HANARYE'S POV
Dumaan ang araw simula nung tawagan ako ni kevin
At natapos na rin ang aming school year it means bakasyon na namin!
Nagpasama ako kay zera ngayon sa mall upang bumili ng hoodie bukas na kasi ako pupunta sa dorm
Sasama sana namin si charli ngunit mamaya na raw ang lipad nya papuntang canada
"Para saan ba yang hoodie na bibilin mo? Mag papakita kana ba sa mga fans mo?"tanong ni zera
"Ahhm..hindi para lang may reserba"sagot ko nalang dahil mahigpit na pinagbabawal na ipagkalat ang author's dorm
"Buti nalang ngayon ka nagpasama sakin, kasi bukas susunod na ako kaila mommy sa probinsya para don magbakasyon"sagot ni zera
"Pasalubong ha?"natatawa syang tumango
Pumasok kami sa isang kilalang boutique at pumunta kami sa men's items dahil mas malaki ang makukuha kong hoodie pag dito ako pumili
"Hanarye titingin lang din ako ha?"paalam ni zera kaya tumango nalang ako
Nagpatuloy ako sa pag hahanap ng may makabunggo saking lalaki kaya nahulog yung tinitignan kong hoodie, nakacap sya at napatingin sakin
'Nananaginip lang ba ako? Si kevin nazra! Nasa harap ko ngayon!'
"Oh sorry"pinulot nya yung hoodie"Nice hoodie"nakangiti nyang inabot sakin yon pero tinignan ko lang yon dahil ang gwapo nya!"Miss? Look? Hindi naman ganon kalakas yung pagbangga ko sayo right? Pero kung nasaktan ka talaga..sorry"dugtong nya pa"Miss?"winave nya pa yung kamay nya sa mukha ko
"Oh? Sorry"kinuha ko sakanya yung hoodie at saka yumuko, narinig ko naman syang natawa
"Are you okay?"tanong nya pa kaya medyo tumango nalang ako"Bakit ka dito tumitingin? Bibigay mo ba sa boyfriend mo?"tanong nya pa muli
'Gwapo ka sana chismoso ka lang'
"Wala akong boyfriend"sagot ko pa rin habang nakayuko
'Syet? Ano gagawin ko?'
"Reader ka ba?"natatawang tanong nya
"Y-yes"utal na sagot ko
"I see kaya pala ganyan ka"natawa nanaman sya
Tumalikod na ako sakanya saka pumunta muli sa mga hoodie, siguro dapat yung pinaka malaki na yung kunin ko
Kumuha ako ng 3XL at tinapat ko sakin para tignan kung gaano kahaba
"Masyadong malaki yan"sagot nung nasa likod ko
"Ay killer!"sigaw ko saka muntik na mabitawan yung hawak ko pero nahawakan nya agad
"Easy, it's me again"sambit nya saka inabot sakin yung hoodie
"Bakit ka ba kasi nanggugulat?!"sigaw ko sakanya
"Magtatanong lang sana ako kung ano magandang hoodie, pfft"sagot nya habang nagpipigil ng tawa, tinignan ko ang sarili ko at nakahawak pa rin pala ako sa may puso ko
"Ayan oh! Kung ano magustuhan ng mata mo kunin mo!"sambit ko saka astang aalis na ngunit hinawakan nya yung kamay ko
"Pano ba yan? Nagustuhan ka ng mata ko? Pwede na ba kitang kunin?"tanong nya saka nag smirk!
Agad kong hinatak yung kamay ko dahil nahihiya ako!"Hoodie ba ako?"inis na tanong ko
"Kahit hindi ka hoodie, nagustuhan kita"nag wink pa sya!
YOU ARE READING
Dreaming You✔
Teen FictionA girl that loves to write a story, but only her friends can read it because she's a type of girl that thinks what other would say about her story... and she doesn't want to embarrass herself to other people if they'll know that she's the author of...