Chapter 22

1 1 0
                                    

HANARYE'S POV

Two months later...

Sobrang tagal ko to inantay! Grabe bukas na ang kauna-unahan kong booksigning!

Gabi ngayon at kakatapos lang namin kumain at nasaloob ako ng kwarto ko

'Grabe yung puso ko! Parang lalabas sa sobrang tuwa'

Nagulat ako nang may kumatok sa pinto"Bukas yan!"sigaw ko

Pumasok si ace habang may dalang bulaklak at libro, hindi ko pa alam yung libro na yon ah

Lumapit sya sakin at ngayon ko napansin na may dala rin pala syang matcha at saka strawberry milktea, natuwa ako dahil hindi nya pinilit ang sarili nya na uminom ng matcha

"Congrats my love"nakangiti nyang sambit at saka inabot sakin yung libro at bulaklak

"Thanks ace"sagot ko sakanya at saka kinuha ang matcha"Para saan to"nakangiting tanong ngunit nawala ang ngiti nya

'M-may problema ba?'

"Aceerian?"tawag ko sakanya kaya tumingin sya sakin

"I'm sorry vyera"sambit nya

"H-huh? I don't get in"tinignan ko sya at ang mga mata nya ay puno ng kalungkutan

'What happend?'

"My love kasi.."yumuko sya

"Kasi?"tanong ko

"H-hindi ako makakapunta bukas"sambit nya at saka napakagat pa sa labi

"H-huh? B-bakit?"gulat na tanong ko

"Sasamahan ko kasi si khatelyn bukas..M-may kailangan syang puntahan"sagot nya sakin

'Khatelyn? Ex nya yon diba?'

"A-ahhh okay lang"sagot ko at saka ngumiti ng pilit

"Ayos lang sayo?"tanong nya"Nagpasama lang kasi sya, hindi ko naman matanggihan kasi dib--"pinutol ko yung sinabi nya

"Bakit mo naman tatanggihan? Mahal mo yon diba?"nakangiting sagot ko

"Vyera hindi sa gano--"di na nya natapos

"Hindi okay lang talaga sakin"nakangiti ko pa ring sagot, humikab ako"Ahmm..ace? Inaantok na kasi talaga ako eh, kailangan ko pang gumising ng maaga para bukas"sambit ko at saka tumayo, pumunta ako sa may pinto at saka yon binuksan

Sumunod naman sakin si ace kaya inalalayan ko sya makalabas"Vyera hindi talag--"pinigil ko muli ang sasabihin nya

"Ayos lang talaga ace, goodnight"nakangiting sagot ko at saka sinara yung pinto

'Ang kirot mo sa puso'

=KINABUKASAN=

Hanggang ngayon ay masama pa rin ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni ace

Lumabas ako para kumuha ng pagkain at narinig ko sa kanila na maagang umalis si ace

'Aish masyado yatang naexcite sa ex nya, baka pag-uwi dito nyan ha baka dalin nya pa dito, pero ayos lang mag papasukan na hindi ko na sila kailangan makita'

Pumasok ako muli sa kwarto ko at doon nalang kumain, tinignan ko ang mga tweets ng hoodies at nakakatuwa sila!

:Omo! Mamaya na yung booksigning ng asawa ko!

:Nakakaexcite naman! Makikita na namin si blackhoodie

:Grabe gusto ko nang bumilis ang oras! para naman makasama ko na si blackhoodie

Dreaming You✔Where stories live. Discover now