Part20
Sa gigil at galit talaga kahit sino hindi makakapagpigil na manakit sa Taong hindi mo naman ginagawan ng masama nakukuha pang magsalita ng hindi maganda sayo at nagbabanta. Pinaka ayaw din ng isang Ina kapag dinadamay din ang kanyang Anak kaya...
"Tarantad* ka talaga Cherry!" Sigaw ko saka ako tumakbo palapit sa kanya't sinunggaban sya ng paghablot sa buhok nyang ke tigas at haba.
Hinatak hatak ko si Cherry dito sa Buhok nya. Wala akong pakelam sa mga umaawat basta punong-puno na ko. Sagad na sagad na ang pasensya ko sa ganitong klaseng Tao. Hindi ako titigil hangga't hindi ito nakakalbo.
"Kapatid tamana yan!" Sigaw ni Kuya.
"Tamana Agnes! Please Tamana!" Sigaw ni Vince na nakayakap ngayon saken.
"Hindi! Hindi ako titigil hangga't hindi naka Kalbo tong Hayop na to! Hindi mo ba narinig Vince?! Dinadamay nya yung mga Anak mo! Hayaan mo ko! Wala akong pakeelam kung may Kaso kaso pa kong matatanggap basta makalbo ko lang tong Hayop na to!!" Sigaw ko.
Nag-iiiyak na si Cherry sa sakit lalo na ngayon na pati si Elaine tumulong na saken para saktan tong Hayop na to.
*
Natigil lang yung pananakit namen kay Cherry nang dumating na yung Abogado na kinuha ni Henya na Nanay ni Cherry. Talagang nagkaroon ng pagtatalo sa Lugar na to. Hindi ko na ginagalang si Henya lalo't isa pa syang wala ding Utang na Loob.
"Ah wala kong pakeelam!! Basta makukulong si Cherry! Kahit na anong gawin nyo! Kahit sampahan nyo pa ko ng Kasong Physical Injury wala kong pakelam! Ipaglalaban ko yung dapat para mabulok sa Kulungan si Cherry!" Sigaw ko.
"Grabe ka Agnes! Parang wala kayong pinagsamahan ng Anak ko kung makapagsalita ka!" Sigaw ni Henya.
"Pinagsamahan? Wala na yun lalo't tinarantad* ako ng Anak mong parehas kayong mga Walang Utang na Loob! Ang kakapal ng Mukha nyo sabihin saken na parang kasalanan ko pa! Sa tingin mo Tama yung ginawa nyang kinuha nya yung isang Anak ko saka nilayo saken ng Siyam na Buwan ha! Sabihin mo saken kung totoong Nanay ka!" Sigaw ko.
Ayan at walang masabi si Henya. Tumahimik nalang sya kayakap si Cherry na umiiyak ngayon dahil sa lagas lagas nyang Buhok at nagdudugong Ilong at Bunganga.
*
Makalipas yung ilang Minuto. Dumating sila Mommy Che, Mama at Papa. May kasama din silang Abogado na kinausap pa ni Kuya Aga para sa mangyayaring isasampa na Kaso saken at nadamay pa si Elaine.
"Magsampahan tayo ng Kaso ngayon Cherry." Sabi ko.
Tahimik lang syang naka-upo kayakap ang Nanay nya.
Hinayaan kong mag-usap-usap ang mga nakatatanda dito sa kwartong to.**
Salamat...
Nakakulong na si Cherry. Hindi nya basta-basta matatakasan yung Batas. Nadagdagan pa yung Kaso nya dahil dun sa sinabi nya saken na sa Tinapos na nya kameng mag-iina. Patong patong na Kaso ang sinampa ko kay Cherry kaya makukulong sya ng aabot sa Sampung Taon mahigit pa.*
Binyag at Birthday nila Vinnie at Agatha. Pinagsabay namen ni Vince para isahan nalang. Maraming dumalo. Nag invite din kame ng mga Kapitbahay na naka Friendship namen nila Ate Osang at Eloy dito. Yung mga katrabaho namen ni Elaine at Kenneth inimbitahan ko din para mas marami mas masaya.
"Hays, salamat tahimik na tayo Vince." Sabi ko.
"Mmhmm. Masaya ko. Sobra. Natahimik na din tayo. Wala nang manggugulo saten." Sabi ni Vince na nakayakap saken ngayon.
Nandito kameng dalawa sa Garden. Lumayo kame ng konti sa Party para maka-iwas sa ingay. Sila Agatha at Vinnie nandun sa mga Lolo't Lola nila. Mula dito nakikita ko yung kasiyahan ng Pamilya namen at nung mga Bisita atyaka mga Ninong at Ninang ng mga Anak naming dalawa.
