Truth Is

313 10 2
                                    

Part8

Pagkatapos magsalita ni Vince sa mga Babaeng Maldita inakay na nya ko sa isang pwesto tapos naupo kameng dalawa.

"Vince?" Sabi ko.

"Mga bwisit..." Sabi nito.

"H-Hayaan mo na sila. May Karma naman sila sa sinabi nila e." Sabi ko.

"Hays. Kukuha lang ako ng maiinom naten. Dito ka lang muna. Wag kang aalis. Babalik din ako." Sabi nito.

"S-Sige. Okay." Sagot ko.

Tumayo ito sa kinauupuan nya. Bakas sa kilos at reaksyon nyang nabadtrip sya dun sa sinabi ng mga Babae. Pinagmasdan ko si Vince papunta dun sa parang Kusina. Nakita kong nagpuntahan din yung mga Babae kaya pakiramdam ko may something na mangyayare o baka may makita ako kung tatayo ako dito at susunod sa kanila.

*

"Vince, we're so sorry for what we said kanina. Please, wag naman sana maputol yung pagkakaibigan naten."

"Y-Yeah. Magsosorry kame sa Wife mo kung kinakailangan."

"Hindi namen intention na makapanakit. I'm sorry Vince. Please."

"Hindi na mauulit yun. Promise. Hindi namen sinasadya..."

"But you already said it?! Binastos nyo yung Wife ko. WTF! Inaano ba nya kayo?! Napakabait nun tapos gaganunin nyo. May problema ba kayo kay Agnes?!" Sabi ni Vince.

Dito lang ako sa gilid nakatayo habang sinisilip silip sila.
Kita kong nagtinginan yung Apat na Babae. Nanlaki ang mga Mata namen ni Vince sa sinabi nila.

"S-Si Cherry. Sabi kase ni Cherry matagal na daw kayong mag On pero naputol lang kase ginapang ka daw nung Agnes na dati nyang Friend." Sabi ng isang Morena.

"Anong sinasabi nyo? Walang gapangan na nangyare. Hindi ganun si Agnes. Si Cherry Oo ganun sya. Alam nyo yan. Si Agnes malabong-malabo." Sabi ni Vince.

"Sabi pa ni Cherry na while mag on kayo ni Agnes nilalandi ni Agnes si Carl. Nagpapahatid at sundo pa nga daw." Sabi ng Babaeng mukhang Korean.

"That's not true. Okay? Pano magpapasundo si Agnes kay Carl e ako ang nagsusundo at naghahatid kay Agnes mula nung maging kame. Hays. Pwede ba. Tigilan nyo yung nagpapaniwala sa Tsismis. Kita nyo? Nasaktan yung Misis ko! She's pregnant y'all know that." Sabi ni Vince.

"We're so sorry. M-Mamaya magsosorry kame sa kanya. I'm sorry ulit Vince." Sabi ng isa pang Babae na mukhang indian.

*

Bumalik agad ako sa pwesto ko para kunware wala kong alam sa pinag-usapan nila.

"Hmm." Huni ko.

Ayan na si Vince dala-dala ang dalawang Baso na pang Wine. Inabutan nya ko ng isa tapos parang Chocolate Drink ang laman nito. Uminom agad ako saka nangiti kase gusto ko tong Drink na to.

"You okay?" Tanong ni Vince na agad ko naman syang tinignan.

"Uhm. O-Okay lang naman ako..." Sabi ko sabay alis ng tingin sa kanya. Hindi ko kase kayang tignan ng matagal si Vince lalo't nanlalambot ako.

Mayamaya pa, nagsilapitan na yung Apat na Babaeng nanlait saken kanina. Ngumiti lang ako habang nagsosorry sila. Pinaliwanag nila na naiinis sila saken dahil yun sa Kwento na ginawa ni Cherry tungkol saken.
Pinaliwanag ko din ang Side ko na Ahas na Kaibigan si Cherry at walang Utang na Loob. Siraan na kung siraan. Panahon na siguro para malaman ng mga kaibigan ni Vince na niloko nila ko ni Cherry.

*

"Vince? Galit ka ba saken kase sinabi ko sa mga Kaibigan mo na manloloko ka." Sabi ko.

"Uhm, hindi ah? Hindi ako magagalit. Okay lang. Maganda nang malaman nila lahat-lahat. Ayoko naman na ding magpanggap na Perfect." Sabi nya.

Hey (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon