Part9
Maayos ang naging pag-uusap namen ni Vince.
Nakinig lang ako habang pinapaliwanag nya kung paano nya pinagsisisihan yung pananakit nya saken."Hindi ako makakain ng maayos. Sa ayaw mong maniwala at sa hindi... Inaaway na ko ni Mommy. Sinusumbong pa nya ko kay Dad na nasisiraan na daw yata ako ng bait. Bakit daw mapa araw o gabi lulong ako sa Alak. Alam mo... Si Cherry yung pinag-iinitan ko simula nung mahuli mo kame. Hindi na ko natutuwa sa kanya." Sabi nito.
"P-Pano mo naman sya pinag-initan?" Sabi ko.
"Gaya nung ginagawa ko kapag nagses*x kame. Sinasampal ko sya sinasabunutan while i am f*cking her." Sabi nito.
"G-Grabe ka naman Vince. S-Sadista ka pala..." Sabi ko.
"Sa kanya. Pero hindi ko kayang gawin yun sayo..." Sabi nito.
Nagtitigan kameng dalawa pagkatapos nyang sabihin yung salitang yun.
"Hindi kita kayang saktan ng ganon Agnes. I'm so sorry kung sinaktan kita ng Emosyonal. Hindi ko din kase maintindihan kung bakit gusto ng katawan ko yung ganong S*x. A-Ayaw ko na sana. Pinuputol ko na nun yung samen ni Cherry. Pero, kapag kailangan kita. Sagot mo saken Busy ka. Pagod ka... Natataon na nandun si Cherry kaya napadalas yung pagkikita namen. Ayaw kitang lokohin Agnes... You don't deserve that. And i'm really really sorry." Sabi nito.
*
Dahil sa pag-uusap naming yun.
Nalinawan ako. Naintindihan ko na kung saan nagsimula at pinaliwanag ni Vince yun. Ang saken lang din naman. Kung hindi na sya masaya saken Sana hiniwalayan na muna nya ko kesa mahuli ko pang ganon na niloloko ako ng ilang Buwan."E Agnes? Papayag ka bang ganon? Baka bumigay ka ah? Tandaan mo... Nasa paligid lang si Cherry Impaktita." Sabi ni Elaine.
"Alam ko naman yun. Nag-iingat nga ko gaya ng sabi ni Tita Che tyaka Vince. Parang nababaliw na daw si Cherry." Sabi ko.
After One Week.
Mula nung mapag-usapan namen ni Vince yung nung nakaraan Linggo. Nabalitaan kong nagpupunta si Cherry dun kila Vince at tinatadtad daw ng pindot yung Doorbell."Agnes, base dun sa kwento mo. Naalala mo ba nung nagpunta si Vince dito nun? Diba gusto ka nyang kausapin kase parang may problema sya. Tapos sabi mo Pagod ka? Diba yun din yung parang Date na hindi mo macontact sila Vince at Cherry. Dun kaya nagsimula lahat kaya nagkaroon silang dalawa ng something?" Sabi ni Elaine.
Tinitigan ko si Elaine nang mapagtanto ko yung ibig nyang sabihin kaya..
*
Kinabukasan din inaya ko si Vince na mag-usap kameng Dalawa para mas malinawan pa ko lalo.
"Hm? Anong itatanong mo Agnes? May gusto ka bang kainin?" Sabi ni Vince.
Naupo ako ng maayos dito sa Sofa. Magkatabi kame.
Ayan at nagpaalam na si Kuya Aga na aalis na sya't papasok sa trabaho."Bye Kuya! Ingat ka." Sabi ko.
"Mag-iingat ka din. Hmp. Mag-iingat ka sa manloloko." Sabi ni Kuya sabay lakad palabas dito sa Apartment.
"Hays. Wag mo nang pansinin si Kuya. Ikaw din kase e. Bakit mo naman kase ko niloko." Sabi ko.
"Agnes, ano ba kase yung itatanong mo? Ayan nanaman tayo e. Hindi na nga ko uulit. Nagbabago na nga ko para sayo. Para kay Baby." Sabi nito.
"Hmp, gusto ko lang itanong kung pano nagsimula yung sa inyo ni Cherry." Sabi ko.
Hinarap nya ko't tinitigan sa mga Mata.
"Nag-away sila Mommy at Daddy nun. Muntik na silang maghiwalay. Pinuntahan kita sa Restaurant. Sabi mo Pagod ka. Kaya mag-isa akong gumimik. Ayun, nandun si Cherry. Nag-inuman kameng dalawa. Hindi pa natapos dun yun. Sumama pa sya saken sa Condo. Nag-inuman ulit kame... P-Paggising ko, wala na kong damit. Parehas kame. Dun nagsimula yun." Sabi nito.
"So, bumigay ka..." Sabi ko.
"L-Lasing ako nun Agnes?" Sabi nito.
"Lasing? Naisip mo ba ko nun bago kayo naghubad o naghalikan?!" Sabi ko.
"Hindi kame naghalikan. Okay? Lasing na lasing ako paggising ko lang wala na kameng suot dalawa. Nakahiga kame sa Kama. Yun na yun." Sabi nito.
"Pero nasundan pa Vince! Tayo pa nun diba? Panong nasundan yun? Sige nga!" Iyak ko.
Pinunasan nya tong magkabilang pisngi ko na nadaanan ng mainit na Luha galing sa mga Mata ko.
Mabigat na mabigat ang nararamdaman ko ngayon sa nalaman kong ganun ganun lang kabilis at may nangyare na agad sa kanila."Agnes please. Wag na kase nating pag-usapan yun. Bawal kang mastress diba? Baka mapano si Baby e." Sabi nito.
"Ayoko! Sabihin mo lahat! Bakit nasundan yun Vince? Sana hiniwalayan mo na muna ko bago ka nakipag Anuhan sa iba kay Cherry pa? Kaibigan ko yun." Iyak ko.
"Okay... Okay just please, calm down? Wag kang umiyak. Magpapaliwanag ako." Sabi nito.
"Sige ano! Sabihin mo bakit nasundan yun Vince? Matagal mo kong pinagmukhang tanga." Iyak ko.
"Please Agnes... Stop crying. Please. I'm sorry. Magpapaliwanag na nga ko wag ka lang umiyak." Sabi nito.
Pinilit kong kumalma alang-alang sa katotohanan at kasagutan na hinahanap ng Utak ko para guminhawa ang kalooban ko.
"Paggising namen ni Cherry sabi ko aakting kame na parang walang nangyare. Sabi ko hindi ko kayang ganon. Kaya tinatapos ko na e. Sabi ni Cherry nun sasabihin daw nya sayo na may nangyare samen. Natakot ako kaya pumayag nalang ako na isekreto yung samen. Yung sa pagkikita namen. Hanggang ayun. Umabot ng ilang Buwan pero hindi ako seryoso sa kanya okay? Alam ni Cherry na kailangan ko lang sya sa Kama." Sabi nito.
"E-Ewan ko na tuloy Vince..." Iyak ko.
"Ayan. Kaya ayaw kong sabihin sayo e. Tayo ang magkakaproblema. Tinatanggap ko na yung pagkakamali ko Oo Mali ako Agnes. Pero nandito ako. Hinahabol kita! Gusto kong iTama yung pagkakamali ko. Gusto kong maayos tayo. Gusto kong bumalik ka na saken." Sabi nito.
"Grabe, isipin mo? Ilang Buwan mo na kong niloloko? Kayo ni Cherry? Nag Tandem pa talaga kayo... Ang sakit sakit kase nasundan pa yun. Sana sinabi mo saken na kailangan mo ko diba? May Trabaho kase ko Vince kaya hindi ko masunod yung hiling mo nun." Iyak ko.
"Ayaw kitang guluhin kaya tamana yung isang beses na inaya kita. Gusto kong magpahinga ka lang. Ang Mali ko nga Bumigay ako sa gusto ni Cherry hanggang nawili na ko. Mali ko yun. Tinatanggap ko na Agnes." Sabi nito.
Natameme ako nang umiyak si Vince.
Gumapang ito pababa sa kinauupuan nya saka lumuhod sa harapan ko."V-Vince..." Bulong ko.
Napapalunok ako nang hawakan nya ko sa magkabilang kamay. Hinahalik-halikan nya ang mga to habang humahagulgol sya ng iyak.
"I'm sorry kung nasaktan kita. Mali ko yun inaamin ko na. I'm so sorry Agnes. I'm really really sorry... Sising-sisi ako sa ginawa ko. Sising-sisi ako sa binitawan kong salita sayo. Alam kong hindi madaling magpatawad. Naiintindihan ko yun. Pero, please. Give me a chance na patunayan sayong hindi ko na uulitin yun. Hindi na ko maghahanap ng iba. Hindi na ko titingin sa kanila. Please." Iyak nito.
Yumuko lang ako saka pumikit.
Hindi ko inaasahan na magkakaganito kame ni Vince.
Masakit at napakabigat nito sa dibdib kung anong nangyayare saming dalawa ngayon."Agnes, Mahal na mahal kita... Nung nahuli mo kame ni Cherry... Hindi ko alam gagawin ko nun. Pagkatapos mong ibalik saken yung Singsing. Hinang-hina ako. Pakiramdam ko kase may kulang. May nabaklas sa pagkatao ko. Alam kong ikaw yun... Pinilit kong magpakatatag. Pinuntahan pa kita kinabukasan nun sa Restaurant. Kaso, hindi ko alam nasundan ako ni Cherry kaya sinakyan ko lang yung paglalandi nya. Pero gusto na kitang kausapin nun. Nung sumugod si Aga. Kasama ka. Nag-aayos ako ng Kotse. Dumating si Cherry. Pinuntahan nya ko sa likod Bahay. Nag-away kame nun. Wala kase ko sa mood tapos bigla syang naghubo. Nakikipaghiwalay na ko sa kanya nun. Yun yung sumugod nga si Aga. Hindi ko gustong sabihin sayo na lumaklak ka ng Glutha nun. Talagang naiinis lang ako kase niloko ni Aga yung kamag-anak ko. Alam nya yun... Gustong gusto na kitang kausapin Agnes. Masaya ako nung sinabi ni Aga na Buntis ka. Kaya kinulit ko si Mommy. Humingi ako ng Tulong sa kanya..." Sabi ni Vince...
