HANARYE'S POV
Nagising ako sa ingay na nagmumula sa pinto
'Aish sino ba yon?'
Bumangon ako kahit hindi pa naghihilamos at saka lumapit sa may pintuan
"Ano ba yon?!"inis na salubong ko
"H-hello? Goodmorning? Hot choco?"halata sa mukha ni ace na natakot sya sa salubong ko, tinanggap ko naman yung dala nyang hot choco
"Ace ang aga-aga naman kasi"sambit ko at saka pumasok sa kwarto, ramdam ko naman na sumunod sya"Ano na bang meron? Bat may pag hot choco?"tanong ko at saka naupo sa kama
"Ahmm..ganto kasi yan vyera"nakayuko sya habang nakatayo sa harap ko"Napag-isipan ko kasi yung sagot mo saken.."dugtong nya pa saka tumingin sakin
"Sumagot ako sayo?"tanong ko sakanya
"Yung kahapon! Yung sabi mo friends lang muna"paliwanag nya
"Oh? Tapos?"tanong ko
"Naisip ko, hindi mo pa nga talaga ako gusto.."sambit nya"Then para don sa special someone mo..wag kamo kaming magkakasalubong"dugtong nya
'Nakakatakot yon pag nakasalubong mo sarili mo'
"Oh? Tapos?"tanong ko ulet
"Pag ang tao hindi ka gusto"huminto sya at saka lumapit sakin"Aba pilitin mo, bastusan naman kase yon"dugtong nya
"Then?"taka pa ring tanong ko
"kaya simula ngayon pipilitin na kita, hanggang sa wala kanang magawa"nakangiti nyang sagot at saka lumapit pa
"Pano ka naman nakakasigurado na mapipilit mo ko"nang hahamon na tanong ko
"Vyera naman! Wag kang ganyan! ala pa kong nasisimulan, nanghahamon kana agad"nakanguso nyang sambit
"Just kidding"sagot ko kaya nawala ang pagkanguso nya"Gawain mo lahat ng gusto mong gawin as long na hindi ako madadamay"dugtong ko kaya ngumuso muli sya
Bigla namang may kumatok sa pinto at saka bumukas"Hanarye tawag ka sa office"sambit ni mika
Tumayo naman ako agad ngunit pinigilan ako ni ace"Pupunta ka don ng nakasando?"tanong nya at tumango nalang ako"Hinde"sambit nya saka ako hinatak sa may cabinet at pumili sya ng shirt at yung malaki
"Tss"bulong ko at astang kukunin na ngunit hindi nya binigay"Yah?!"singhal ko
Binitawan nya ang kamay ko at saka sinuot sakin yung shirt"Anong silbi ng laki neto kung apaka nipis naman? Wag mo na hubarin yung sando mo"sambit nya at saka nauna pang lumabas sakin
'Baket ka ba ganyan?!'
Pumunta na ako sa office ni manager ata
"Tawag nyo raw po ako?"salubong ko nung makapasok ko
"Oo kasi hanarye, kailangan mo makipag meeting don sa publishing company"sagot nya sakin
"Ganon po ba? Sige po anong oras po ba?"tanong ko
"Ngayon na sana, marami raw kasi silang gagawin"parang nahihiya nya pang sagot
"Ganon po ba? Sige po mag-aayos lang po ako"sagot ko at saka nagpaalam na
Nagmadali akong maligo at mag-ayos nung makapasok ako sa kwarto ko, nang matapos na akong mag-ayos ay lumabas na ako ngunit paglabas ko ay may nakatayo sa labas at nakabihis din sya at saka tumingin sakin
YOU ARE READING
Dreaming You✔
Teen FictionA girl that loves to write a story, but only her friends can read it because she's a type of girl that thinks what other would say about her story... and she doesn't want to embarrass herself to other people if they'll know that she's the author of...