SOMEONE'S POV
Nandito ako ngayon sa isang clinic sa baguio, magpapacheck na ako dahil hindi kona gusto ang mga nararamdaman ko
'Sana naman wala akong sakit na malala..'
"Bakit ka naparito? May bakasyon ba kayo muli ng iyong pamilya?"tanong ng aking naging isa sa mga doctor ko noon
"A-ako lang po mag isa...ang sinadya ko po talaga dito ay magpapacheck-up po sana ako muli sainyo"sagot ko sa dalawang tanong nya
"Magpapacheck-up? Tila sobrang layo naman ng pinunta mo para lang mag pacheck-up sakin"takang tanong nya kaya napakagat nalamang ako sa aking labi
"Uhmm...mas layo po kasi yung doctor ko sa cebu saka states"palusot ko sakanya
'Maniwala kana please..'
"Wala bang ibang doctor na malapit sa lugar nyo?"tanong nanaman nya
"Meron naman po ngunit..isa kana po kasi sa nakakaalam ng sakit ko noon"paliwanag ko
'Ang totoo pwede naman akong magpacheck-up sa mga clinic na malapit sa dorm...ang hindi lang pwede ay ang makita ako ng mga kaibigan ko'
"I see..."sambit nya habang tumatango"Ano ba iyong nararamdaman?"tanong nya sakin at deretsong deretso ang tingin nya sakin
"Bumabalik po kasi ang pagkahilo ko at pagdugo ng aking ilong"sagot ko sakanya"Saka po nagkakaroon na po ako ng maliliit na pasa..hindi ko po alam kung saan nanggagaling"napakagat ako sa aking labi dahil natatakot ako sa magiging sagot nya
"Gustuhin ko mang ibahin ang iniisip ko ngunit hindi maiwasang pumasok sa isip ko na baka bumalik ang sakit mo..."sagot nya sakin, agad namang nangilid ang luha ko
'Ang sakit ko?'
"M-may pag-asa po bang b-bumalik ang sakit ko noon?"nanginginig na tanong ko
"Hija..lahat ng klase ng leukemia ay pwedeng bumalik lalo ngayon na matanda kana"sagot nya sakin na lalong nagpabigat ng loob ko
"G-gagaling po ba ulit ako?"hindi maiwasang umiyak dahil sa takot
"Hindi ko alam ang sagot dyan hija.."sagot nya sakin kaya naman ang mga luhang kanina pa pinipigil ay bumagsak na"Pero siguro kaya mong gumaling muli dahil nung bata ka nga gumaling ka malay natin ngayon diba?"pagpapalakas nya sa loob ko ngunit kahit na anong sabi na nya yata ay hindi ko na kayang ngumiti
"Mamamatay na po ba ako?"umiiyak na tanong ko
"Wala pa tayong kasiguraduhan kung bumalik nga ang sakit mo hija.."tanging sagot nya sakin
"Pano po ba malalaman kung may bumalik na po yung leukimia ko?"tanong ko sakanya at pinunasan ang aking mga luha
"I will conduct a complete blood count to determine if you have leukemia"saad nya sakin"The test may reveal if you have leukemic cells. Abnormal levels of white blood cells and abnormally low red blood cell or platelet counts can also indicate leukemia"dugtong nya pa
"K-kelan po ba ako pwede magpatest?"kabadong tanong ko dahil magpapatest ako nang hindi alam ng magulang ko?
"As soon as posible dapat hija, para maagapan na agad kung meron man"sagot nya sakin kaya tumango nalang ako"Alam ba ng parents mo tong nararamdaman mo?"biglang tanong nya
"Balak ko na pong sabihin sa kanila mamaya.."sagot ko kahit hindi talaga yon ang gagawin ko
"That's good to hear, kala ko, ako pa magsasabi"natatawang sambit nya"sabihin mo na agad para naman masamahan ka nila sa mga test mo"dugtong nya pa kaya tango nalang ang aking sinagot
YOU ARE READING
Dreaming You✔
Teen FictionA girl that loves to write a story, but only her friends can read it because she's a type of girl that thinks what other would say about her story... and she doesn't want to embarrass herself to other people if they'll know that she's the author of...