Chapter 50

3 0 0
                                    

HANARYE'S POV

Its been 5 months simula nung aksidente ni Ace at hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nagigising, kumalat na rin ang balita kung kaya't halos lahat mg fans ni Ace ay dumadalaw ngunit nasa labas lang sila ng room at sumisilip

"Hanarye!"tawag ni Khatelyn na kababalik lang galing japan, nag-out of town kasi sila ng pamilya nya nung una ayaw nya pang sumama dahil sa sitwasyon ni Ace ngunit sinabi ko na ako na ang bahala sa lahat

"Khate!"sinalubong ko sya ng isang malaking ngiti at saka niyakap"Kamusta ka?"tanong ko sakanya nang matapos kaming maghiwalay

Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa"Ikaw ang kamusta! Ang payat payat mo na Hanarye! Masyado kanang naiistress!"sambit nya habang hawak ang dalawang kamay ko

"Ano ka ba okay lang ako no!"natatawa kong sagot

"Hanarye pwede kang magpahinga ah, hindi madali yan nag-aalaga ka ng naka-coma tas nag-aaral ka pa"kita lo sa mga mata nya ay naawa sya sakin"Tas tignan mo yang sarili mo! Sobrang payat at putla mo na! Kulang kana ata sa dugo"dugtong nya pa

"Okay lang talaga ako Khate, saka..gusto ko rin namang tong ginagawa ko"nakangiti kong sagot

"Try mo kaya magpacheck up! Kasi iba yang putla mo e"suhestiyon nya ngunit agad ako tumanggi

"Hindi na no! Wala naman akong nararamdaman na iba bukod sa antok"sagot ko ngnit mukhang hindi sya natuwa sa sagot ko

"Yun nga e, baka mamaya anemic ka na! Lack of sleep! Paglumalala yon pwedeng maging luekemia"hindi ko alam pero parang nananakot sya

"Saka na paggising na si Ace"tanging nasagot ko dahil pumasok na si Tristan na bagong dating lang rin galing ng probinsya nila

"Hanarye!"sigaw neto sabay sugod ng yakap, wala naman na akong nagawa kundi tanggapin ang yakap nya"Namiss kita!"sabi nya habang nakayakap pa din

Bigla namang bumukas ang pinto ay pumasok si Kuya"Hoy Tristan!"agad namang napalayo sakin si Tristan dahil hinatak pala ni Kuya

"Ano ba yon Kuya?!"inis nyang tanong

"Anong Kuya baka gusto mo ngayon palang ay bumalik kana sa probinsya nyo"pananakot ni Kuya

"Joke lang naman pareng Kevin hindi ka naman mabiro"napakamot nalang sya sa batok nya

"Grabe ka makayakap kay Hanarye! Manyak ka talaga!"sigaw nya kay Tristan

"M-man--ano?! A-ako? Manyak?"gulat na gulat sya sa sinabi ni Kuya

"Oo ikaw! Manyak ka!"pag-uulit ni Kuya

"Hindi ba pwedeng namiss ko lang si Hanarye?"tanong nya

"Hindi! Manyak ka talaga! Hindi lang naman si Hanarye ang tao dito pero bat si Hanarye lang ang niyakap mo?"naghahamon na tanong ni Kuya

"Kase hindi ko naman namiss si Khatelyn duhhh"sambit nya sabay irap kay Khatelyn

Agad namang tumawa si Khatelyn"Wala ka pa ring pagbabago Tristan, siguro kulang pa yung 5months nating hindi pagkikita para magmature ka"sambit ni Khatelyn na agad namang kinagalit ni Tristan

"Siguro den kulang pa yung 5months para gumanda ka kase panget ka pa rin hanggang ngayon!"parang batang sambit ni Tristan

"Tristan"saway ko sakanya, tumingin sya sakin ng nakanguso

"Pero Hanarye sya ang nauna hindi naman ako"sambit nya sakin at saka ngumuso ulit

"Totoo naman yung sinabi ni Khatelyn, abnormal ka pa din"sabat naman ni Kuya kaya lalong ngumuso si Kevin

Dreaming You✔Where stories live. Discover now