Part22
Nakakatakot talaga kausap si Mama. Naalala ko si Vince na ayaw na din kausap Mommy nya kase nakakatakot daw. Mas nakakatakot yata tong Mama ko.
"M-Ma. Inaantok na ko." Sabi ko.
"Wag ka munang matulog Anak? May kwento ako." Sabi nito.
"E nakakatakot yung Kwento mo. Ayaw ko na." Sabi ko.
"Hindi. Haha. Ganito kase yan, yung tungkol sa pagbubuntis mo. Wag kang matakot. Masaya nga yan e. Lalo na kapag nakita mong malalaki na mga Anak nyo. Masarap sa pakiramdam kapag Kumpleto. Marami. Masaya. Hangga't kaya nyo ni Vince nakasuporta kame lagi sa inyo." Sabi nito.
Nakaka-taba ng Puso yung salita ni Mama kaya umusog ako ng upuan at niyakap sya ng mahigpit. Ganun din ito saken na humalik pa sa Noo ko.
"Ma. Thank you ah. Buti nalang talaga nandian kayo nila Papa at Kuya pati nung Pamilya ni Vince. Kung wala kayo baka hindi ko na alam gagawin ko. Natatakot talaga kong magbuntis ulit. Siguro mas okay kung last na to. Ayaw ko kase ng maraming Anak. Tamana yung Apat." Sabi ko.
"Nasasayo yan Anak. Basta lagi mong tatandaan na kapag may kailangan ka. Wag kang mahiyang magsabi samen. Gusto mo ng kausap nandito lang ako..." Sabi nito.
"Salamat talaga Ma..." Sabi ko tapos nagyakapan ulit kame.
**
Masaya nga siguro magkaanak kaso nakakatakot kapag nagsimula ka nanaman mapuyat. Napakahirap pero kakayanin ko to. Kakayanin namen ni Vince tutal ginusto namen to pareho.
"Baby, ikaw na nga muna bahala kay Vinees." Sabi ko habang buhat-buhat si Aganie.
Kumilos agad si Vince na kakagaling lang sa Trabaho. Wala syang magagawa kundi tulungan ako sa Apat nameng mga Anak lalo't gusto nya to.
"Parang Kelan lang Dalawa lang kayo ngayon Apat na Hehe. Dalawang Boy Dalawang Girl. Ang Cute." Sabi ni Vince.
Nangingiti ako kase masarap din sa pakiramdam kapag alam mong masaya lagi ang Partner mo. Yung hindi sya mareklamo sa buhay kahit utus-utusan mo. Katuwang mo din sya sa pag-aalaga sa mga Anak nyo kahit galing lang sya sa trabaho. Panatag din akong hindi na magloloko si Vince. Naka Apat na kame lolokohin pa nya ko. Hindi na pepwede yun.
*
"Ang Laki na nila Vinnie at Agatha." Sabi ko.
"Oo nga. Hehe. Naglalakad na sila oh." Sabi ni Vince.
Pinapanood namen sila Mama, Papa na inaalalayan sa paglalakad si Vinnie. Sila Mommy Che at Daddy Vincent naman yung umaalalay kay Agatha. Kame ni Vince nandito lang sa loob ng Bahay sa Sala. Nagpapadede ako sa mga Anak ko. Naka-alalay si Vince sa mga Anak nyang parehas kong buhat-buhat.
"Ang lalakas nila dumede kaya mataba sila." Sabi ko.
"Ang kucute nga e. Hehe." Sabi nito.
"Uhm, Baby. Last na to ah?" Sabi ko.
"Hays. Okay sige. Last na sila." Sabi nito.
"Hindi ka nagtatampo?" Sabi ko.
"Hindi? Naiintindihan naman kita tyaka hindi madali manganak kaya okay lang. Pero, syempre hindi pwede mawala yung ano ah?" Sabi nito.
"Ikaw talaga. Hehe. Oo naman hindi mawawala yun." Sabi ko.
Sinunggaban nya ko ng Halik sa Labi. Yung halik ni Vince na dikit lang nung Una kaso nang binuksan na namen lumalim pa ito.
"Hmmff. Baby, tamana. Nanggigigil ka yata." Bulong ko.
"Pag hinahalikan kita parang gusto ko maghubad." Sabi nito.