Work

320 15 2
                                    

Part4

Niyakap ko ng mahigpit si Kuya Aga saka inayang sumakay na ulit sa Trycicle.

"Totoo bang Buntis ka Agnes?!" Sigaw ni Vince.

Nilingon ko sya't sinagot nang...

"Hindi!" Sigaw ko saka sya tinalikuran na ulit.

Kahit mabigat at malaking tao si Kuya Aga  binuhat ko ito saka pilit na pinapasakay sa Trycicle na sinakyan ko.

*

Bumalik kame ni Kuya dito sa Apartment ko.
Galit na galit ito saken kung bakit ko daw sya inawat at pinigilan.

"Gustong gusto ko nang upakan yung Vince na yun! Bakit pinigilan mo ko!" Sigaw ni Kuya.

"Kuya? Hindi mo kaya si Vince! Mabubugbog ka na makakasuhan ka pa? Mahihirapan kame nila Mama at Papa na tubusin ka. Mayaman si Vince alam mo yan." Sabi ko.

Hindi na ito sumagot.
Tumahimik na din ako. Pinipilit kong kumalma para maiwasan ang pagsakit ng Puson ko.

*

Kinagabihan.
Nagpaalam si Kuya Aga saken na magpupunta sya sa kaibigan nyang si Troy na taga kabilang Street lang.
Naalala kong naging Boyfriend nga din pala ni Cherry yun.
Naghiwalay lang sila dahil Malandi daw si Cherry.

"Sige sige. Dalhin mo na yung Susi ko. Para hindi ka na kakatok. Kailangan kong magpahinga." Sabi ko.

"Uhm, Kapatid? Pasensya ka na ah. Nagalit ako kanina. Nasabi ko pa sa Vince na yun na Buntis ka. Sorry ulit." Sabi nya.

"Kuya, wala na yun. Sige na. Pumunta ka na kay Troy. Ako na bahala sa pinagkainan naten." Sabi ko.

Niyakap pa ko ni Kuya. Pagkatapos dali-dali na syang umalis. Nagsimula na ko sa mga gawain.
Makalipas din ang ilang Minuto. Natapos na ko saka ni-lock maigi tong pinto.

Naghalfbath ako saka natulog.

*

Kinabukasan.

Nagising ako sa amoy sinangag na alam kong si Kuya ang may gawa. Mahilig kase magluto si Kuya Aga.

"Hmm." Huni ko.

Bumangon ako saka lumabas dito sa Kwarto.
Nakita kong masayang masaya na nagluluto si Kuya Aga ng Pritong Danggit. Nakita kong nakaluto na sya ng Sinangag, Scramble Egg tyaka pritong Talong at may masarap na bagoong.

"Wow, ang sarap naman nyan Kuya. Namiss ko yung Luto mo. Hehe." Sabi ko.

"Osha, maghain ka na. Kumain na tayo saka ka pumasok sa Trabaho. Ako naman mag-aapply." Sabi nya.

Sumunod na ko sa Utos ni Kuya Aga.
Naghain na ko kasabay nito natapos na syang magluto ng piniprito nyang Danggit.
Naupo na kameng magkapatid saka nagsimula na sa pagkain.

*

Nagtataka pa si Kuya sa iniinom kong Vitamins.
Kaya pinaliwanag kong kailangan ito ng katawan ko tyaka hindi naman makakaapekto kay Baby.

"Wag kang mag-alala Kuya. Safe to." Sabi ko.

"Hmm. Siguraduhin mo lang na hindi mapapano yang Baby. Mas maganda kung Okay sya. Hindi yung magkakaproblema dahil sa iniinom mong yan." Sabi nito.

"Promise, safe to. Hehe. Magpapacheck up naman ako sa Lunes e." Sabi ko.

Tumango-tango nalang si Kuya.
Nagtulong kameng dalawa sa pagliligpit pagkatapos sya na yung naghugas ng plato. Mauna na daw akong maligo para hindi ako mahuli sa Trabaho. Iniwan ko na yung Susi kay Kuya tutal mauuna syang makaka-uwi bilang mag-aapply sya ng trabaho.

*

Pagdating dito sa Restaurant.
Masaya kame ni Elaine na papunta sa kusina.
Nagkwekwento kase si Elaine na nagsabi na si Sir Kenneth sa kanya na...

"Gusto daw nya ko. Matagal na. Nahihiya lang syang magsabi. Hehe." Sabi ni Elaine.

"Sabi ko na nga ba may something e. Hihi. Kaya pala ganun makatingin si Sir Kenneth sayo?" Sabi ko.

"Iiii. Kinikilig tuloy ako? Hihi. Excited na kong mag-asawa." Sabi nito.

"Hala ka? Ang bilis naman? Manliligaw palang sya sayo tapos kapag kayo na deretso Asawa agad? Grabe ha." Sabi ko.

"No ka ba? Kailangan na naten yun Agnes. Ilang taon na tayong dalawa. Magte Trenta na tayo dapat dun na tayo papunta. Buti ka pa nga e? Yang... Diba? Gusto ko na din nyan." Sabi nito.

"Uhm, swerte din pala na may ganito. Hehe. Si Kuya ko mag-aapply na sa Trabaho. Sa Mall magpupunta yun panigurado. Nag-aalala lang ako Elaine." Sabi ko.

"Bakit naman?" Sabi nito.

"Pano kapag nalaman ni Vince na totoong Buntis ako? Diba kahapon nga sumugod si Kuya dun. Nadulas sya kaya sinabi nyang ganon. Sabi ko lang kay Vince na Hindi. Pano kapag nalaman nyang meron? Natatakot ako. Baka may gawin na masama saken si Vince." Sabi ko.

Inakbayan ako ni Elaine.
Nag-aalala ang reaksyon nitong nakatingin saken.
Nag-aalala din ako. Sobra. Baka kase gawan nila ko ni Cherry ng masama kapag nalaman to ni Vince.

*

Mga bandang 6:30pm.
Pinauna na ko ni Sir Kenneth na umuwi na para maaga akong makapagpahinga. Kaya lang maiiwan si Elaine bilang mayamaya pa naman talaga yung uwian.

"Mag-iingat ka sa pagko-commute Agnes ah? Maraming Gag* sa daan ngayon. Mag-iingat ka." Sabi ni Elaine.

"Salamat. Hehe. Ingat ka din sa byahe mo mamaya. Kita nalang tayo bukas." Sabi ko.

"Sige sige na. Humabol ka na sa mga Taxi. Mahirap kapag nagpaabot ka pa ng 7pm." Sabi nito.

Ngumiti nalang ako saka nagpaalam sa kanilang lahat.
Dala-dala ko tong backpack ko na lumabas dito sa Restaurant. Naka Cap ako at Jacket na lagi kong suot para hindi mahamugan.

"Hmm." Huni ko.

Ganito tong Restaurant. Madadaanan mo yung Parking Lot bago ka makarating sa Kalsada.

*

Naghintay ako ng Taxi.
Panay ako para pero walang humihinto sa harapan ko kaya inabot na ko ng 6:40 dito.

"Hays." Bulong ko.

Dinadaanan lang nila ko.
Mayamaya pa may Kotseng huminto sa harapan ko at alam kong kay Vince ang Kotse na to.
Umatras agad ako saka naglakad pakanan.

"Agnes! Wait!" Sigaw nya.

Nagdadalawang isip tuloy ako kung babalik ako sa Restaurant o magpa Para pa sa mga Taxi o sa Jeep nalang.

"Kuya! Pasakay!" Sigaw ko sa Jeep kaso puno na sila dun.

Kinakabahan tuloy ako lalo't bumaba na si Vince sa Kotse nya saka tumakbo palapit saken...

Hey (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon