HANARYE'S POV
Kahapon nang matapos kaming makipag-usap ay inaya pa ako ni ace ng date, pumayag na ako dahil tinutungan naman nya ako ang kaso pag-uwi namin nung sinabi namin kung saan kami galing galit na galit si sofia pero pinigilan sya ni ace
Ngayon ay kasalukuyan akong nakahiga at iniisip pa rin kung bakit nagalit si sofia
'Ano kayang meron?'
Tinext ko si isabella kung pwede syang pumunta dito ay sumagot naman sya agad na mag-aayos lang sya sandali
Maya-maya lang ay kumatok na sya
"Pasok"sigaw ko kaya naman pumasok na sya at agad na tumabi sakin
"So anong meron?"tanong nya
"Tatanong ko lang sana sayo kung alam mo bakit nagalit si sofia kahapon"nahihiyang natanong ko
"Yon ba? Hindi ko din alam eh, baka masyado lang syang hibang"natatawang sagot nya
"Sira"sagot ko sakanya"Matagal nyo na bang kilala ang isa't isa?"tanong ko sakanya
"Oo naman at alam mo ba sa tagal na naming magkakakilala? Ngayon lang ako kinakausap ni kevin at dahil sayo yon"masaya nyang sambit
"Gaano na kayo katagal magkakakilala?"tanong ko
"More than 10 years? Kasi nag simula kami katulad mo lang kami or mas bata pa kami sayo non at ngayon tignan mo tapos na kami ng pag-aaral, kaya sobrang tagal na talaga namin"sagot nya sakin
"So kung more than 10 years na edi alam nyo yung pinag-dadaanan ng iba?"tanong ko muli
"Oo naman"nakangiti nyang sagot
"So bakit ayaw ni aceerian sa strawberry milk?"tanong ko at nagulat naman sya
"Binigyan mo sya?"gulat na tanong nya
"O-oo diba kasama yon nung inayos natin yung room nya"sagot ko sakanya
"Syet! Oo nga no! Nalimutan ko!"sigaw nya, seryoso lang natatakot nako kasi baka bawal talaga si aceerian sa strawberry
"S-so bakit nga?"tanong ko muli
"Kasi noon, favorite talaga ni ace ang kahit anong strawberry lalo na ang milk then nag karoon sya ng girlfriend then yung girl na yon ayaw naman nya ng strawberry, so si ace ay inayawan na rin nya ang strawberry at sino mang magbigay sakanya non ay nagagalit sya"paliwanag nya
"Break na sila nung girlfriend nya?"tanong ko muli
"Oo naman no, matagal na syang iniwan ni khatelyn"sagot nya
"Kung ganon bakit hanggang ngayon hindi pa rin sya uminom ng strawberry milk?"tanong ko pa, hindi ko alam pero mas gusto kong makilala si ace
"Ang alam ko kasi kaya yon ginagawa ni ace kasi iniisip nya kapag hindi nya ginawa ang ayaw ni khatelyn baka balikan na sya" sagot nya muli"Sayang naman yung mga strawberry milk no?"nang hihinayang na sambit nya
"Bakit sayang?"tanong ko sakanya
"kasi for sure nasa basurahan na yon ngayon"sagot nya
"Paano pagsinabi ko sayo na ininom nya ang mga yon, maniniwala ka?"tanong ko
"Seryoso ba?"tanong nya
"O-oo?"alangan na sagot ko dahil baka magalit sakin si ace dahil sinabi ko sa iba
"Pano?"tanong nya
"N-nung isang gabi kasi pumunta sya dito umiinom non then binigyan nya pa nga ako eh"paliwanag ko
"Legit?!"masaya nya tanong at tumango nalang ako"Owemji! naka move on na si ace!"sigaw nya pero tinakpan ko ang bibig nya
"Huy ano ka ba! baka may makarinig sayo!"bulong ko sakanya habang nakatakip pa rin ang kamay sa bibig ngunit tinanggal nya yon at saka tumakbo palabas kaya naman hinabol ko sya"Isabella!"sigaw ko pa pero huli na nasa labas na sya buti nalang wala pang nasa labas nung lumabas ako
"Guys! gising! nakamove on na si aceerian!"sigaw nya at kinakatok ang mga pintuan"Guys! naka move on na si ace!!"sigaw nya pa muli
"Huy isabella baka magalit sila"bulong ko
"GUYS!! MOVE ON NA SI ACEERIANNNN!"sigaw nya parin
Agad naman naglabasan ang marami at mga mukhang nakapag-ayos na dahil malapit na rin nag call time para sa almusal
"Bago ka bang alarm isabella?"tanong ni adrian
"Move on na si ace!"sigaw nya
Marami nang lumabas baka nga mamaya ay lumabas na rin si manager ata
"Guys!! Move on na si ACEERIAN DRAKE!"sigaw nya muli
Lahat ay nasa labas na pwera kay ace! natatakot ako baka lumabas sya
"Move on na si ace!!'sigaw pa muli ni isabella
'Mahinhin to dati diba?'
"What the f*ck are you doing?!"tinig ng isang lalaki na kalalabas lang ng pintuan nya at mukhang bagong gising palang dahil gulo-gulo pa ang buhok nya
"A-ace"napahinto si bella at yan lang ang nasabi"S-sabi kasi ni hanarye nakamove on kana raw kay khatelyn"dugtong nya
'F*ck?! Ako?'
"A-ako?"kabadong tanong ko
"Ang kapal naman pala talaga ng mukha mo no? Pati ex ni ace pinapakialamanan mo no?"inis na sambit ni sofia at saka lumapit sakin"Anong alam mo?! Wala diba?!"tinulak-tulak nya ako"Bago ka lang dito makaasta ka kala mo kung sino ka!"sigaw nya pa habang tinutulak pa rin ako
'F*ck here we go again at marami pang tao!'
"Ano! Sumag--"may humatak sakanya
"Enough! It's true naka move on na ako at simula yon nung dumating si vyera, ayos naba kayo?"sambit ni ace habang hawak pa rin si sofia"And you, Don't you dare to yell at my girl again, understand?"sambit nya kay sofia at saka ito binitiwan at lumapit sakin at hinatak ako sa kwarto ko at saka sinara
"A-aceerian"bulong ko sinandal nya ako sa pader at saka nilapit ang mukha nya
"Kung gusto mong makilala ako, sakin ka magtatanong"bulong nya pa
"H-hindi naman ak--"lumapat ang daliri nya sa labi ko
"Shh..kung may duda ka sa nararamdaman ko sabihin mo lang kung paano ko mapapatunayan, gagawin ko lahat"nakangisi nyang sambit
"Pero hin--"tinakpan nya muli
"And one more thing"bulong nya"Diba sabi ko sayo wag kang lalabas ng nakasando?! Saka nakashorts ka pa"saway nya sakin at saka pinitik yung noo ko
"Aww, ano bang problema mo?!"inis na sigaw ko
Lumapit sya sa cabinet at saka kumuha nanaman ng malaking damit at saka lumapit sakin at sinuot yon
"Ano ba?! mainit yan!"sigaw ko
"Wag kang umangal may kasalanan ka sakin"sambit nya
"A-ano?"tanong ko
"Nalaman mo na yung sa strawberry milk ko tas yung special someone mo diko pa rin alam"nakanguso nyang sambit
'Ikaw nga, kulet'
Hello!! thankyou for reading this chapter, hope you like it hehe
Follow me and vote this chapter for more updates!
Lablab!
Mwuahhh!
~BlackSunshine
YOU ARE READING
Dreaming You✔
Ficção AdolescenteA girl that loves to write a story, but only her friends can read it because she's a type of girl that thinks what other would say about her story... and she doesn't want to embarrass herself to other people if they'll know that she's the author of...