Something

242 7 1
                                    

Part15

Ang saya-saya namen ni Vince ngayon.
Salamat at kasama na namen tong mga Anak namen kaso parang may Mali.

"Hmm. Bakit parang Moreno tong Lalake naten." Sabi ko.

"Baka naman kapag Baby ganyan muna talaga. Paglaki nila lilitaw naman kung sinong kamukha ni Vinnie naten." Sabi ni Vince.

Ewan ko ba pero iba ang nararamdaman ko ngayon sa Baby Boy na pinapadede ko ngayon.
Ayaw kong mag-isip at magsalita ng masama lalo't ayaw kong sirain yung magandang ngiti ni Vince.

*

Lumipas ang ilang araw. Nang makalabas kame dito sa Ospital. Naging tikom ang Bibig ko sa kung ano man tong iniisip ko. Basta pag-uwi namen nila Vince at ng mga Baby kumuha ako ng Tyempo para kausapin si Tita Che o Mommy Che at Mama ko.

"Hija? What's wrong?" Sabi ni Mommy Che.

"Anak, may problema ba kayo ni Vince?" Sabi ni Mama.

"W-Wala Ma. Uhm, ano po kase. Nahihilo na ko kakaisip." Sabi ko.

Nandito kameng Tatlo sa Likod Bahay habang nandun sa loob ng Bahay sa Sala nakatambay sila Papa, Kuya Aga, Daddy Vincent, Vince at yung mga Baby.

"Hija? Tell us. What's going on? Are you okay?" Sabi ni Mommy.

"Anak, sige na. Sabihin mo na? Habang nandito kame ng Papa mo. Dapat alam ko na yang problema mo ngayon ah." Sabi ni Mama.

"Ma, Mommy. Naghihinala po kase ko kay Baby Vinnie. Parang hindi naman po namen sya kahawig ni Vince. Kahit Baby palang sya nararamdaman kong may Mali na." Sabi ko.

Nagtinginan sila Mommy at Mama. Hilong hilo na tuloy ako kung ano ba tong iniisip ko ngayon. Pakiramdam ko kasi talaga may Mali. Ramdam kong hindi ko Anak si Baby Vincent.

*

Nang dahil sa pagsabi ko kila Mommy Che at Mama tungkol sa hinala ko. Madali ngayong nagbukas ang usapan para sa lahat. Hindi tuloy alam ni Vince kung maiinis ba sya saken o Ano lalo't ipinagdidiinan nyang Baby pa kase si Baby Vinnie kaya hindi pa namen malalaman yung kung ano o sino ang kamukha sameng Dalawa.

"Wag kayong magtalo? Jusko, kailangan naten maka-usap si Doc Tina. Bakit kase hindi sya yung nagbigay sa mga Bata nung dinala saten nung mga Nurse. Dapat Doctor ang nagdala e." Sabi ni Mama.

"Kaya nga? Pano ba yan. Kame nalang nila Arra at Aga ang pupunta sa Ospital. Dito nalang kayo Vincent, Gardo. Samahan nyo tong dalawa baka mag-away nanaman." Sabi ni Mommy Che.

Dali-dali umalis sila Mommy, Mama at Kuya.
Naiwan na kame dito nila Papa at Daddy Vincent. Si Vince hindi ko tuloy mawari kung pano ko sya kakausapin. Bakas sa reaksyon nyang naiinis sya.

"Vince? Naghihinala lang ako. Masama bang maghinala?" Sabi ko.

"Hays, ano ba kaseng iniisip mo Agnes? Pano naman mangyayare yun diba?" Sabi nya.

"Ewan ko? E sa yun yung nararamdaman ko e. Ayaw mo bang alamin kung Ligtas yung Anak mo ah? Naiintindihan mo ba ko?" Sabi ko.

"Agnes. Ayan yung mga Anak naten. Anong sinasabi mong Ligtas?? Ayan sila oh? Kasama naten..." Sabi nya.

Hindi na ko nakasagot nang sawayin ako ni Papa.
Magsasalita din sana si Vince kaso pinigilan na din sya ni Daddy Vincent.

*

Natahimik kameng lahat.
Walang kibuan. Naka-upo lang habang buhat-buhat ko tong Baby Girl. Yung Baby Boy buhat-buhat naman ni Vince.

"Hmm." Huni ko.

Hey (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon