Kiss Miss

252 13 1
                                    

Part12

Alam kong may Mali kaso hindi ko alam kung paano ako hihingi ng Sorry kay Vince. Tumahimik nalang ako saka nagpatuloy sa pagkain. Siguro mamaya ko na sya kakausapin.

*

Mga bandang 11:20am. Hinatid ako ni Vince dito sa Apartment. Wala na si Kuya Aga. Saktong nakatanggap ako ng Text galing sa kanya na papasok na sya sa trabaho. Hindi manlang daw ako nagpaalam na kay Vince matutulog kaya nireplyan ko agad si Kuya saka ako humingi ng pasensya.

"Hmm." Huni ko.

Pagkabulsa ko dito sa Cellphone. Nilingon ko agad si Vince na saktong nahuli ko pa syang nakatitig saken.

"Vince?" Sabi ko.

"Hindi mo na siguro ko Mahal kaya ganyan ka..." Sabi nya.

Napalunok ako sa sinabi nyang yon.
Ang lakas din ng tibok nitong puso ko habang tinititigan ko sya. Ganun din si Vince saken. Nakatitig sya habang malungkot ang reaksyon.

"V-Vince. Hindi naman sa ganon... Hindi ko lang alam kung anong isasagot ko sa tanong mo kanina... Ayokong sumagot e. Ayokong sabihin sayo yung nararamdaman ko. Natatakot ako. Baka, magmukha akong Tanga. Baka kase ginagawa mo lang lahat to dahil magkaka-anak ka saken... D-Diba, hindi mo naman ako lolokohin kung Mahal mo ko? So, ibig sabihin. Kaya nagloko ka kase hindi mo ko M-Mah---

Hindi ko na naituloy ang kadugtong ng sasabihin ko nang bigla akong lapitan ni Vince saka hinawakan sa magkabilang pisngi. Bigla din nya kong sinunggaban ng Madiin na Halik sa Labi ko. Sinubukan kong pumiglas. Pero naging matibay si Vince sa pagkaka-hawak nya saken. Sa isang iglap din e nakasandal na ko sa Likuran ng Pintuan nitong Apartment.

"Mmf! V-Vince!" Reklamo ko.

Madiin at Malalim nya ko kung halikan. Halos hindi ako makahinga at makakilos lalo na nung hawakan nya tong mga Kamay ko gamit lang ang Kaliwa nyang Kamay na itinaas pa't inilagay sa uluhan ko. Habang itong Kanan Kamay nya ang pinangpisil nya sa Baba at magkabilang Panga ko kasabay nito yung pagsipsip nya sa Labi kong ke liit.

"Ah! Vince! Tamana!" Iyak ko.

"Mahal kita Agnes. Mahal na mahal." Bulong nito pagkatapos sumunggab ulit ng Halik saken.

Dun sa sinabi nya bumuhos lalo ang mainit na Luha sa mga Mata ko. Hindi ko mapigilan ang Tulak ng Damdamin ko kaya nilabanan ko yung mapusok na halik ni Vince. Parehas kameng hinihingal habang mapusok ding naghahalikan.

"Oh!" Hiyaw ko.

Binitawan nya yung mga Kamay ko at tong Panga ko.
Niyakap ako ni Vince paharap saka binuhat. Hindi naman gano naipit ang Tyan ko saka ako kumapit o pumalupot sa Leeg nya.

*

Dinala ako ni Vince sa Kwarto ko saka hiniga sa Kama na hindi manlang bumabaklas yung Masarap naming paghahalikan.

"Oh f*ck. I love you Agnes..." Ungol nito at sumunggab ulit ng Matamis na Halik sa Labi ko.

Umibabaw si Vince saken. Maingat itong wag madadaganan si Baby habang naghahalikan kame.
Nangingiti kaming parehas sa tunog at tamis ng ginagawa naming dalawa. Alam kong namiss ni Vince to. Ganun din ako sa kanya kaya binuhos ko yung buong lakas ko maparamdam lang sa kanya kung gaano ko sya Kamahal...

*

Umabot ng ilang Minuto yung Matamis na paghahalikan naming dalawa habang magkayakap sa Kama ko.
Natatawa pa kame pag nababanggit ko yung unang beses na naghalikan kame. Nakita yun ni Tita Cheche.
Nung sumunod naman si Tito Vincent na Daddy ni Vince na yung nakakita samen. Masaya naman sila Tita at Tito nung nalaman nila yung sa relasyon namen ni Vince na tinago pa muna namen ng ilang Buwan.

Lumipas na yung Dalawang Taon hanggang sa magpropose si Vince saken at nandun pa silang mag-asawa.

"Naalala ko. Nung nagpropose ka. Nandun si Cherry diba?" Sabi ko.

"Mmhmm. Nag-away kame nun sa Text. Sabi ko kase gusto na kitang maging Asawa. Ayaw ni Cherry. Kame nalang daw. Hindi naman pepwede yun. Yung nahuli mo kame nun. Kinaumagahan. Closure nalang sana namen ni Cherry yun. Ayaw ko na kase. Iniisip kita. Marami na kong kasalanan masyado tapos patatagalin ko pa." Sabi nito.

"Grabe, hindi talaga ko makapaniwala na may something kayo ni Cherry. Kaya pala iba sya makatingin sayo. Pero, pansin kong iniiwasan mo sya kapag magkakasama tayo." Sabi ko.

"Sa totoo lang sa Kama ko lang naman gusto si Cherry. Alam nya yun. Never ko syang sinabihan na Mahal ko sya? Wala akong sinasabi sa kanya na ganon. Basta S*x s*x lang. Tyaka, she's wild. And i need it. Before? Pero ngayon... I realize na hindi dun masusukat yung pagiging Lalake ko. It's time para maging Straight na ko lalo na sayo. Hindi na ko uulit Agnes. I promise Baby. Hindi na ulit kita sasaktan. Pangako yan. Gagawin ko lahat maayos lang tong relasyon naten. Sabihin mo saken kung anong kailangan kong gawin. Gagawin ko..." Sabi nito.

"Hmm. Basta, wag ka nang mambababae. Wala tayong problema. Hindi mo ko masasaktan kapag hindi ka lumandi sa iba. Tandaan mo yan. Kapag naulit pa to. Wala ka nang Chance na mahihingi saken." Sabi ko.

"Thank you. I love you Agnes." Sabi nito.

"I love you too Vince." Sabi ko.

Ayan nanaman sya.
Sinunggaban nanaman nya ko ng Halik sa Labi ko.
Lunod na lunod nanaman ako sa pagmamahal nito.

"Hoy! Katanghalian tapat kayong Dalawa ah! Umalis lang ako saglit pagbalik ko naglalampungan na kayo!"

Huminto agad kame ni Vince nang marinig yung Boses ni Kuya Aga. Lumingon kame't nakitang nakatayo si Kuya sa pintuan nitong Kwatro ko.

"Hoy Vincent! Buntis si Agnes bakit nakapatong ka dian!" Sabi ni Kuya.

Umalis tuloy si Vince dito sa ibabaw ko saka nahiga dito sa Kanan banda ko.

"Kuya! Bakit ba naninilip ka!" Sigaw ko.

"Naninilip? May nakalimutan ako. Kala ko nanonood kayo ng Bold. May narinig akong umungol e! Kayo pala yun! Pambihira. Dian na nga kayo." Sabi nya saka naglakad at pumasok sa Kwarto nya.

Sinandal ko tong Ulo ko sa sapin nitong Kama saka ko pumikit para maka-kalma.

"Sira Ulo talaga yung Kuya mo noh? Kala nya dun agad tayo papunta." Sabi ni Vince.

Idinilat ko tuloy agad ang kakapikit lang saka ko nilingon si Vince.

"Hala ka, hindi ba dun tayo papunta?" Sabi ko.

"Hala sya. Bakit dun tayo pupunta malaki na Tyan mo." Sabi nito.

"Hala ka. Kala ko pwede pa yung ganon?" Sabi ko.

"Hala sya. Depende siguro. Gusto mo ba?" Sabi nito.

Nagpipigil kameng matawa kaso bumigay din kameng dalawa ni Vince. Sabay na sabay kameng nagbuga ng malakas na Tawa. Nagyakapan kameng dalawa tapos narinig pa namen si Kuya Aga na nagsabi nang...

"Mga Sira Ulo... Tapos maglolokohan nanaman kayo. Bahala kayo dian. Aalis na ko mga Baliw..."

Tumawa lang kame ni Vince.
Halos maluha-luha pa kame hanggang sa mauwi na talaga kame sa iyakan. Parehas kase kameng Masaya sa maayos na usapan namen. Isa pa, masaya kameng naliwanagan sa lahat lahat. Dito ko din napagtanto ang Mali ko kaya nakasama ni Vince si Cherry nung Una. Aminado din itong Mali sya na naulit pa yung pagkikita nila at kasalanan din nya na pumayag syang ma Blockmail ni Cherry dahil sa naunang nangyare sa kanila. Parehas naming inamin ang mga Mali namen na simula ngayon itatama na namin yun alang-alang sa Pangarap namen na bumuo ng Masaya at Tahimik na Pamilya...

Hey (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon