Part14
Hindi ko pinansin si Cherry. Hinayaan ko lang sya't umarte akong hindi sya kakilala. Masaya kameng namili ni Ate Osang ng kung anu-ano dito sa Bench. Pagkatapos umalis na kameng dalawa na nakangiti.
"Kahit na anong mangyare Beh. Wag na wag kang maaawa. Bakit? kase baka may plano nanaman sya na hindi naten alam. Baka mamaya biglang lumapit yun sayo tapos saktan nya yang mga nasa Tyan mo." Sabi ni Ate Osang.
"Hays. Oo na Ate Osang. Naisip ko naman yun tyaka hindi ko sya madaling mapapatawad. Grabe, yung sakit na binigay nya saken. Kaya ibabalik ko yun ng Doble sa kanya." Sabi ko.
Tumawa si Ate Osang na kala mong Demonyita.
Nahawa ako sa tawa nito pero syempre yung mahina lang. Mahirap kung may makakarinig samen. Nakakahiya baka isipin nababaliw na kame.*
Pagkatapos mamasyal at mamili ng kung anu-ano.
Nagpunta kame ni Ate Osang sa Chowking saka kumain.
Makalipas din ang ilang Minuto. Pagkatapos kumain nag-ayaan na kameng bumalik sa Bahay.*
Pagdating dito gaya ng nakasanayan e kailangan kong magpahinga ng magpahinga.
"Hays." Bulong ko.
Nagkulong ako dito sa Kwarto namen ni Vince saka ko nagbukas ng Aircon at nahiga. Nagcellphone ako. Tinetext ko si Elaine kaso hindi sya nagrereply. Mukhang Busy sya kaya nanood nalang ako ng T.V.
*
Hindi ko namalayan na nakatulog ako ng ilang Oras.
Paggising ko nandito na si Vince. Katabi ko sya't nakayakap saken. Dito sya nakapwesto sa kaliwang banda ko."Hey." Bulong nito.
"Hi. Kanina ka pa ba?" Sabi ko.
"Sakto lang. Nakaidlip na ko konti. Uhm, nagpunta pala kayo ni Osang sa Mall kanina?" Sabi nito.
"Hmm. Mmhmm? Pano mo nalaman?" Sabi ko.
"Tinanong ko si Osang kung anong ginawa mo. Umalis daw kayo. Sabi nya nagpunta kayo kay Cherry. Diba, sabi ko sayo. Lumayo ka kay Cherry? Pano kapag tinulak ka nalang nya bigla. Agnes, wala ako sa tabi mo. Pano kung hindi naman mapansin ni Osang na pabuwal ka na." Sabi nito.
"Vince, alam ko naman kung may mananakit saken. Wala kang dapat ipag-alala." Sabi ko.
"Please. Makinig ka naman sana Agnes. Wag nang matigas ang ulo. Para sayo tong sinasabi ko. Madadamay yung Baby naten sa paghihiganti mo. Isipin mo yan." Sabi nito saka bumitaw ng pagkakayakap saken. Bumangon si Vince at dali-dali naglakad palabas dito sa kwarto.
Nalungkot tuloy ako sa pag-uusap naming yun.
Hindi ko naman kasalanan kung bakit nagkakaganito ako ngayon. Ang gusto ko lang makaganti sa Babaeng sumira samen at nanira ng pagkatao ko."Hays." Bulong ko.
Bumangon ako paupo.
Kumalma. At huminga ng malalim. Nag-isip ako mabuti kung paano ko pa masasaktan si Cherry nang hindi ko sya nilalapitan.*
Gabi. 10pm wala nanaman kameng kibuan ni Vince.
Gumawa ako ng paraan para makapag-sorry sa kanya. Nilambing ko sya't inaya na manood ng Cartoon Movie. Pumayag ito kaya nakahiga na kame ngayon habang magkayakap. Pasimple akong nagpipicture ng mga anggulo na nakayakap saken si Vince habang nakangiti ito at nakatingin sa T.V... Nagpicture pa ulit ako na naka Kiss ako sa kanya. Ngayon alam na nyang nagseselfie ako kaya ngumiti din sya sa Camera. Parehas kameng nakangiti at paulit-ulit ko tong pinindot para sa marami pang Kuha."Ayan. Ang ganda ng mga Kuha oh. Hehe. Ipopost ko to sa Facebook." Sabi ko.
"Yeah, matutuwa sila Mom and Dad nyan pag nakita yan." Sabi nito.
