Chapter 4

6 4 0
                                    

HANARYE'S POV

Papasok na ako sa school nang marinig ko ang sigaw ni zera

"Hanarye!"kaya naman huminto ako at inantay syang lumapit"Di ka maniniwala sa sasabihin ko"sambit nya habang medyo hinihingal pa

"Okay"sagot ko saka tumalikod

"Sandali lang naman"pigil nya sakin"bakit ka aalis?"tanong nya kahit medyo hinihingal pa rin sya

"Diba sabi mo hindi ako maniniwala sa sasabihin mo? Bakit pa ako makikinig?"inosenteng tanong ko at nakita ko naman na nainis sya sakin

"Aish!"inis na sagot nya

"Eh? Ano ba yon?"tanong ko sakanya

"Diba eto na nga, yung GuyInBlackHoodie? Parehong pareho sya nung story na sinend mo samin"hindi makapaniwalang sambit nya

"Oh? Really? Mygosh! Sino kaya yon?"arte ko dahil sabi nya diba hindi ako maniniwala sa sasabihin nya

"Ano ba?! Hanarye naman! Apaka plastic ng acting mo!"inis na sigaw nya sakin kaya naman natawa ako

"Eh ano ba kasi gusto mong sabihin ko?"tanong ko sakanya dahil pikon na pikon na yung mukha nya

"Duhhhh? May kumuha ng story mo! At ngayon sikat na sya! Tas tatanungin mo ako kung ano gusto kong sabihin mo? Myghad hanarye!"kitang kita sakanya na inis na inis sya"at saka! Dinugtungan nya pa! Tinapos na nya yung story"natatawa nalang ako sa reaksiyon nya, kung alam mo lang zera

"Hayaan mo na, natapos na pala nya eh"natatawang sagot ko

"Really? Mygosh! Bahala ka nga dyan!"sigaw nya sakin saka umalis

'Hindi ko alam kung paano sasabihin sainyo seryoso'

Pag pasok ko sa room ay ang iingay ng mga kaklase ko

"Kilala mo yung GuyInBlackHoodie? Feeling ko gwapo sya tas ang galing galing nya pang gumawa ng story"

"Oo nga eh napaiyak ako"

"Grabe hindi ko inaakala na don lang matatapos yon"

"Gusto ko syang gumawa pa ng mga story kasi galing na galing ako sakanya sa totoo lang, bago lang sya pero ang galing galing na nya"

Ilan sa mga nadidinig ko sa mga kaklase kong babae,pakiramdam ko natouch ako sa mga sinasabi nila 

"Bro! Nag basa ako nung wattpad? Maganda pala yon"

"Sinong author?"

"Yung bago lang, yung GuyInBlackHoodie"

"Ah oo nabasa ko na rin yon grabe,ang galing nya no?"

"Oo tas nakakaproud kasi lalaki sya, well iba talaga galing ng mga lalaki"

Agad akong napalingon sa likod dahil sa mga narinig ko

'Pati boys? Nag babasa na?'

"Ako nga nag download lang ng wattpad para don sa author na yon eh"

"Bro pakiramdam ko mag tataksil ako sa ml ko kasi bibigyan ko sya ng kahati sa oras ko"

"Ako den bro"

"Sana mag publish pa sya ng ibang story no?"

Hindi ko alam kung paano magrereact sa mga sinasabi nila, sobra akong natutuwa sa feedback nila para sa story ko

Dreaming You✔Where stories live. Discover now