Chapter 42

0 0 0
                                    

HANARYE'S POV

Ilang araw ang nakalipas at apaka daming gawain, hindi ko alam kung talagang madaming gawain o sadyang naging tamad lang ako

Linggo ngayon at nandito ako sa author's dorm dahil tanghali pa naman ang pasok ko bukas, hindi ko alam ang gagawin ko sapagkat timatamad ako, meron kaming biglaang research at gustuhin ko mang gawin ngunit tinatamad ako

'Gusto kong kumilos ngunit ayaw ng katawan ko'

Narinig kong tumunog ang phone ko kaya tinignan ko ito

From: Zera

Hanarye natapos mo na yung research?

Tanong nya at nararamdaman kong tapos na sya sapagkat nagtatanong na sya

To: Zera

Hindi pa e, ikaw ba?

Tanong ko din sakanya at agad naman syang sumagot

From: Zera

Oo kakatapos lang, nagtext na din sakin si charli, tapos na rin daw sya...ikaw ba?

Sagot nya sakin at pati si charli?! F*ck kailangan ko nang kumilos!

To: Zera

Tatapusin palang, sige mamaya nalang

Sagot ko sakanya at bumangon sa pagkakahiga"Kilos hanarye!"sambit ko saka tinapik ang aking sarili

Umupo ako sa aking study table at nilabas ang laptop ko at saka tinitigan ito"Ano gagawin ko sayo?"tanong ko habang tinigtignan ang repleksiyon ko sa screen

Tinignan ko ang mga dapat iresearch at ang dami neto! Nakakatamad

'Hindi ko alam ngunit habang tumatagal ay patamad ako ng patamad'

Nagsimula na akong pagtatype ng kung anong maresearch ko at hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko

Matapos ang ilang page na ginawa ko at yumuko muna ako sandali sapagkat marami pa akong gagawin at hahanapin pati na rin pag-aaralan!

'Ang tamad ko naa!"

Nagulat nalang ako ng may magbaba ng kahon na maliit at sa tingin ko ay kahon yon ng gatas"Tired?"tanong ni aceerian sa likod ko kaya naman nag-angat ako ng tingin at umiinom din sya ng gatas

"Strawberry boy"sambit ko saka kinuha ang nilapag nya sa lamesa

"Are you tired?"tanong nya muli

"Medyo?"sagot ko saka himigop ng gatas

'Sakto sya lagi, tuwing pagod ako laging sya ang pahinga ko'

"Akin na, ako na gagawa nyan"sambit nya sakin at saka ako tinayo mula sa aking upuan

"Luh? Alam mo ba yan?"tanong ko kahit gusto ko na agad pumayag sapagkat tinatamad na talaga ako

"Tapos ako ng nursing duhh"sagot nya gamit ang tono ng aking pananalita

"Sabagay, sige gandahan mo yan ha"sagot ko na kunwaring na pipilitan lang, umiling lang sya kaya naupo nalang ako sa may kama

"Ano to? Puro copy paste lang? Halos lahat yata to nakuha lang sa internet"sambit ni aceerian habang tinitignan lahat per page

"Hoy may konti namang akin dyan"sagot ko

"Konti? Asan?"tanong nya saka tumingin sakin

"Ehh love tinatamad na kasi talaga ako"sagot ko saka ngumuso

Dreaming You✔Where stories live. Discover now