman nila basta Fresh Milk daw ang iinumin ko.
Pumayag naman ako saka kame nagkwentuhan tungkol sa trabaho na inapplyan ni Kuya Aga.

**

Salamat at tahimik na ko ng ilang Araw.
Masaya din ako dahil katuwang ko na si Kuya Aga dito sa Maynila. Nagtatrabaho na si Kuya sa Mall. May Duplicate na yung Susi ng Apartment para sameng dalawa. Nagpapasalamat akong hindi na ko iniiwan ni Elaine para may kasabay ako sa pagpasok at pag-uwi.

"Kamusta naman yang si Baby? Hehe. Excited na kong makita yan Agnes nako. Gusto ko nang mapisil yung Paa nya." Sabi ni Elaine.

"Excited na din kame ni Kuya." Sabi ko.

Masaya kameng nagkwekwentuhan ni Elaine.
Naputol lang ng tawagin ako ni Sir Kenneth at pinapapunta sa Office ni Boss o Tito ni Vince.

"Hays." Bulong ko.

"Nako, bakit ka kaya pinapatawag? Tyaka alam ko wala si Boss dian ah? Diba nasa America si Boss?" Sabi ni Elaine.

"Hindi ko alam. Kinakabahan tuloy ako." Sabi ko.

"Agnes! Pumasok ka na daw dun sabi ni Madam." Sabi ni Sir Kenneth.

(Madam daw???)

Babae ang gustong kumausap saken kaya sumunod na ko't pumasok sa Opisina. Nanla-laki ang mga Mata ko nang makita yung Mommy ni Vince na si Tita Cheche.

"Hija? Come on. Gusto lang kitang maka-usap." Sabi nya.

Lumapit na ko tapos sinenyasan nya kong isara at ilock tong pintuan.

Sumunod naman ako.

"Halika Hija. Have a seat." Sabi nya.

Naupo ako sa kaharap na upuan ng Desk.
Nandun si Tita sa Trono ni Boss na kapatid nya.

"Your pregnant? Is it true? Magkaka Apo na ko sayo?" Sabi nya.

"Y-Yes po Tita." Sabi ko.

Kailangan kong maging magalang sa Babaeng nagpaaral saken at nagbigay ng maayos na trabaho na gaya nito.
Si Tita Che ang kumuha saken bilang Scholar. Dun ko nakilala si Vince na naging Crush ko at nagkagustuhan naman kame agad. O baka kaplastikan lang ni Vince yun para makuha ang Virginity ko. Balita ko kaseng Babaero si Vince pero bilang mahal na mahal ko sya noon.
Bumigay ako.

"Hija. Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa ni Vince. Yung Cherry na yun. Kaya ayaw ko sa kanya na nagkakadikit kayo kase feeling ko something's fishy on her? Yun pala. Inaahas nya si Vince sayo." Sabi nito.

"W-Wala na po yun Tita. Ang gusto ko lang matahimik tyaka maging masaya. Gusto ko na din po kaseng makalimutan yung sakit. Ayoko pong mastress kase Anemic po ako..." Sabi ko.

"A-Anemic ka???"

Lumingon agad ako sa Boses Lalake na nagsalita sa likuran ko. Tumingala ako dahan-dahan at nakita si Vince na mukhang nag-aalala.

"V-Vince? Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko.

"So ano?! Anemic ka kaya mabilis kang magka Pasa?!" Sabi nito.

"At ano naman ngayon sayo kung Anemic ako?!" Sabi ko.

"Ano naman saken?! Syempre buntis ka! Hindi ka pwedeng uminom ng kung anu-anong gamot kung Anemic ka. Pwede kang mag Ferrus kung nakapanganak ka na!" Sabi ni Vince.

"Meron na kong iniinom ngayon! Safe yun! May sarili na kong Doctor na magchecheck saken noh!" Sigaw ko.

"Hindi parin Okay yun! Hindi mo masasabi kung Safe yung iniinom mo! May Doctor na basta-basta nalang nagrereseta masabi lang na Doctor sila plus nagbabayad ka pa dun sa kanila Linggo linggo o Buwan buwan!" Sigaw nito.

"Natural magbabayad ako! Trabaho nila yun e!" Sabi ko.

"Sus! May Pinsan akong Doctor Libre Check Up lang! Yung sa pinagtinginan mo pineperahan ka lang nun wala kang kamalay-malay!" Sigaw nito.

"Hija please. Calm down. Vincent! Maupo ka nga!" Sabi ni Tita.

Naupo si Vince sa kaliwang banda ko.
Parehas kameng natameme nang makitang nakasimangot na si Tita Che.
Sobrang kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon.
Baka kase may gustong mangyare si Tita Cheche para samen ng Anak nyang Manloloko...

Hey (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon