Chapter 46

3 0 0
                                    

HANARYE'S POV

Ligtas kaming nakauwi kahapon, hindi ko inaasahan na ganon ang magiging trato sakin ni Khatelyn...napakabait nya sakin kahit nung matapos na yung vlog nya

'Bagay na bagay ang mukha nya sa kanyang ugali..parehong maganda'

Halfday lang kami ngayon at lubos kong kinagagalak yon dahil pwede pa akong bumili ng regalo para kay Aceerian bukas!

'3 years na kami bukas! Grabe ang bilis ng panahon! Parang kahapon lang ang una naming pag-kikita!'

"Girl! Day dream ka nanaman dyan?"biglang sambit ni Zera sa harap ko, isang subject nalang kasi ang inaantay namin para makauwi na

"Hanarye!!!"sigaw ni Charli na nasa pinto palang patakbo samin

"Girl ano? Wang-wang ka? Ang ingay mo!"salubong sakanya ni Zera

"Shut up."tanging sagot sakanya ni charli saka tumingin sakin

"Hmm?"nagtataka kong himig

"Guest what?!"masaya nyang tanong kaya pati si Zera ay tumabi sakin"Maaga kanang makakabili ng regalo!"tuwa nya pangdugtong"Wala si Sir ngayon!"sigaw nya at tumatalon pa

"Really?"tuwang tanong ko rin at napatayo, masaya syang tumango kaya sabay na kaming tumalon-talon

'Nararamdaman ko kasing madami akong bibili para kay Aceerian dahil hindi kona sya pwedeng isurprise dahil nagawa ko na yon nung second anniversary namin'

"Kaso..."napatigil kaming dalawa nung magsalita sya"Sandali lang tayo sa mall ha? Kasi pinapauwi ako ng after lunch ni dad"malungkot nyang mukha

"It's okay, mabilis lang din naman yon, panglalaki naman ang bibilin natin hindi naman para sa atin kaya mabilis lang!"pilit kong binuhay ang boses ko dahil ayokong maging masyadong abala sa kanila, aniniversary ko to tas sila na-aabala

'Babalik nalang ako sa mall pag may kulang'

"Sure ka?"nalulungkot nyang tanong

"Oo naman, saka nandyan naman si Zera kung umuwi kana e"turo ko kay Zera na tumango agad

"Okay, promise bukas tutulong ako ng madami kung ano man ang gagawin"maligalig na nyang sambit kaya tumango kami sakanya at sakto namang tumunog na ang bell

Kinuha na namin ang mga gamit naman at ang iba ay nilagay sa locker, sabay-sabay na kaming pumunta sa labas at sakto namang nandoon na si manong para sunduin kami, wala ang sasakyan nila Zera dahil nga sasabay sila sakin

"Manong sa mall po tayo"sambit ko bago pumasok sa kotse, sumunod naman agad sila zera

Nang makarating kami ng mall ay 10 AM sakto kaya naman dumiretso na kami sa bilihan ng sapatos

'Si Aceerian yung tipo ng lalaki na hindi magastos sa sarili, kaya mga ganitong bagay nalang ang ibibigay ko sakanya'

Kumuha kami ng tag-tatatlong sapatos at lahat yon ay para kay Aceerian, pumunta kami sa mens section para sa mga damit, hindi ko alam pero bawat tingin ko sa mga damit na nahahawakan ko ay babagay agad sakanya ang mga ito, kaya lagay lang kami ng lagay

"Hanarye pag ako nagkaboyfriend ha, tulungan nyo rin ako"sambit ni Zera habang namimili pa ng mga damit

"Magboyfriend ka muna"sabat ni Charli na namimili rin ng damit

"Nagsalita ang may boyfriend"sagot lang sakanya ni Zera

"That's not my priority pa kase"sambit ni Charli, napailing nalang ako sa dalawa at patuloy na naghanap ng damit

Dreaming You✔Where stories live. Discover now