Part13
Sinubukan din namen magsama ni Vince sa iisang bubong pero hindi na sa Bahay nya. Lumipat kame dito sa Rest House ng mga Magulang nya. Si Kuya Aga masaya naman kase Masaya daw ako kaya hahayaan na muna nya kong magsolo. Mag-isa ngayon si Kuya Aga dun sa Apartment. Nakakainis lang at nag-uuwi sya dun ng Babae. Iba-iba pa yun.
"Babaero talaga yung Kuya mo e." Sabi ni Vince.
"Hmm. Ewan ko ba kay Kuya. Kelan kaya magbabago yun. Matanda na sya ayaw pa nyang magpakatino." Sabi ko.
Natatawa tawa si Vince habang inaalalayan akong maglakad lakad dito sa Garden. Sabi ng Doctor maglakad lakad daw ako bilang Excercise.
"Hindi ako makapaniwala na Kambal tong dinadala ko. Hehe. Tapos isang Babae at isang Lalake pa? Naalala ko diba nung nakaraan Buwan nag-aaway pa tayo kung Baby Boy or Baby Girl." Sabi ko.
"Mmhmm. Tapos Baby Boy yung gusto ko. Masaya ako kase parehas nateng gusto yang dinadala mo. Kung solo lang naman halimbawa Baby Girl lang. Okay lang naman saken yun. Syempre Anak ko parin yan kaya mamahalin ko yan ng buong-buo. Pero gusto ko talaga Baby Boy yung Panganay naten." Sabi nito.
"Nakaka-excite. Konting-konti nalang makikita na naten sila." Sabi ko.
Masayang masaya si Vince. Kitang-kita ko yun sa reaksyon nya. Nagpatuloy kame sa paglalakad lakad hanggang sa...
"Kuya! Ate! May Babae pong nagwawala sa labas ng Gate!" Sabi ng isang Kasambahay.
Alam na namin ni Vince kung sino yun.
Sa malamang si Cherry nanaman yung nanggugulo na yun. Magmula magka-ayos kame ni Vince nung nakaraan Buwan panay punta ni Cherry sa Apartment ko. Buti nalang nandun si Kuya para harapin sya't itaboy. Ilang Linggo mula nang lumipat kame ni Vince dito halos inaraw-araw ni Cherry ang panggugulo nya. Hindi ko lang sya pinapakulong dahil ineenjoy ko pa syang panoorin na nagdudusa dahil Akin na Uli si Vince na pinakamamahal nya pala mula nung High School palang kame."Vince. Tara, gusto kong panoorin si Cherry." Sabi ko.
Ngumiti si Vince saka tumango-tango.
Napag-alaman pa namen na nung una silang magkatabi sa Kama e wala talagang nangyare sa kanila ni Cherry. Palabas lang ni Cherry na may nangyare para mai-blockmail nya si Vince hanggang sa lokohin na ko nito. Talagang pinlano ni Cherry lahat at nalaman ko yun sa High School Friend kong si Luissa.Kinuwento ni Luissa samen lahat-lahat ng napag-usapan nila ni Cherry. Sinaway na nga daw nya't sinabihan na Mali ang ginagawa ni Cherry lalo't ako pa yung tumulong nun sa Nanay ni Cherry na mapagamot hanggang mailabas sa Ospital. Hindi manlang naappreciate ni Cherry na yung pang Allowance ko e ginamit ko't inipon para lang sa kanila ng Nanay nya.
"Hmp, at anong ginagawa dito ng walang Utang na Loob na si Cherry?" Sabi ko.
"Wala akong pakeelam sayo Agnes! Si Vince ang pinuntahan ko dito!" Sigaw nya.
"Cherry. Ano nanaman bang kailangan mo. Masaya na kame ni Agnes. Umalis ka na." Sabi ni Vince.
"Masaya kayo?! Pero pano ko Vince! Mahal na mahal kita! Alam kong Mahal na mahal mo din ako! Please! Bumalik ka na saken Vince! Wag kang maniniwala sa sinabi ni Luissa! Sinungaling yun kagaya ni Agnes! Parehas silang mapanggawa ng Kwento!" Sigaw ni Cherry.
"Ows? Talaga lang? Pinapasa mo pa talaga saken yung gawain mo ah? Ikaw nga tong mapanggawa ng kwento e." Sabi ko.
Matagal nanaman kameng nagtalo kagaya nung mga nakakaraan na nagpupunta sya dito. Umaabot ng Dalawang Oras. Puro lang kame sagutan. Paulit-ulit at nageenjoy naman akong makita na nakakaganti na ko sa paninira ni Cherry sa Relasyon namen ni Vince.