HANARYE'S POV
Kanina pa ako nakapag-ayos ng gamit nadadalin ko sa dorm, ayon kasi sa nakalagay don mag-dala raw ako ng marami at importante kong gamit
Kaya lahat ng importante sakin ay dinala ko lalo na yung mga damit
Nang matapos akong mag habol ng ilalagay ko sa maleta ay naligo na ako para naman sa party na pupuntahan ko
Late na nga ako dahil ang sabi lunch raw simula ng party pero eto ako lunch na maliligo palang hehe
Matapos akong maligo at mag bihis ng isang simpleng black dress ay inayos ko ng kaunti ang buhok ko at nag lagay ng konting pang arte sa mukha
Pumunta ako sa may lalagyanan ko ng sapatos at tinignan kung ano ang pwede
'Sandals with heels?'
'Flat sandals?'
'White sneakers?'
'White converse? I think i like this'
Agad kong sinuot yon at saka pumunta sa salamin
'Black sleeveless dress and white converse with a curly hair'
Matapos kong ayusin ang lahat ay nagpahatid na ako sa party
Pagpasok ko palang ay nakatingin na sakin lahat ng bisita kaya naman pinakita ko nalang sa bantay yung sinend sakin ni mom na invitation, parang iniscan nung lalaki yung nasa phone ko then tumingin sakin
"Okay na po Ms.Mendez"sambit nya sakin kaya tumango nalang ako
Pagpasok ko ay pumunta ako sa table na sinabi nung waiter kasi don raw yung mendez and guess what? Ako lang ang mendez na pumunta dito!
May lumapit sakin na babae at tingin ko kaedad sya ni mom"Ikaw siguro si Hanarye?"tanong nya agad kaya tumango nalang ako"ako yung friend ng mommy mo, im tita candy"inabot nya pa sakin yung kamay nya kaya nakipag shake hands ako
"Hanarye Vyera Mendez"nakangiting sagot ko sakanya"Nice to meet you Tita Candy"dugtong ko pa muli
"Can i call you vyera? Pangarap kasi namin dati ng mommy mo ang pangalang yan at nag-usap kami na kung sino ang unang mag kakaanak ng babae ay don may bibigay ang pangalan na yan"paliwanag nya pa
"Sure thing tita, no worries"nakangiti pa ring sagot ko
"Let's go"dinala nya ako sa may mga pag kain kaya no choice ako kundi ang kumuha ng pag kain
'Im on a diet!'
Puro gulay lang ang kinuha ko at naupo na sa table ng Mendez! Aish!
Habang kumakain ako ay may naupo sa tabi ngunit hindi ko yon pinansin
"Gusto mo hanap na rin kita ng bermuda grass?"tanong nung tumabi sakin kaya napatingin ako
'K-kevin Nazra?!'
"Gulat na gulat nanaman yang mga mata mo"nakasmirk nya pang dugtong
"A-anong ginagawa mo dito?! Sinusundan mo ba ako?!"gulat na tanong ko
"Whoa! Easy hindi kita sinu--"hindi na nya natapos ang sasabihin dahil sumabat muli ako
"Siguro may nilagay kang tracking device sa hoodie na libre mo no?"pag hihinala ko pa
"Wait? What? Tracking Device? May nilagay ako sa hoodie pero hindi yo---"sagot nya ngunit na putol muli dahil si tita candy ay dumating
"Andito ka lang pala"salubong nya nung makalapit samin"Maraming salamat ulit sayo ah"nakangiti nya pang dugtong habang nakatingin kay kevin"Napasaya mo yung anak ko"hindi ko talaga naiintindihan ang nangyayari
YOU ARE READING
Dreaming You✔
Novela JuvenilA girl that loves to write a story, but only her friends can read it because she's a type of girl that thinks what other would say about her story... and she doesn't want to embarrass herself to other people if they'll know that she's the author of...