Chapter 39

0 0 0
                                    

HANARYE'S POV

Dumaan ang oras at naidlip ako sa clinic at nagising nalang ako at sabi nila ay hinahanap na raw ako ni sir brenn

"Hanarye sigurado ka ba talagang sasama ka sakanya?"tanong ni zera dahil napag-usapan na namin kanina na sasama ako kay sir

"Wala naman sigurong masamang mangyayari sakin"sagot ko sakanya

"Pumunta na raw tayo ng room sabi ni sir"biglang sambit ni charli na nakadungaw sa pinto

Sabay-sabay kaming nagpunta sa classroom at saktong pagdating namin ay kami nalang raw ang iniintay

"Okay nandito na ang lahat"sambit nya kaya naman naupo na kami"First of all good afternoon class"sambit nya saka ngumiti sakin

"Good Afternoon sir"sagot naman namin

"Okay like what I said before bibigyan ko kayo ng regalo since isa kayo sa naging bagong student ko"nakangiti nyang sambit kaya naman gumawa ng ingay ang mga kaklase ko

"Thankyou na agad sir!"

"Owemji ano kaya yon?!"

"Sir asan na poooo"

"Thankyou sir!"

Ilan sa mga sigaw ng kaklase ko kaya naman lalong lumawak ang ngiti ni sir"Well may problema lang ng konti dahil nalimutan ko sya sa condo ko kaya naman lalabas kami upang kunin yon"paliwanag nya na nakapagpasaya sa iba ngunit nakapagpagulat saming magkakaibigan

"Charli sabi sayo hindi maganda to eh"dinig kong bulong ni zera

"Kung sumama nalang tayo?"sagot naman ni charli

"Isasama ba tayo ni sir?"bulong pa ni zera

"So class since isang student lang raw ang pwede kong isama palabas ay si miss mendez nalang ang isasama ko since sya naman ang ginawa kong president ng sports club"sambit pa ni sir

"Sir bakit si hanarye pa? Pwede naman ako nalang"sabat nung isang kong classmate na laging masama ang tingin sakin

"Or pwede rin ako sir"sagot naman nung kaibigan non

"Girls like what I said si miss mendez ang ginawa kong president sa sports club"sagot ni sir

"Mas maganda naman kami sakanya"

"Bat ba laging sya?"

"Hindi naman sya maganda"

"Saka diba may boyfriend na sya?"

Dinig ko sa likod "Excuse me mga mapapanget at malalanding babae? Pwede ba? Si sir ang namili kay hanarye kaya wag kayong magbubulong dyan ng malandi si hanarye!"sigaw ni zera

"What happend?"tanong ni sir

"Etong mga mahaharot na to sir, sinasabihan si hanarye na malandi kesyo si hanarye raw kase yung isasama mo"sumbong naman ni charli

"Girls ayoko ng way nyo ng pagtingin sa kapwa nyo babae, pareho-pareho kayong babae dapat nagtutulungan kayo hindi naghihilahan pababa"sambit ni sir na nakapagpayuko sa mga babae sa likod

"Sorry po"sambit nung isa kaso b*tch tone!

"Okay class aalis na kami at sana walang mang-yaring gulo dito habang wala pa ako"sambit nya at saka tumingin sakin"Hanarye? Let's go"nakangiti nyang aya sakin

Tinignan ko muna si zera at charli saka tumango

Sabay kami ni sir na lumabas sa classroom at nagpunta muna kami sa office para magpaalam na ako ang isasama ni sir

Nung makalabas na kami ay nagpunta na kami sa kotse ni sir at agad na sumakay, sumakay ako sa likod upang hindi ko makatabi si sir

"May dala ka bang phone hanarye? Nakalimutan ko kasi yung phone ko eh"sagot nya

"Wala po eh"pagsisinungaling ko

"Ah sige hintayin mo ako sandali dito ha? Babalikan ko lang yung phone ko"paalam nya saka bumaba ng kotse

Napatingin ako sa phone na tinago ko sa bulsa ko

'This is not my phone'

Maya-maya lang ay nakita ko na si sir brenn na papunta na sa kotse kaya tinago ko na muli yung phone

"Okay na, Let's go"sambit nya kaya naman tumango nalang ako

Habang nasa byahe nakatingin lang ako sa bintana at tinatandaan ang mga lugar na aming dinadaanan

At maya maya lang ay huminto na kami sa isang malaking building

'Dito pala sya'

"Dito po pala kayo sa red haus condominium"sambit ko sakanya habang nakatingin sa labas

"Uhmm yes...Let's go"tanong nya saka bumaba sa kotse kaya naman pati ako ay bumababa na rin

Pumasok kami sa building at pumunta sa elevator"Anong floor po?"tanong nung babae

"8th floor"sagot ni sir kaya naman pinindot nung babae ang number 8

'Masyadong mataas'

Nung makarating na kami sa 8th floor at hinanap na ni sir ang room nya, huminto sya sa room 592

'Room 592'

"Room 592 pala kayo sir"sambit ko

"Uhmm...yes"sagot nya saka kinuha yung susi nya sa bulsa

"Nagkaroon din po kasi kami ng room 592 sa hotel dati"sagot ko pa

"Really? What a coincidence"sambit nya saka tuluyang pumasok sa room

Merong isang kwarto pagpasok mo sa condo nya at tingin ko dun sya natutulog

"Ako nalang magbaba nung mga gifts and magstay ka muna dito dahil for sure makakadalawang balik ako"sambit nya kaya naman tumango nalang ako

Sinimulan na nyang kunin ang 'gifts' at ilagay sa plastic kaya naman ako ay naupo muna sa sofa

"Feel at home, lalagay ko muna to sa kotse"sambit nya saka lumabas

Kaya naman nung paglabas nya ay tinignan ko ang buong paligid at nakita kong nakabukas ng konti ang kwarto nya

Tumayo ang at tinignan ang picture frame sa kabilang side ng sofa sa may side table, nakita ko ang picture ng magkahawak ang kamay na babae at lalaki at sa isang picture ay si sir at girlfriend nya yata to

'Ang ganda nya'

Inikot ko pa ang paningin ko at may pilit na nagtutulak sakin na pumasok ako sa kwarto na nakabukas ng konti ang pinto

Kaya naman tumayo ang at lumapit sa kwarto at saka pumasok at laking gulat ko ng makita ko ang isang white board at hindi ako makapaniwala sa mga nakalagay

'Bigla akong kinilabutan'

Hindi ko alam pero ilang minuto akong nakatitig sa white board hanggang sa...

"Hanarye?"tawag ni sir mula sa labas kaya naman nagmadali akong lumabas sa kwarto at saka bumalik sa sofa

'I can't believe on what I see'

Hello! Thankyou for reading this chapter hope you like it! hehe

Sorry for the errors and wrong grammar pati na rin sa typo hehe

Follow me and vote this chapter for more updates!

Lablabbb!

Mwuahhh!

~BlackSunshine

Dreaming You✔Where stories live. Discover now