Part16
Dahil dun sa sinabi ni Elaine kanina. Hindi tuloy ako makatulog kakaisip kung si Cherry nga ba ang may kagagawan sa pagkakapalit ng Baby Boy kay Vinnie namen.
"Ano kayang balak ni Cherry kung nasa kanya nga si Vinnie." Bulong ko.
Pabaling baling ako dito sa kinahihigaan ko. Inaawat na tuloy ako ni Vince at pinagpapahinga.
"Hindi ako makakatulog talaga ngayon. Pano kung nakay Cherry nga si Vinnie? Natatakot ako Vince." Sabi ko.
"Baby, please. Kalma. Mahahanap din naten si Vinnie. Si Cherry pinaasikaso ko na sa mga Pulis. Pinaghahahanap na sya." Sabi nito.
"Sana mahanap kagad nila si Cherry. Hindi ako makakatulog Vince. Jusko, Birthday ko pa naman Bukas. Gusto ko nang makasama ang mga Anak ko. Yung kumpleto tayo." Sabi ko.
Niyakap ako ni Vince ng mahigpit saka hinalikan sa Labi. Niyakap ko na din sya. Etong yakap at halik na to ang nagpapawala ng lungkot ko pero hindi parin maiiwasan na malungkot ako.
Pano nga kung na kay Cherry yung Anak namen ni Vince na Lalake.*
Kinabukasan
Dumating yung mga Pulis na inutusan ni Vince sa paghahanap kay Cherry.
"Sir, wala na Ho si Cherry Gomez sa tinitirhan nyang Bahay. Naka-usap namen ang Nanay nyang si Henya. Hindi daw nila namalayan na wala na si Cherry sa poder nya. Basta nalang daw nawala si Cherry nung nakaraan Buwan." Sabi ng isa sa mga Pulis.
Nagtinginan kame nila Vince, Mommy, Daddy, Mama, Papa at Kuya. Ako... Pakiramdam ko tuloy na kay Cherry nga ang Anak kong Lalake.
"Please po. Kailangan naten mahanap si Cherry. Feeling ko nasa kanya si Vinnie ko." Sabi ko.
"Ma'am, pupunta po muna kame sa Station. Kakausapin namen ang iba pang kapulisan para matunton si Cherry." Sabi ng isa pang Pulis.
"S-Sige po. Sana mahanap agad si Cherry. Nasa kanya ang Susi kung kinuha nya yung Anak ko o nakapagpalit lang sa ibang Mommy e." Sabi ko.
"Kame na pong bahala Ma'am, Sir. Tatawagan nalang po namin kayo sa Update." Sabi ng Pulis.
Tumango-tango kame nila Vince.
Pagka-alis nung Tatlong Pulis, bumuhos na yung Luha ko. Sobra akong natatakot sa kaligtasan ng Anak ko kung na kay Cherry nga sya."Baby. Please. Stop crying. Sobra sobra na yung Stress mo. Please. Buhatin mo nalang si Agatha. May Baby tayong nandito diba?" Sabi ni Vince.
Nagpunas ako ng Luha tapos kinuha ko si Agatha kay Vince. Hinalikan ko sa Noo tong Anak kong Babae. Hindi ko talaga maiwasan na hindi maiyak sa nangyayare. Natatakot kase ko.
**
Bakit kailangan umabot ng ilang Buwan ang paghahanap namen kay Cherry na hindi namen sya makita. Ginawa na namin lahat-lahat. Kung sino-sino na yung nilapitan namen makahingi lang ng tulong na hanapin yung Babaeng baka kumuha sa Anak kong Lalake.
"Happy 9 Months sa inyo ni Kuya Vinnie." Iyak ko.
Umiiyak ako habang kumakain ng Cake. Sine-Celebrate kase namen yung Buwan-buwan o parang Birthdate ng mga Baby. Nakakalungkot lang kase wala parin si Vinnie.
"Wag ka nang umiyak Baby. Please." Sabi ni Vince.
Habang naka-upo ako dito sa Sofa sa Sala. Tinabihan ako ni Vince at dito ito pumwesto sa kaliwang banda ko. Dito sa harapan namen nakahiga sa Crib si Agatha. Ako naman e umiiyak habang kumakain ng Cake.
"Tamana. Please... Magang-maga na yang mga Mata mo. Tapos nagpupuyat ka pa. Alam kong hindi ka makatulog ng maayos kaso isipin mo nagpapadede ka pa kay Agatha. Baka magka epekto sa kanya yang Stress mo. Please. Tamana." Sabi ni Vince.
