Part10
Binigyan ko ng isang pagkakataon si Vince matapos ang pag-uusap naming yun. Lumipas lang ang ilang Araw at pinaparamdam nya saken na dito lang samen ng magiging Anak nya ibubuhos yung Oras nya pagkagaling sa Opisina.
"Masaya ka naman ba Kapatid? Sigurado ka ba sa desisyon mong yan ah." Sabi ni Kuya Aga.
"Kuya? Hindi naman ako nakikipag-balikan e. Binibigyan ko lang sya ng Chance na hinihiling nya. Basta walang Cherry o kahit na sinong Babae ang lalandiin nya magkakaron sya ng tyansa saken." Sabi ko.
"So pwedeng maging kayo ulit ganon ba?" Sabi nito.
"Parang ganun na nga pero... Sinabi ko sa kanya na masama parin yung loob ko. Lalo na dun sa mga pinagsasasabi nya saken nung nahuli ko sila pati nung sumugod ka. Talagang nakakagalit kako kaya hindi nya ko masisisi. Naiintindihan naman daw nya. Magbabago na sya." Sabi ko.
"Sana nga magbago. Sana lang... Kapag naulit pa yun. Bahala ka na. Iiwan kita dito." Sabi nya.
"Hala si Kuya? Sige maghahanap ka pa ng ibang Apartment. Hati na nga tayo sa Kuryente, Tubig tyaka Upa lilipat ka pa." Sabi ko.
"Masyado kang nagpapaniwala saken noh? Sa tingin mo iiwan kita ng ganun ganon nalang. Hehe. Halika nga dito. Payakap si Kuya." Sabi nya.
Ngumiti ako saka tumayo dito sa kinauupuan.
Lumapit ako kay Kuya na nakatayo dito sa pintuan ng Apartment. Niyakap nya ko ganun din ako sa kanya.
"Kapatid. Nakasuporta ako lagi sayo alam mo yan. Ayoko lang na makita kang nasasaktan. Hindi ko kaya yun e. Ako yung maloko mula High School, College hanggang ngayon. Sana saken nalang bumato yung hirap wag na sayo." Sabi nito.
"Hmm. Kuya? Ang swerte ko talaga na naging Kapatid kita. Tyaka, hindi naman ako nahihirapan. Siguro binibigyan lang ako ni God ng Aral sa buhay. Para siguro matuto na wag magbibigay ng pagmamahal na umaabot ng 100percent." Sabi ko.
"A basta. Wag ka lang magpapaloko ulit. Mahirap na. Tapos Buntis ka pa. Hmp, alam mo. May Type ako sa katrabaho ko. Maganda sya. Tapos maputi. Ina-aya nga nya kong mag One on One kame ng inom. Kinakabahan ako. Baka ma-Rape ako e." Sabi nito.
Dahil dun sa sinabi nyang yun. Nagtawanan kameng magkapatid. Kinuwento ni Kuya yung tungkol kay Alyssa na katrabaho nya. Napansin daw nya may gusto sa kanya yun kaya inaya nya ng Date kaso. Iba ang naging sagot ni Alyssa. Gusto daw nun ng Inuman kasama si Kuya. As in silang dalawa lang daw.
"Kaya mo yun Kuya. Kapag ni Rape ka. Magpa Rape ka na. Hahaha!" Sabi ko.
"Sira Ulo to! Nako, paiiyakin ko sya. Hehe. Nae-excite na nga ko e." Sabi nito.
"Bakit? Kelan ba yun?" Sabi ko.
"Mamayang Gabi..." Sabi nito.
*
Kaya Kinagabihan. Wala akong kasama. Tuwing Sabado at Linggo pa kung dalawin ako ni Vince. Minsan kapag wala syang Meeting pinupuntahan nya ko dito.
"Hmm." Huni ko.
Nag Cellphone nalang ako para mamonitor yung mga Social Media Accounts ni Vince. Inuna ko yung sa Messenger. Nakita kong may mga Babae syang kaibigan na nagchachat sa kanya na hindi nya yata siniseen.
Hinayaan ko nalang yung mga yun hanggang sa makita ang isang Number 1 sa maliit nyang Picture dito sa Messenger. Pinindot ko to saka pinuntahan yung Message Request.
"Aba, gumagawa parin ng Dummy Account si Cherry para maichat si Vince?" Sabi ko.
Eto na ba talaga yung pagbabago sa sinasabi ni Vince.
Talagang binablock nga nya si Cherry tapos mukhang iniiwasan na talaga nya.
