Part2
Paggising ko ng umaga, nagkape lang ako saka naglinis dito sa Apartment. Pagkaligo nagbihis na ko saka umalis dito.
*
Naglakad lang ako papunta sa Bahay ni Elaine.
Sasabay ako sa kanya. Ganun naman kame palagi. Sa tatlong taon ko nang nagtatrabaho sa Yum Restaurant si Elaine na yung kasa-kasama ko pagpasok at pauwi.*knock knock!
"Elaine?" Sabi ko sabay katok ulit dito sa pintuan ng Bahay nya.
Bumukas tong pinto at bumungad ang Pinsan nyang si George. Ngiting ngiti ito nang makita ako.
"H-Hi. Agnes, hehe. Kamusta ka na?" Sabi nya.
"Oh, ayos lang naman. Si Elaine? Naka-ready na ba?" Sabi ko.
"Uhm, o-oo. Tara? Antayin mo nalang sya dito sa Sala. Nag-aayos pa yata si Elaine e. Hinihintay ko lang din sya. Manghihiram ako ng Pera." Sabi nito.
"Oh." Sagot ko.
Pumasok ako't dinaanan si George na ramdam kong nilanghap pa ang halimuyak ng bagong Ligo kong Buhok.
"Hays." Bulong ko.
Yan ang ayaw ko kay George.
Manyak sya at iba ang gusto sa Babae.
Hindi sya marunong magmahal kundi puro sa Kama kama lang."Ready na Me! Tara na Agnes! Hihi." Sabi ni Elaine na kakalabas lang sa kwarto nya.
"Teka?! Bago kayo umalis. Leng, pautang nga muna ko? Pan Date lang sa GF ko. Hehe." Sabi ni George.
Isa pa yan kaya ayaw ko kay George.
Batugan, Tamad at hindi manlang maisip na maghanap ng Trabaho para may sarili syang pera panggastos nya't pang Date sa mga Babae nya."Hay nako George. Kaya hindi ka gusto ni Agnes e. Ayaw mong magtrabaho. Pambihira. Uutang ka saken malamang wala nang balikan to." Sabi ni Elaine.
"Pambihira ka naman Leng. Bakit mo naman ako pinapahiya sa Crush ko? Hehe. Nasan na? Babalik ko naman sayo yun. Mag-aapply ako bukas. Promise yan." Sabi ni George.
Ewan ko ba kay Elaine.
Napakabait din naman nito. Panay bigay lang ng bigay sa mga kamag-anak nya."Basta, magtrabaho ka lang. Masaya na ko... Hindi na mauulit to George ah? Nag-iipon din kase ko. Syempre, 27 na ko ngayon. Dapat nga may Anak na ko ngayon e." Sabi ni Elaine.
"Pasensya ka na Leng. Promise, magtatrabaho na ko. Sa ngayon nahihirapan lang ako. Pero, bukas. Lakasan lang ng loob. Mag-aapply na ko." Sabi ni George.
Ngumiti lang si Elaine saka inabot kay George yung isang Libo. Pagkatapos lumabas na kame dito.
Sumakay na kame ni Elaine sa Motor nya saka ito pinaandar ng mabilis.*
Pagdating dito sa Restaurant.
Simula nanaman ng trabaho namen ni Elaine.
Ewan ko ba pero nahihilo yata ako nang may maamoy na hindi ko mawari."Ayos ka lang ba Agnes?" Sabi ni Mauro na Lalakeng Crew.
Tumango-tango lang ako habang takip takip tong bibig ko. Pakiramdam ko kase nasusuka ako sa naamoy kong parang mabaho.
"Agnes, iserve mo to sa Table 010." Utos ni Sir Kenneth.
Wala akong magawa kundi lunukin ang Suka ko.
Sumunod agad ako sa Utos ng Manager na iserve tong mabahong nasa Tray.*
Hindi ako makapagsalita nang magtanong ang Couple na nasa Edad 30+ na nakaupo dito sa Table 010.
Nagtataka silang dalawa sa kinikilos ko kaya pinilit kong sumagot sa tanong nilang dalawa."Y-Yes po Ma'am Sir. Meron po kame nun. S-Sasabihin ko nalang po kay Sir Kenneth." Sabi ko.
"Oh Okay Miss. Uhm, are you really okay? Namumutla ka kase tyaka parang pinagpapawisan?" Sabi ng Babae.
"N-Nako, ayos lang po ko. Hehe. Sige po. Lalapit na ko sa Manager namen." Sabi ko.
Tumango-tango nalang silang dalawa.
Umatras na ko't lumapit kay Sir Kenneth saka sinabi yung gusto ng Couple na nasa Table 010.
