Hawak Kamay

305 13 2
                                    

Part7

Natawa tuloy ako sa kalokohan ni Kuya Aga.
Sumunod na nga ko. Tumayo ako dito sa kinauupuan ko para makapaglinis linis sya't pagkatapos magluluto sya ng Tanghalian para sameng Tatlo nila Vince.

"Pero, hindi talaga ko panatag kay Vince. Imposibleng hindi sila nakaka-usap ni Cherry? Hmp! Pag nalaman ko lang na niloloko ka ulit nun lagot sya saken." Sabi ni Kuya.

"Oo na Kuya. Jusmiyo, dun na muna ko sa Kwarto ko." Sabi ko.

"Sinasabe ko sayo Agnes! Nako Agnes!" Sabi nya.

Dali-dali akong pumasok sa Kwarto para matigilan na si Kuya sa sinasabi nya.

*

Dalawang Oras nang wala si Vince.
Nakaluto na si Kuya Aga ng tanghalian. Nakakain na din sya. Siguro hihintayin ko nalang si Vince para sabay kameng kumain.

"Hmm." Huni ko.

"Kapatid, bakit hindi ka pa kumain? Baka naman kumain na sa daan yun si Vince. Syempre, hihinto sa madadaanan nyang Restaurant yun." Sabi ni Kuya.

"Depende, kung kumain na sya bago makabalik dito. Edi, kakain ako mag-isa diba." Sabi ko.

"Bahala ka. Sus. Aalis na ko ah. Kaya mo na sarili mo. Mag-lock ka ng pinto. Late na late na ko sa Trabaho." Sabi nya.

"E bakit kase nagpa Late ka? Hmm. Siguro binabantayan mo kami ni Vince noh? Kala mo siguro magbabalikan kame." Sabi ko.

"Ewan ko sayo! Kapag ikaw niloko ulit nun nako, makakatikim sya saken." Sabi nya saka naglakad papunta sa Kwarto nya.

"Hays. Si Kuya talaga." Bulong ko.

*

Nakaligo na si Kuya pagkatapos umalis na sya.
Iniwan na nya ko dito sa Bahay. Naghihintay lang ako kay Vince na dumating ng mga bandang 1:45pm.

"Medyo mabilis yata yung byahe mo... 9am kang umalis dito ah." Sabi ko.

"Uhm, yeah. Hindi naman ganong traffic kaya mabilis lang yung balikan ng byahe. Kumain ka na ba?" Sabi nya.

"Hindi pa... Tara na. Masarap yung nilutong Menudo ni Kuya." Sabi ko.

Sumunod naman agad sya.
Nilagay nya muna sa Refrigerator yung Strawberries pagkatapos tinulungan nya kong maghain.
Naupo kame't nagsimula na ni Vince.

"Magpapaalam sana ko Agnes. Inaaya kase ko nila Hero. Birthday nung Mom nya. Bali mamaya yun ng gabi." Sabi ni Vince.

"Hmm. Wala namang problema kung saan ka pupunta? Hindi naman kita pinagbabawalan makipag barkada. Ang saken lang... Basta wala si Cherry. Wala tayong problema." Sabi ko.

"Okay. Thank you..." Sabi nya.

Tumingin na ko dito sa pagkain ko saka nagsimula nang kumain. Ilang na ilang tuloy ako kase pakiramdam ko may nakatingin saken at hindi nga ko nagkakamali.
Nakatingin si Vince saken ngayon.
Malungkot ang reaksyon nya habang ngumunguya.

"May problema ba Vince? Hindi mo na ba kayang hindi makipagkita kay Cherry? Nasasayo kung hihinto ka na sa gusto kong mangyare. Makipagbalikan ka sa kanya walang problema." Sabi ko.

"Hindi yun Agnes... Nanghihinayang lang ako sa pinagsamahan naten. Nag-iba kase yung ugali mo." Sabi nya.

"Hmp. Sayo lang ako ganito... Sa iba yung nakilala nilang Agnes. Yun parin yun..." Sabi ko saka sya iniwasan ng tingin.

Nagpatuloy na ko sa pagkain. Hindi ko na pinansin si Vince at baka kung saan naman mapunta yung usapan namen.

*

Pagkatapos kumain.
Ako ang nagligpit. Sya ang naghugas ng pinagkainan nameng dalawa. Habang naghuhugas ng Plato si Vince. Tumambay muna ko dito sa pinto ng Apartment.
Nagpapahangin ako't tinitignan tignan yung mga Taong dumadaan.

"Hmm." Huni ko.

"Agnes. G-Gusto mo bang sumama dun kila Hero mamaya?"

Nilingon ko agad si Vince sa sinabi nyang yun.
Nakita kong parang nahihiya pa syang tumingin saken.

"Bakit naman gusto mo kong isama dun. Diba ayaw saken ng mga Kaibigan mo." Sabi ko.

"H-Hindi. Hindi totoo yun. Ako lang nagsabi nun pero gusto ka talaga nila lalo na para saken." Sabi nya.

"Anong sinasabi mo ngayon? Diba dati ayaw mo kong sinasama kapag nagbabonding kayo. Hindi mo nga din ako sinasama kapag nagpupunta kayo sa mga Beach e. Sabi mo ayaw nila kong kasama." Sabi ko.

"I'm sorry. Hindi totoo yun... Gusto ka talaga nila lalo na si Carl. Yun yung dahilan kaya ayaw kitang isama. Pinag-iinteresan ka kase ni Carl." Sabi nya.

Carl.
Naalala ko na yung Carl na yun yung nagpunta nun sa Restaurant. Inaaya akong ihahatid nya ko e Boyfriend ko pa si Vince nun. Binibigyan din ako ni Carl ng Bulaklak na mamahalin.

"Isasama kita mamaya. Wag kang mag-alala. Hindi ka mahahamugan. Dun naman tayo sa loob ng bahay nila Hero e. Tyaka,wala si Carl ngayon. Nung nakaraan taon December pumunta yun sa Brazil." Sabi ni Vince.

*

Gabi. 8:30pm Pagdating ni Kuya Aga nagpaalam kame ni Vince na pupunta sa Birthday Party ng Mommy ni Hero na Bestfriend nito.

"Osha, wag mo lang sasaktan tong Kapatid ko wala tayong problema Vincent." Sabi ni Kuya.

"Hindi ko na uulitin yun Aga. Sige na. Aalis na kame ni Agnes." Sabi ni Vince.

Lumabas na kame ni Vince tapos inalalayan ako nitong sumakay sa Kotse nya na Pwesto ko talaga na naging Pwesto pa ni Cherry. Para bang nandidiri na ko.

"Wag kang mandiri. Pinalinis ko tong Kotse. Ni Lysol ko pa yang upuan na yan. Tyaka hindi naman kame madalas magkasama ni Cherry nun e." Sabi ni Vince.

"Owss? Talaga lang ha? Hmp! Dun nalang ako sa Backseat. Ayoko na dito pumwesto kung inupuan na to ng Ahas." Sabi ko.

"Hays. Okay okay." Sabi nya.

Bumaba ulit ako saka nagpagpag ng Pwetan na kinakamot pa ng Ulo ni Vince nang makita akong ganito.
Hindi nya ko masisisi lalo't diring-diri ako sa kanila ni Cherry.

*

Bumyahe kame ni Vince ng ilang Oras.
Malayo pala yung Bahay na pupuntahan namen.
Kinamangha ko yun nang makita kung gano kayaman sila Hero.

"Hey Men! What's up!" Sabi ni Hero na sumasalubong ng yakap kay Vince.

Pagkabitaw nila sa pagyayakapan tinignan ako ni Hero saka ito ngumiti ng pagka-ngiti-ngiti saken.

"Oh my gosh?! Agnes! It's been a while. Kamusta ka na? Hehe. So, magkakababy na kayo ah. Comeback na ba yan." Sabi nya.

"N-Nako. Hindi. Walang ganon. Tyaka, galit parin ako kay Vince kaya malabo." Sabi ko.

"Well, sira ulo kase tong si Vince. Inaaway na nga namin to dati na wag magloko e. Tsk! Ayaw namen sa Cherry na yun. Malandi pala yun tyaka may gusto sa kaibigan din nameng si Enzo. Nagchachat pala yun kay Enzo until now." Sabi ni Hero.

Kinabigla pa ni Vince yung narinig nyang sinabi ni Hero kaya tinanong nito kung nasan yung Enzo.
Nang pumasok kame sa malaking Bahay. Binati ko yung Mommy ni Hero na sobrang bait naman. Nag Mano ako sa mga nakatatanda at may ibang Babae pala dito na panay pagpapapansin kay Vince.

"Hmm. Masaya pala dito. Sosyal masyado..." Bulong ko.

"Hey, kapag may kailangan ka sabihin mo lang saken okay?" Sabi ni Vince.

"K... Tinatawag ka nung iba mong kaibigan na Babae oh. Pumunta ka na dun. Maglalakad lakad lang muna ko. Hahanap ako ng maiinom." Sabi ko.

"Sumama ka saken. Ipapakilala kita." Sabi nito sabay hawak sa kaliwang kamay ko.

Magrereklamo pa sana ko kaso mabilis kameng nakalapit sa mga Babae dito.

"Hi Vince. You always looks good ah? Hehe. And, who is she?--- Yeah, is she your Girlfriend?--- She looks soooo manang.--- So True. Bakit mo sya sinama dito."

"And who the f*ck are you para pagsalitaan ng ganyan ang Misis ko?! Ang ayos naming lumapit sa inyo tapos babastusin nyo lang kame. Simula ngayon hindi ko na kayo kakilala..." Sabi ni Vince...

Hey (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon