HANARYE'S POV
Nauwi raw sila kuya ng madaling araw sabi nila..
'San kaya sila galing?'
Ngayong araw ay bibili na ako ng mga gamit ko para sa pasukan saka mag-eenroll na rin ako
Pero bago ang lahat ng yon ay mag-a-update muna ako kaya kasalukuyan akong nakaupo sa study table ko at nagsimula nang magsulat
Lumipas ang ilang minuto nadinig kong bumukas ang pinto at alam ko na kung sino yon
"Apaka aga namang update nyan"sambit ni ace nung makalapit sakin at natawa naman ako nung naglapag sya ng strawberry milk"What?"tanong nya habang nasa labi nya pa yung straw ng gatas nya
"Really ace? Umagang-umaga? Strawberry milk? Pfft"tanong ko sakanya at saka sya nagpout
'Pacute!'
"Nangelam ba ako sa update mong maaga?"tanong nya
"Okay, Pffft"sagot ko saka nagtuloy sa pagta-type
"Bat ba kasi ang aga naman nyan?"inis na tanong nya
"Kala ko ba hindi ka nangengealam?"tanong ko sakanya nang hindi inaalis ang tingin sa laptop
"Aish bat nga ang aga nyan?"inis na tanong nya
"Aalis kasi ako"sagot ko ngunit hindi pa rin tumitingin sakanya
"At san ka naman pupunta? HIndi pa nga magaling yang labi mo"sambit nya
"May bibilin lang"maikling sagot ko ngunit nagulat ako nung iharap nya yung mukha ko sakanya
"Kausap kita kaya dapat sakin ka lang nakatingin"masama na ang tingin nya sakin
"Ace may ginagawa ako"tinabig ko ang kamay nya at saka nagpatuloy sa aking ginagawa
"Aish! Ano ba kasi bibilin mo?"irita na yung boses nya
Tumingin ako sakanya at nakanguso nanaman sya!
'Pacute'
"Aalis ako dahil bibili ako ng gamit ko para sa school saka mag-e-enroll na rin ako"sagot ko sakanya
"Hindi ba ako pwede sumama sayo?"tanong nya
"Pwede naman basta wala kang gagawin"sagot ko at nakita ko naman na ngumiti sya
"Okay! Bilisan mo dyan at maliligo na ako!"sagot nya sakin at saka nagmadaling umalis ng kwarto
'Bakit parang ako pa yung naging mabagal? Diba sya lang naman yung sasama ko? Aish'
Tinapos ko na yung chapter na sinulat ko at agad din itong pinublish
Pumunta na ako sa cr upang makaligo na, at nang matapos akong maligo at nagsuot lamang ako ng black jeans at saka off shoulder na white at syempre converse na black
Inayos ko ang buhok ko at naglagay na rin ako ng konting kolorete sa mukha, Matapos ang pag-aayos ay tinignan ko ng buo ang sarili ko sa salamin at ang tanging umagaw sa aking atensyon ang infinity na kwintas ko
'Ang ganda..'
"Love? Are you done?"tanong ni ace mula sa labas ng pinto
"Wait lang!"sigaw ko at saka kinuha yung bag ko na maliit na naglalaman ng mga papers ko para sa school at pati na rin yung phone ko saka wallet
Bago ako tuluyang lumabas ay nagspray ako ng pabango ko na may amoy strawberry
Lumabas na ako at sumalubong agad yung amoy ni ace sakin
YOU ARE READING
Dreaming You✔
Teen FictionA girl that loves to write a story, but only her friends can read it because she's a type of girl that thinks what other would say about her story... and she doesn't want to embarrass herself to other people if they'll know that she's the author of...