HANARYE'S POV
Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit upang pumasok! Hindi ko alam kung ano dapat ang dalin kong pangvolleyball!
Naglagay nalang ako ng isang white shirt saka short na hindi naman ganon kaikli
'Pwede na siguro to'
Bumaba na ako at naabutan ko silang nag-aayos ng table
"Uhmm...manang hindi muna po ako kakain, may gagawin pa po kasi kami sa school"sambit ko kay manang
"Ganon ba? Osige hija mag-iingat ka ha"sagot sakin ni manang
"Opo pakainin nyo na po silang lahat"sagot ko saka lumabas at pumunta sa kotse
"Ma'am ang aga po natin ngayon ah"bungad ni manong na nagpupunas ng salamin ng kotse
"Opo manong eh, may gagawin pa po kasi kami sa school ng maaga"sagot ko kay manong
"Ganon po ba ma'am? Osige na po sakay kana po, tara na"sagot nya sakin saka inayos ang damit nya
Sumakay na ako at kasunod kolang si manong na pumasok na rin sa kotse at agad na inistart ang kotse
'Nalimutan kong may rereport pala kami dapat sa english! Kasi naman second day palang ang dami nang gustong gawin!'
Tinawagan ko sila zera ngunit hindi sila sumasagot! Tinext ko na lang sila at saka binalik ang phone ko sa bag ngunit agad ko rin itongf kinuha nung tumunog
From:Aceerian
Good Morning my love! Kumain kana ng breakfast! Iloveyouu! See you later!
Napangiti naman ako sa nabasa ko ngunit bakit parang puro pasigaw ang text nya?
Sumagot nalang ako sa sinabi nya at sakto naman na nagtext rin sila zera na nasa school na raw sila
Naging mabilis ang byahe at nasa school na kami agad"Sige na manong ingat ka po sa pag-uwi!"paalam ko kay manong at saka nagmadaling bumaba
Sumalubong naman agad sila zera at dumiretso kami sa library
"USB?"tanong ko kay zera at pinakita naman agad nya kaya naman tumingin naman ako kay charli"Laptop?"tanong ko at pinakita nya rin ang hawak nya"Good"pumasok na kami sa loob at konti lang ang student dito kaya naman agad kaming nakakuha ng mauupuan
Nagsimula na kami ni zera sa paggawa ng power point habang si charli ay naghahanap pa ng ibang libro na makakatulong samin
Natapos namin ang power point bago magbell kaya naman sakto lang kami sa pagpasok, pagdating naman namin sa room sakto at kami raw ang unang magrereport
***
Naging maayos at maganda ang reporting namin at natapos na rin ang ibang subject, kasalukuyan kaming papunta sa canteen upang maglunch ngunit nakasalubong namin si sir brenn at iba pa rin ang tingin nya!
'Walang ibig sabihin yon hanarye...wala, teacher mo sya wala lang yon!'
"Magla-lunch na kayo?"tanong ni sir
'Hindi magpapahangin lang sa canteen, tss'
"Opo sir, ikaw po ba naglunch na?"masiglang sagot ni zera
'Bat mo tinatanong! Baka mamaya sumabay pa yan!'
"Uhmm..yes kakatapos ko lang"sagot nya saka tumingin nanaman sakin!
'Isa pang tingin mo dudukutin ko yang mata mo tamo!'
"May dala ba kayong damit para mamaya?"tanong ni sir
YOU ARE READING
Dreaming You✔
Teen FictionA girl that loves to write a story, but only her friends can read it because she's a type of girl that thinks what other would say about her story... and she doesn't want to embarrass herself to other people if they'll know that she's the author of...