Laban Agnes

381 12 4
                                        

Part6

"Hija. Pwede ba kong humiling sayo? Sana mapagbigyan mo ko. Para din naman sayo tong gagawin ko e. Para sa pagwowork ng Relasyon nyo ni Vince..." Yan ang sinabi ni Tita Cheche na nagpalakas ng tibok nitong Puso ko.

Hindi ko yata kakayanin na makipagbalikan kay Vince matapos yung panloloko nya saken at yung masakit nyang sinabi na hindi nya ko Mahal kundi si Cherry daw.

"Agnes, nakipaghiwalay na ko kay Cherry nung nalaman kong ikaw yung nagpagamot sa Nanay nya. May naalala kase kong insidente dati. Nung hinahanap kita. Si Cherry yung sumalubong saken sa Ospital. Sabi nya nun nag-away daw kayo. Humihingi daw sya ng tulong sayo kaso nagalit ka. Diba, pinuntahan kita nun sa Trabaho mo? Sabi ko gusto kitang maka-usap kaso, ayaw mo munang makipag-usap. Masama kamo yung pakiramdam mo kaya hinayaan ko nalang. Hanggang ngayon... Hindi ako makapaniwala na nagsinungaling si Cherry saken." Sabi ni Vince.

"Hmp, kita mo na? Naniwala ka sa sinabi ni Cherry? Hindi mo manlang inalam kung anong totoo? Palibhasa, Mahal mo kaya pinaniniwalaan mo." Sabi ko.

"Please, tamana Agnes. Handa akong kalimutan si Cherry para sayo, para sa Baby naten." Sabi nito.

"Hindi na... Hinding-hindi na ko makikipag-balikan sayo... Katulong ko na si Kuya para mabuhay kame ng magiging Anak ko." Sabi ko.

"Hija, please." Sabi ni Tita Che.

Malungkot na malungkot si Tita Che pero anong magagawa ko. Sobrang nasaktan ako sa mga nangyare.

"Tita, sorry po pero hindi ko po talaga kaya..." Sabi ko.

"Hija, susubukan lang naman naten. Kung hindi magwork. Walang problema. Gusto ko lang maging kagaya ulit kayo ni Vince dati. Alang-alang sa bubuuin nyong pamilya kaya eto ang hinihiling kong mangyare." Sabi ni Tita.

"Agnes, please... Susubukan lang naman naten e? I promise. Walang Cherry o kahit na sino akong kakausapin kundi ikaw lang." Sabi ni Vince.

"E-Ewan. H-Hindi ko alam... B-Basta, ayaw ko na." Sabi ko.

Tatayo na sana ko sa kinauupuan ko nang bigla akong yakapin ni Vince. Wala akong nagawa. Nag-iiiyak lang ako sa yakap nitong mahigpit na namiss ko ng sobra.

"Bitawan mo ko Vince. Please! Bitawan mo na ko!" Iyak ko.

"I'm sorry please. I'm sorry! Oh god i'm s-so sorry Agnes! I'm sorry please. Gusto kong maayos to." Iyak nito.

"H-Hindi kita mapapatawad Vince. Hindi ko kaya! Sobra mo kong sinaktan!" Iyak ko.

"Please i'm sorry. Alam kong hindi mo ko mapapatawad! Naiintindihan kita Agnes! It's my fault. Kaya gagawin ko lahat ng gusto mo magkabalikan lang tayong dalawa. Please. Sabihin mo lahat gagawin ko! Para sa Mommy ko. Para sayo. Para sa Baby naten gagawin ko lahat sabihin mo lang." Iyak nito.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa sinabi ni Vince.
Pumiglas lang ako pero mas mahigpit pa nya kong niyakap saka hinalikan sa Noo na sobrang namiss ko din.
Nanlalambot ako sa yakap at halik nyang hinahanap hanap ko nung magkahiwalay kame.

Kailangan kong maging Matapang pero bakit Nalulusaw ako sa ginagawa nito.

**

"Sus ginoo Kapatid! Bakit marupok ka! Diba sabi ko wag kang papayag na mahulog ulit sa Vince na yon?!" Sigaw ni Kuya Aga.

Kakauwi ko lang. Kakakwento ko lang sa nangyare kanina tapos sinisigawan na nya ko ng ganito ngayon.
Gigil na gigil si Kuya at namumula pa sa galit.

"Ano! Papayag ka ba! Baka masaktan ka nanaman!" Sigaw nya.

"Kuya, kumalma ka nga muna please? Maupo ka kaya. Pati si Baby na nasa sinapupunan ko nagugulat sa sigaw mo." Sabi ko.

Agad naman syang sumunod sa sinabi ko.
Naupo na sya sa kaliwang banda ko pagkatapos tinignan nya ko't tinarayan pa.

"Kuya? Hindi ako pumayag okay? Kalma... Sinabi kong kailangan ni Vince siguraduhin na wala na sila ni Cherry. Kapag nalaman kong nagkikita sila. Ultimo nagkakachat at Text. Hindi ko na sya patatawarin. Binigay ni Vince yung Password ng FB nya pati ibang Account. Nakabukas na nga sa Cellphone ko lahat yun e. Babantayan ko sya mismo. Pag nakakita ako na may Chat silang dalawa ni Cherry na naglalandian silang dalawa. Hindi ko na itutuloy yung Kasal..." Sabi ko.

"A-Ano?! Anong Kasal! Magpapakasal ka sa Gag*ng yon!" Sigaw nito.

"Jusko Kuya. May Isang Taon si Vince para sundin yung gusto ko... Nakadepende daw saken kung magpapakasal ako o hindi." Sabi ko.

"Pambihira ka naman Agnes! Ano?! Makikipag-balikan ka talaga sa Lalakeng yun!" Sigaw nito.

"Kuya, pwede bang wag kang sumigaw? Baka marinig ka ng kapitbahay." Sabi ko.

"Agnes? Kapag ikaw niloko ulit ng Vince na yun. Wala akong pakialam kung Taekwondo Master sya! Makakatikim sya saken. Wag mo kong pipigilan!" Sabi nito saka tumayo sa kinauupuan nya.

Nagpunta nalang si Kuya sa Kwarto nya.
Iniwan nya kong stress na stress kase baka nakabulabog kame ng kapitbahay.

*

Kinabukasan

Tahimik tuloy kameng kumain ni Kuya ng agahan.
Wala kameng kibuan hanggang sa kung sino ang mauunang maligo basta ako una kasunod sya. Pagkatapos din namen magready. Maging sa paglabas ng Bahay at sunduin na ko ni Elaine dito sa Bahay. Hindi ako kinakausap ni Kuya.

*

"Anong nangyare? Bakit parang ang sungit ng Kuya mong Pogi? Hehe." Sabi ni Elaine.

"Hala ka? Hehe. E sinabi ko kase yung nangyare kahapon. Ayun, kala nya nakipag-balikan ako kay Vince..." Sabi ko.

"Pero, hindi ba? I mean... Hindi ka naman pumayag agad diba?" Sabi nito.

"Syempre hindi... Bahala sya. Tsk! Pahihirapan ko sya sa paraan na alam ko." Sabi ko.

*

Kaya ilang Araw kong binantayan yung Account ni Vince.
Nabibigla pa ko sa mga dati nilang Conversation ni Cherry. Halatang si Cherry yung nag-aaya kay Vince sa usapang malaswa at yung tungkol sa kung kelan sya pwede kapag wala na syang Regla.

"Hmm. Ganito pala ka baboy talaga si Cherry. Last Year pa tong mga Chats nila. E kame pa ni Vince nito ah. Tsk! Malandi din naman si Vince kase pumapayag sya habang mag On kame." Sabi ko.

Kawawa naman ako.
Nagsasalita ako mag-isa habang nakahiga dito sa Kama ko.

**

Umabot ng Buwan yung pagmomonitor ko kay Vince.
Nakakabasa ako na nagchachat si Cherry sa kanya pero hindi yata nya nirereplyan.
Yung mga nirereplyan lang ni Vince yung mga Kaibigan nya o kamag-anak lalong-lalo na yung Mommy at Daddy nya.

"Agnes. Anong gusto mong kainin? May gusto ka ba? Sabihin mo lang saken para mabili ko." Sabi ni Vince.

"Hmp, gusto ko ng Strawberries. Yung Mapulang mapula ah. Kapag hindi Pula at mukhang matabang. Hindi ko kakainin yun." Sabi ko sa kanya.

"Alright, no problem. Hahanap ako." Sabi nya.

"Gusto ko galing Baguio yun." Sabi ko.

"No problem... Aalis na ko ngayon." Sabi nya.

"K...." Sagot ko.

Nagmamadaling tumayo si Vince sa kinauupuan nya saka dali-dali lumabas dito sa Apartment.
Bwisit na bwisit naman si Kuya Aga na wala syang magawa kundi manahimik habang nilalambing ako ni Vince.

"Pambihira ka Agnes... Lakas ng tama mo Kapatid ah? Baguio pa talaga? Tsk! Hirap gumawa ng kasalanan sayo. Pahirap ka. Kahapon lang Balut sa Tanghali hanap mo. Ngayon mas malala. Baguio? Strawberry? Adik ka." Sabi ni Kuya.

"Kuya? Naaawa ka ba kay Vince. Hala sige... Samahan mo sya. Hmp. Alam mong bawal akong ma-stress. Buntis ako alalahanin mo..." Sabi ko.

Nilingon ko si Kuya na nakangiti at lumapit pa saken.
Pinisil nito yung magkabilang pisngi ko pagkatapos bumitaw na sya't umatras saka tumayo ng diretso...

"Ikaw naman Oo. Hehe. Tumayo ka na muna dian. Papagpagan ko yang Sofa. Magwawalis ako saka magma Mop ng sahig. Magpupunas pa ko ng Bintana syempre magluluto din ako." Sabi nito...

Hey (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon