HANARYE'S POV
"Hanarye!"dinig kong sigaw ng isang lalaki ngunit hindi ko ito binigyan pansin
"Khatelyn please?"patuloy na pagmamakaawa ko
"Hanarye.."tawag nya sakin habang papalit-palit ang tingin sa akin at sa lalaking papalapit
Naramdaman ko na lamang na may nag-angat sakin pataas"Ano bang ginagawa mo?!"galit na sambit ni Kuya
"K-kuya"napakagat ako sa labi ko saka tuluyang umiyak
"Khatelyn anong ibig sabihin neto?!"sigaw nanaman ni Kuya"Bakit mo sya pinaluhod?! Bakit sya nagmamakaawa sayo?!"apaka lakas ng boses ni Kuya at ramdam na ramdam ko ang galit sakanya
"Kevin, hindi to tulad ng iniisip mo"paliwanag ni Khate, hindi ko makuhang magsalita dahil pakiramdam ko ay babagsak ako anytime
"E anong nga?!"sigaw nanaman ni Kuya
"K-kevin---"hindi natapos ang sasabihin ni Khate dahil biglang may sumabat
"Bakit mo sinisigawan si Khate?"tanong ng isang lalaki na kilalang kilala ko ang boses kaya napalingon ako
"A-ace"mahinang sambit ko kaya napatingin rin sila Kuya
"Aceerian! Hindi ka pa dapat lumalabas ng kwarto"agad na sambit ni Khate at umalalay
"Bakit mo sinisigawan si Khate?!"galit na sigaw ni Ace"Dahil ba sa babaeng to?"tanong ni Ace sabay turo sakin
'Kung ituro nya ako ay parang wala lamang ako sakanya'
"Kala ko ba ayos na Hanarye? Kala ko ba hindi naman ako yung boyfriend na hinahanap mo? Anong ginagawa mo kay Khatelyn?!"sigaw nya mismo sa harap ko
Wala akong magawa kundi ang umiyak at tanggapin lahat ng sinasabi nya dahil ayokong manghina sa harap nila
"Ano ganon kana ba kadespirada?! Para makuha ako?!"sigaw nanaman nya
"Siraulo ka!"sigaw ni Kuya at astang susuntukin ito
"Kuya!"sigaw ko at umiling
"Ikaw Kevin? Dahil sa babaeng yan sinisigawan mo si Khate? Bakit sino ba yan? E hindi mo nga kadugo yan!"nandudurong sambit ni Ace kay Kuya
"Aceerian tumigil kana"sambit ni Khate
"Wag na wag kana uling magpapakita dito, lalo na sakin"duro ni Ace saka tumalikod
Pagtalikod nila ni Khate ay sakto namang pagdating ni Tristan"Anong nangyari? Bakit nasa labas si Ace?"tanong nya samin ngunit walang sumagot sakanya"Teka, bakit ka umiiyak?!"gulat na tanong nya sakin"Dahil ba kay Ace? Siraulo talaga yon!"sambit nya sabay astang aalis ngunit hinawakan ko sya
"Pabayaan mo na sya"nanghihinang sambit ko at astang lalakad na muli ako ngunit naramdaman ko na lamang na ako'y unti-unting bumabagsak at nagdilim ang aking paningin
I'm sorry Ace
KEVIN'S POV
Nabigla kami ni Tristan ng biglang bumagsak si Hanarye
"Hanarye!"sigaw ni Tristan kaya naman pati sila Khatelyn na nasa malayo na ay napalingon
'Kasalanan mo to Aceerian!'
Agad kong binuhat si Hanarye at pumasok sa Hospital at sakto namang may Doctor kaya nadala agad si Hanarye sa isang kwarto
Makalipas ang ilang oras ay sabi ng Doctor ay nagpapahinga na lamang si Hanarye, sinabi rin sakin ng Doctor na kailangan nang magpagamot ni Hanarye dahil kung hindi ito maagapan agad ay maaring lumala ito
YOU ARE READING
Dreaming You✔
Teen FictionA girl that loves to write a story, but only her friends can read it because she's a type of girl that thinks what other would say about her story... and she doesn't want to embarrass herself to other people if they'll know that she's the author of...