Finding Cherry and Vinnie

260 9 1
                                        

Part17

Mas lalo akong nanghina sa Balita ni Vince. Habang nagsasabi sya na hindi sila Susuko. Lumuluha akong patingin tingin kay Agatha na natutulog dun sa Kama namen.

'Baby, please don't cry. Gagawin ko lahat. Hahanapin ko si Vinnie. Please, magpahinga ka na. Anong Oras na dian e.' Sabi ni Vince.

"H-Hindi ko alam Vince. Hindi ko alam kung makakatulog ako neto." Iyak ko.

'Mahirap yun. Naiintindihan kita pero kailangan mong magpakatatag. Nandian si Agatha. Kailangan mo syang alagaan. Please...' Sabi nya.

"Sana mahanap nyo na si Vinnie. Please. Hanapin nyo si Vinnie." Iyak ko.

'Gagawin namen lahat ni Aga. Magpahinga ka na.' Sabi nya.

Maayos akong nagpaalam kay Vince. Ako na tong nagbaba ng tawag saka ko tinabihan si Agatha dito sa Kama. Nagsimula na kong humagulgol. Nag-iiiyak ako habang yakap-yakap tong Anak kong Babae.

*

Kinabukasan

Si Mommy Che na yung bumuhat kay Agatha. Pinaarawan nya si Agatha dun sa likod bahay habang sila Mama at Papa naman ang umalalay saken sa pagbangon dito sa higaan. Dinala nila ko sa kainan saka pinagtulungan na subuan.

"Anak, tamana. Mukhang hindi ka pa natulog kagabe ah. Jusko, wag kang ganyan? Kawawa si Agatha." Sabi ni Mama.

"Ma! Pa! Si Vinnie ko!" Iyak ko.

Niyakap ako ni Papa saka hinalikan sa Noo. Nag-iiiyak ako saka sinisigaw yung pangalan ni Vinnie. Sobrang nalulungkot ako. Bakit wala parin kameng balita kila Cherry. At anong plano ni Cherry sa Anak kong Lalake. Bakit nya kinuha si Vinnie.

*

"Hija, mahahanap din naten si Vinnie. Sa ngayon kailangan naten magdasal. Wag mo din kakalimutan na nandito si Agatha." Sabi ni Mommy Che.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Basta pabaling baling ako. Napapa-tayo at napapa-upo uli dito sa Sofa.

"Ayan ka nanaman Agnes. Anak, maupo ka. Hawakan mo si Agatha saka mo padedehin nang matahimik ka. Isipin mo nandun yung Asawa mo tyaka Kuya mo para habulin si Cherry. Mababawi naten si Vinnie basta wag ka nang umiyak." Sabi ni Mama.

"H-Hindi ko na alam!" Iyak ko.

Nag-iiiyak nanaman ako ngayon. Nilapitan nila kong Tatlo nila Mama, Papa at Mommy Che na buhat-buhat si Agatha. Niyakap nila ko't sinabayan sa pag-iyak. Kung nandito si Daddy Vincent malamang iiyak din yun dahil ayaw nun yung nangyayare saken ngayon.

Ilang Buwan na kong aligaga.

*

Mga Hapon. 3:12pm. Dumating si Elaine saka nya kame dinalhan ng Cupcake na gawa nya mismo. Kinain ko to sa harap nila.

"Masarap tong Cupcakes na gawa mo Elaine ah. Pwede ka nang magtayo ng Bakery." Sabi ni Mama.

"Nako, Tita. Nagpaplano na po kame ni Kenneth. Hehe. Excited na din po ako. Uhm, A-Agnes? Nagpropose na si Kenneth saken kagabe." Sabi ni Elaine na nagpahinto sa pagnguya ko.

Tinignan ko sya't nginitian.

"E-Elaine! Talaga?! K-Kelan ang Kasal." Sabi ko.

Natawa ang karamihan. Ngayon nalang ulit ako ngumiti ng ganito. Depende kapag kame lang ni Agatha nangingiti ako kapag nakikitang Matamis ang Ngiti ng Anak kong Babae.

"Wala pa. Hehe. Pero, malapit lapit na." Sabi ni Elaine.

"Excited na ko. Masaya ko para sayo. Infairness. Parang kelan lang umamin sayo si Sir Kenneth o Kenneth na nga lang pala. Ayaw na nyang tinatawag ko syang Sir e. Hehe." Sabi ko.

Hey (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon