Part3
Laking pasasalamat ko kila Elaine at Sir Kenneth.
Sila ang tumulong saken sa paglabas ko sa Ospital.
Hinatid pa nila kong dalawa pauwi dito sa Apartment ko."Maraming salamat sa inyo." Sabi ko.
Inalalayan ako ni Elaine papasok dito sa Kwarto ko pagkatapos tinulungan nya kong maka-upo sa Kama.
Tiningala ko agad si Sir Kenneth na nakangiti naman saken."Osha, kaya mo na ba yang sarili mo Agnes? Kailangan na naming bumalik ni Elaine sa Resto. Alam mo naman na kokonti lang tayo dun." Sabi ni Sir Kenneth.
"K-Kaya ko na po. Salamat ulit. Sige na Elaine. Okay na ko. Salamat. Hehe." Sabi ko.
"Itext mo ko kapag may kailangan ka ah?" Sabi ni Elaine.
"Mmhmm. Salamat ulit. Sige na. Hehe. Ingat kayo sa byahe." Sabi ko.
Ngumiti silang dalawa saken.
Nakakapagtaka lang yung mga tingin ni Sir Kenneth kay Elaine. Parang may kakaiba syang tinatago kay Elaine na hindi nya yata masabi.Pakiramdam ko nag-iinteres si Sir Kenneth sa Kaibigan ko.
*
Nagbukas ako ng Electricfan saka nagpahinga.
Yun ang kailangan ng katawan ko ngayon. Mayamayang mga 10:30am magsasaing nalang ako saka mag u ulam ng De Lata.*
Papunta palang sa kaginhawaan ang Diwa ko.
Nabitin ako sa kung sino man yung kumatok kaya bumangon kagad ako para masilip sa butas kung sino man yun."Hays." Bulong ko.
Sinilip ko tong butas at nakita ang Kuya Aga ko.
Ang kapatid kong matanda saken na galing pa sa Laguna."Hoy! Narinig kita! Buksan mo na tong pinto Agnes. Naiinitan ako." Sabi nya.
Binuksan ko na tong pinto. Dire-diretso naman ng lakad si Kuya Aga papasok dito saka umupo agad sa Sofa.
Wala naman akong magawa kase ganito na talaga ang Ugali ng Kuya ko. Bossy sya masyado."Nauuhaw ako. May malamig ka bang tubig dian?" Sabi nya.
"Pambihira. Alam mo bang kakagaling ko lang sa Ospital? Pwede bang kumilos ka mag-isa." Sabi ko.
"Oh? Kapatid, relax ka lang? Bakit ka naman napunta sa Ospital ha?" Sabi nya.
"Hmp, masama ang pakiramdam ko. Bakit ka nga pala pumunta dito? Manggugulo ka nanaman?" Sabi ko.
"Sira! Tsk! Hihingi ako ng tulong sa Syota mo! Hehe. Kailangan ko ng trabaho. Diba madaming Business yung kamag-anak ni Vince?" Sabi nya.
Sinara ko muna tong pinto saka ni-lock. Pagkatapos nilapitan ko agad si Kuya.
"Kuya, wala na kame ni Vince. Hiwalay na kame. Niloko nya ko. Nahuli ko sila ni Cherry na nagsesex. Inagaw ng EX Girlfriend mo si Vince saken. Kaya hindi na matutuloy yung Kasal." Sabi ko.
Bakas sa reaksyon ni Kuya ang pagkabigla.
Kumilos na agad ako saka naupo dito sa kaliwang banda nya."Wala na kame Kuya... Sabi ni Vince, si Cherry talaga yung gusto nya. Hindi daw ako. Sinakyan lang nya yung gustong mangyare ng Magulang nya." Sabi ko.
"Tarantado silang dalawa. Diba kaibigan mo si Cherry. Bakit ganon yung ginawa nya? Wala syang Utang na loob. Diba ikaw ang tumulong sa Nanay nya nung naospital. Tapos aagawin nya si Vince sayo? Anong klaseng Babae sya. Tsk. Isa pa si Vince. Bwisit sya kala ko seryoso sayo yun tyaka ang saya-saya nyo nung isang Gabe nagpropose sya ah? Sira ulong yun." Sabi nito.
"Hayaan mo na Kuya... Atlis nalaman kong ganun si Cherry. Ganun din si Vince. Natatakot lang ako sa isang parte. Ayokong malaman nila Mama at Papa yung tungkol saken ngayon." Sabi ko.
"Hmp. Anong tungkol sayo yang sinasabi mo?" Sabi nito.
Tinignan ko agad si Kuya.
Dito ko na binuhos yung iyak ko habang unti-unti na sinasabi yung malaking problema ko."K-Kuya? A-Ano kase..." Iyak ko.
"Ano?! Sabihin mo na! Sinasaktan ka ba ni Vince?! Sabihin mo saken!" Sigaw nito.
"Hindi. B-Basta. A-Ano. B-Buntis ako." Iyak ko.
Namula sa galit si Kuya Aga.
Natatakot akong baka sumugod ito dun kila Vince.*
Hindi ko napigilan ang Kuya ko sa pagwawala nya.
Nakasunod lang ako sa kanya habang nakasakay sya dun sa Trycicle ganun din ako na sinisigaw sigawan ko pa tong si Manong na sundan yung kinasasakyan ng Kuya Aga ko.*
Makalipas ang ilang Minuto ng Byahe na nag Jeep at Trycicle kame. Sa wakas at nakarating na ko dito kila Vince.
Nakita kong tinatadtad ni Kuya Aga ng pindot yung Doorbell sa Gate.
"Kuya!" Sigaw ko.
Agad akong bumaba dito sa Trycicle. Nakita kong kausap na ni Kuya ang isa sa Kasambahay nila Vince na si Manang Letty.
Lumapit agad ako saka inawat si Kuya Aga sa pagwawala nyang sinisigaw nito na lumabas si Vince.
"Kuya tamana!" Iyak ko.
"Tarantad* ka Vincent! Lumabas ka dito! Hayop ka! Ang kapal ng mukha mo para saktan ang Kapatid ko!" Sigaw ni Kuya.
Ayan at lumabas na si Vince kasama pa talaga nya si Cherry. Parehas silang mukhang pagod at mukhang naistorbo sa ginagawa nilang himala.
"Halika dito! Gag* ka! Ang kapal ng mukha mo! Ikaw Cherry! Wala kang Utang na loob! Matapos tulungan ni Agnes na makalabas sa Ospital yung Nanay mo gaganituhin mo sya! Hayop kayong dalawa! Mga Baboy!" Sigaw ni Kuya.
Nag-iiiyak lang ako.
Wala akong magawa kundi yakapin lang si Kuya para hindi sila mag-abot ni Vince. Alam kong hindi ito mananalo lalo't malaking Tao si Vince tyaka lumalaban ng Taekwondo."Wag mo kameng sinisigawan dito! Nasa Poder kita baka nakakalimutan mo Aga! Tyaka alam mo naman na hindi ko talaga gusto yang Kapatid mong lumaklak ng Gluta! Si Cherry talaga yung gusto ko! Alam mo yan nireto lang kita kaya naging kayo dati!" Sigaw ni Vince.
"Hayop ka Vince! Wala kang Puso! Kung ayaw mo kay Agnes sana hindi mo sya binuntis!" Sigaw ni Kuya Aga...