Maging si Sir Kenneth, nagtataka ang reaksyon habang tinititigan ako."Ayos ka lang ba Agnes? Namumutla ka." Sabi nito.
"Oh, w-wala po to... Baka dun sa kagabe yun. Hindi po kase ko makatulog." Sabi ko.
"Hmm. Umuwi ka na muna... Magpahinga ka. Mahirap na, baka may mangyare sayo. Malalagot ako kay Boss." Sabi nito.
Naiintindihan kong magkakaproblema sya kaya sumunod nalang ako tutal pakiramdam ko mabubuwal ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Ganito yata talaga kapag Buntis.
"Agnes?"
"Oh no! Agnes!"
"Agnes! Agnes!"
*
Dahan-dahan kong idinilat ang mga Mata ko.
Maliwanag dito tyaka medyo malamig at presko.
Napakasarap sa pakiramdam na medyo Amoy..."Ospital..." Bulong ko.
"Agnes?"
Lumingon ako't nakita si Sir Kenneth kasama si Elaine.
Alalang alala silang dalawa habang nakatingin saken."Agnes? A-Anong masakit? May masakit ba sayo?" Sabi ni Elaine.
"Nasa Ospital tayo?" Pabulong kong sabi.
"Oo. Nandito tayo. Uhm, ano?? May masakit ba? Anong nararamdaman mo ngayon?" Sabi ni Elaine.
Ayan at biglang pumasok ang isang Doctor na Babae.
Kinakabahan akong malaman ni Elaine na Buntis ako.
Isa pa, baka mawalan ako ng trabaho kase nandito din si Sir Kenneth."Kamusta ka Ma'am Agnes?" Masayang sabi ng Doctor.
"A-Ayos naman po ako Doc. Uhm, pwede po bang saken mo lang sabihin kung anong lagay ko?" Sabi ko.
Tumingin yung Doctor kila Sir Kenneth at Elaine.
Pagkatapos binalik na ulit nya yung tingin nya saken.
Nilapitan nya ko ganun din si Elaine."Agnes? Sabihin mo na saken kung anong problema mo? Alam mo... Malamang hindi ako makakatulog hangga't hindi mo sinasabi saken yung problema mo... May sakit ka ba na malala kaya ayaw mong sabihin kase masasaktan ako? Ganun ba??" Sabi ni Elaine.
"H-Hindi ko pa kayang sabihin Elaine..." Iyak ko.
Natahimik ang Kwarto.
Lahat sila nakatingin saken. Umiiyak lang ako. Pasalit-salitan ko silang tinitignan."Agnes, hindi ba dapat sabihin mo saken kung anong problema? Tutulungan kita. Diba, magkaibigan tayo?" Sabi ni Elaine.
"Oo magkaibigan tayo. Syempre, kaibigan kita. Kaso, hindi ko masasabi. Nahihiya ako sayo. Ayokong mastress ka." Iyak ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit ba naman hindi nalang nakisama saken tong Doctor.
Basta nalang nyang sinabi na..."She's Pregnant... 2 Months." Sabi ng Doctor.
"B-Bakit mo sinabi Doc? Jusko, bakit?" Iyak ko.
"I'm sorry Ma'am Agnes pero kailangan nilang malaman. Para na din to sa kalagayan mong may problema din sa Dugo." Sabi ng Doctor.
Nanla-laki ang mga Mata ko sa sinabi nyang may problema ako sa Dugo. Pinaliwanag ni Doc Tina na may kakaiba saken sa Balat ko kaya maputi ako ay dahil sa Anemic ako. Hindi ito Normal na Puti kundi Putla. Hindi lang yun. Nakitaan pala nya na may Pasa ako sa kaliwang braso. Kaya niresetahan nya kong bumili ng Vitamins na hindi makakaapekto kay Baby.
"Kala ko may nananakit sayo Agnes? Kaya pala madalas kang may Pasa? Akala ko kase sinasaktan ka ni Vince dati. Matagal ka nang ganyan. Hanggang ngayon nagkaka Pasa ka. Yun pala Anemic ka. Tyaka may problema sa Dugo?" Sabi ni Elaine.
Hindi ko alam ang isasagot ko.
Hiyang-hiya na ko. Nag-aalala pa na mawalan ng trabaho. Nandito kase si Sir Kenneth."Wag kang mag-alala Agnes... Basta kung may nararamdaman kang kakaiba sa katawan mo papayagan naman kitang magpahinga. Itatago ko yang sikreto mo kay Sir Vince." Sabi ni Sir Kenneth...
![](https://img.wattpad.com/cover/265628339-288-k83476.jpg)