SOMEONE'S POV
Umaga ngayong araw, nandito ako sa labas ng clinic upang kunin ang resulta kung totoo mang bumalik ang sakit ko
"Doc?"tawag ko saka kumatok, bumukas naman agad ito at sinalubong nya ako
"Buti naman at maaga ka ngayon"sambit nya at bahagyang ngumiti, pinatuloy nya ako sa clinic nya at dumiretso ako sa sofa
"Bat ang bilis naman po ng labas ng resulta?"tanong ko dahil kahapon lang naman ako nagpatest
"Anak kahit sabihin mong clinic lang ito, kasya ang sampung tao dito at kaya ko silang pagalingin gamit ang lahat ng machine ko dito"turo nya sa mga gamit nya
"Uhm asan na po yung resulta nung akin?"nahihiyang tanong ko, pumunta sya sa may lamesa kaya sumunod ako, may kinuhang syang brown envelope at tumingin sakin
"Anak.."tawag nya sakin at saka binigay ang envelope
Tinanggap ko lang ito ng tahimik at binuksan"Anak ayaw ko mang sabihin pero pasensya na pero ang sakit mo ay bumalik na.."sambit ni doc habang binabasa ko ang papel, agad namang nangilid ang mga luha ko
"Baka po mali lang...baka po pwede nating ulitin...baka po hindi sakin to...baka po---"hindi na ako natapos magsalita dahil tuluyan nang bumagsak ang luha ko, sunod-sunod ito at walang tigil
'Bakit kailangan sakin pa mangyari to? Bakit kailangan mangyari pa ulit sakin to'
"Anak wag kang mag-alala, tutulungan naman kita ulit, kakayanin mo ulit yan"pagpapalakas loob ni doc ngunit hindi ito umipekto"saka hindi pa naman ganon kalala ang sakit mo at paagapan pa natin"dugtong nya pa
"Pwede ko po bang malaman ang sanhi neto?"tanong ko at tinignan ko sya
"Walang pinaka sanhi ang luekemia anak kadalasan ito ay namamana lamang ngunit ang sayo ay.meron kana nito dati at bumalik lang, walang sanhi ito pero may nagpush sa sakit mo upang bumalik ito"huminto sya at huminga ng malalim
"Ano po iyon?"tanong ko at pinunasan ang mga luha ko
"Lack of sleep.."tanging sagot nya na parang nagpagunaw ng mundo ko
'Masyado ko atang inabuso ang sarili ko'
KEVIN'S POV
"Where is Hanarye?"umaga ngayon at ngayon lang ako nakarating sa Dorm
"She is sleeping in her room"sagot ni Tristan at hinarangan ako"Anong kailangan mo?"tanong nya at mukhang ayaw nya akong palapitin kay Hanarye
"May kailangan akong sabihin sakanya"sagot ko at nilagpasan sya, dumiretso ako sa kwarto ni Hanarye ngunit nakasara ito, nakasunod naman sakin si Tristan
"Kailangan nya pang magpahinga Kevin"pigil nya sakin"masyado syang napagod at nasaktan sa mga nangyari, lalo na sa mga sinabi ni Ace"dugtong nya
"Ang sasabihin ko ay makakabuti sakanya"pagmamagaling ko
"Osige ano yon?"nanghahamon na tanong nya para bang alam nya lahat ng makakabuti kay Hanarye
"Alam kona ang sakit ni Ace"sagot ko at malaki ang kumpyansa na matutuwa rin sya dahil alam kong alam nya na matutuwa si Hanarye dito
Ngunit sumama ang mukha nya"Pwede ba? Pag pahingahin mo muna si Hanarye sa lalaking yon?"iritadong tanong nya
"Tristan kakagising lang ni Ace at sasandali palang nyang nalimutan si Hanarye kaya wag kang umakto ng ganyan dahil si Tristan ka lang"hindi ko alam ngunit bigla akong nakaramdam ng inis dahil sa inaakto nya
YOU ARE READING
Dreaming You✔
Teen FictionA girl that loves to write a story, but only her friends can read it because she's a type of girl that thinks what other would say about her story... and she doesn't want to embarrass herself to other people if they'll know that she's the author of...