Wakas

416 13 2
                                    

Part23

Pagkatapos kong mag-ayos dito sa Kwarto naming mag-asawa. Naligo na ko saka nagbihis para makipagkita kay Miss A.

"Excited ka na ah? Hehe." Sabi ni Vince.

"Gusto mo bang sumama?" Sabi ko.

"Hmm. Pwede naman. Wala naman akong gagawin dito sa Bahay. Hindi ako sanay kapag umaalis ka mag-isa." Sabi nya.

"Magready ka na. Habang nagme Make-up ako. Hehe." Sabi ko.

Kumilos na sya. Excited na excited si Vince pero mas excited akong ipakilala sya kay Miss A. Pinagmamalaki ko kaseng may Asawa akong Gwapo na Mapagmahal at Masipag. Gusto kong ipakilala si Vince sa Taong naka-usap ko na ilabas ang Kwento namen.

"Hmm." Huni ko.

*

Pagkatapos kong mag-ayus-ayos saktong tapos na Maligo si Vince. Pinagbihis ko na muna sya habang binabasa maigi ang Update ko sa Story namen.

"Kapag Babae talaga madamin cheche bureche sa Mukha. Alam mo Agnes, ay Sweetheart nga pala bago nateng tawagan. Hehe. Alam mo Sweetheart. Maganda ka na. Hindi mo na kailangan yung kolokolorete na yan." Sabi ni Vince.

Nangiti ako sa sinabi nyang yun. Ilang beses na din kaseng sinasabi ni Vince na wag na kong maglagay ng Make-up. Mas bagay raw talaga saken yung Simple lang.

"Sweetheart, thank you. Tyaka, relax. Hindi naman makapal tong nilagay ko sa mukha ko e. Hehe." Sabi ko.

"Basta ganyan lang. Wag kang gagaya sa ibang Babae na ke kakapal ng Mukha. Ay nang Make up pala. Para kaseng Malantong ang datingan. Okay na yang ganyan. Hehe." Sabi nya.

"Opo Boss. Hehe. Ready ka na ba?" Sabi ko.

"Mmhmm. Tara na." Sabi nya.

Kaya umalis na kameng dalawa ni Vince. Ultimo sa pagsakay sa Kotse nasanay na syang laging naka-alalay saken. Eto yung pinaka Gusto ko sa kanya. Yung hanggang ngayon Sweet parin sya saken.

*

Pagdating sa isang Restaurant. Nakita ko nang naka-upo si Miss A. Nakangiti sya habang nagtetext. Agad kameng lumapit ni Vince na agad naman nitong napansin kaya tumingala sya't tumayo sa kinauupuan saka nakipagkamay. Nakipagkamay ako kasunod si Vince.

"Good afternoon po Ma'am Agnes. Sir Vince." Sabi nito.

"Good afternoon din Miss A. Kanina ka pa ba nandito?" Sabi ko.

"Nako, ngayon ngayon palang po. Hehe. Tara upo na tayo." Sabi nito.

Naupo kameng tatlo saka nagsimula sa Usapin.
Hiyang-hiya pa ko lalo't kitang-kita ko na kinikilig si Miss A samen.

"Grabe ang sweet sweet nyong dalawa. Sobrang bagay kayo. Sana All po." Sabi nya.

"Hehe. Ikaw din naman nakita mo na yung Labidabs mo kaya Sana All. Hehe." Sabi ko na kinatuwa nya.

"Nakakakilig my gosh. Hihi. Ang Gwapo mo Sir Vince ah. Maganda si Ma'am Agnes kaya Perfect Couple. Tyaka, nakita kong ang gaganda ng Bunga nyo." Sabi nya.

Masayang masaya si Vince na nahihiya pa sa Dalagang kaharap namen ngayon.

"Osha,  eto na nga pala yung Update ko sayo Miss A." Sabi ko sabay abot sa Papel na sinulatan ko kanina.

Binasa ni Miss A yung nakasulat. Ngiting ngiti sya habang titig na titig ang mga Mata sa bawat salita na nakalagay dun sa Papel.

"Ia Update ko po to ngayon Ma'am Agnes. Tapos, aantayin naten yung Last Comments ng mga Readers. Nag set na din po ako Voice Record na Automatic matatype yung sasabihin nyo about sa Comments nila sa Kwento nyo." Sabi nya.

Hey (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon