Chapter 11

3 2 0
                                    

HANARYE'S POV

Hindi ko alam kung magiging close ba ako kay black mask or ano eh kasi masyado syang sweet! Gusto ko yon pero naiilang ako dahil neto lang kami nagkakilala diba? Aish

'Paano ko nga ba pakikitunguhan yung sweetness nya? Owemji'

Tinawag na kaming lahat para sa lunch time at habang inaalala ang kahapon ay lumabas ako ng nakangiti, syet, pero ayos na rin dahil hindi naman kita

Kukuha lang ako ng pagkain at sa kwarto na ako kakain dahil nga sa mask ko, alam ko ganon din yung ginawa nung ibang author na nakamask eh tulad ni black mask

Pagdating ko sa table ay kumaway agad sakin si black mask kaya tumango nalang ako

'Ramdam ko pa rin yung sweetness syet!'

Kukuha na sana ako ng pinggan pero inabutan na agad nya ako

'Ang sweet!'

At kumuha na ako ng pagkain, nagsimula na rin silang kumain at nataranta kaming lahat nung parang? Nabilaukan si sofia?

Agad naman syang binigyan ni black mask ng tubig at saka hinimas ang likod nya"Okay ka lang? Hinay-hinay kasi"sambit nya pa sakanya

"Ayos na"sagot ni sofia, ewan ang girly ng boses nya samantalang ako parang naghahamon lagi

"Aish, dahan dahan sa pagkain ha?"sambit ni black mask at saka ginulo nya pa yung buhok ni sofia

'Mali pala ako..sa lahat pala sya sweet'

Pumasok na ako sa kwarto dahil baka mamaya kung ano pa isipin nila dahil nakatitig ako kanina kaila black mask

**

Nung matapos ako kumain ay binalik ko na sa kusina ang pinggan at kutsara at saka bumalik sa kwarto

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko! Nabobored na ako tanghali palang

Bigla namang may kumatok at inaasahan kong si black mask yon ngunit si kevin pala

"Can i come?"tanong nya habang nakadungaw sa pinto

"Sure"sagot ko sakanya at saka naupo sa higaan

Pumasok sya at saka tumabi sakin"May sasabihin lang sana ako.."sambit nya

"Ano?"tanging tanong ko

'Nakikilala nya kaya ako?'

"I like.."putol nya sa sinabi nya kaya tinignan ko lang sya ng may pagtataka

KEVIN'S POV

"I like.."hindi ko alam kung paano ito itutuloy!

'I know already that she is hanarye, sa maleta at sa hoodie palang, but last night nung pumasok ako kwarto ni ace ay nakita ko ang phone ni hanarye kaya binuksan ko yon habang nasa cr sya..wallpaper nya si ace'

'Nakakagulat man pero hindi ko na din pinakiaalamanan at kumatok nalang ako sakanya na hinihintay na sya sa labas kahit sinabi na ni ace na susunod raw si hanarye'

'Nung makabangga ko si hanarye sa mall natuwa na agad ako sakanya, kahit sobrang ingay nya ay nagustuhan ko sya kaya hindi ko mapigilang istalk sya, yung sa party? Alam kong pupunta sya dahil nakalagay sa guest list yung pangalan nya kaya nagdecide na akong mag special Guest don dahil alam kong nandon sya..'

'In that day, I know..I like her'

'Alam ko masyadong mabilis pero hindi ko din alam kung bakit ganon kabilis akong magkagusto sakanya'

Dreaming You✔Where stories live. Discover now