Chapter 5

7 3 0
                                    

HANARYE'S POV

Dumaan ang ilang araw at mas lalong tumataas ang pangalan ni GuyInBlackHoodie kaya napag desisyonan ko na gumawa pa ng ibang story dahil yun naman ang hinihingi nila na agad naman nilang sinuportahan

'Kung mukha ko kaya talaga ang nakalagay dyan? Masusuportahan nyo pa rin ako? Siguro hindi na no? Haha'

"Hanarye! Ang galing nung friend mo! Ang ganda nung bago nyang story!"natutuwang bati ni zera

"Zera ano ba? Baka may makarinig sayo si hanarye ang malalagot pag nalaman nilang kaibigan nya yung blackhoodie na yon! Ikaw talaga"saway naman sakanya ni charli

Napayuko nalang ako sa desk ko dahil hindi ko alam..sumisikat naman yung story ko sa wattpad pero nalulungkot ako? Dahil siguro alam ng maraming tao na hindi ako yon

'Hanarye! No one can cheer you up because you're the one and only knows about your identity! So stop being stupid!'

Kung ano-ano na tumatakbo sa isip ko, gusto ko lang naman mapansin nya ako..

"Hanarye? Okay ka lang? May masakit ba sayo?"sunod-sunod na tanong ni zera

"Malapit na mag-uwian, hahatid ka nalang namin kung masama talaga pakiramdam mo, kanina ka pa kasi tahimik"sabat naman ni charli

Tumingin ako sa kanila at saka umayos ng upo"Ayos lang ako, medyo sumama lang ang pakiramdam ko"nakangiti kong sagot sa kanila

'Gustong gusto ko nang sabihin sa inyo pero paano?'

Lumipas ang last subject namin at walang ibang ginawa kundi ang ipaalala na tapusin ang mga requirements namin dahil daw next week last na namin yon sa school

Wala naman kaming problema nila charli sa requirements dahil tapos namin lahat at ipapasa nalang, nag aantay nalang kay ng araw ng pasahan

"Tara na hanarye"pag-aya sakin ni zera

"Maaga ako uuwi ngayon eh"sagot ko sa kanila dahil nang lalata talaga ako, hindi ko alam kung may sakit ako or dahil lang talaga nalulungkot ako

"Ihahatid ka nga namin diba?"tanong nya

"Bakit?"tanging natanong ko dahil wala talaga akong planong magkukuda sa kanila

"Ala pupunta lang kami sa bahay nyo hehe"sagot nya kaya tumango nalang ako

Tinext ko yung driver namin na wag na akong sunduin dahil pauwi na ako

Nung makalabas kami ng gate ay nandoon na yung driver nila zera kaya naman pinagbuksan na kami

**

Naging tahimik ang byahe namin dahil siguro nakikiramdam sila sakin

Kaya nung pagdating sa bahay ay pinag bukasan pa nila ako ng pinto

'Ayoko ng ganto, apaka tahimik nila'

"Manang pahanda nalang po ng meryenda saka po padala sa taas, salamat po"sambit ko nung astang magtatanong sya saka umakyat

Sumunod naman sakin yung dalawa at pumasok na rin sa kwarto, pag pasok ay nahiga na agad ako dahil sobrang pagod ang nararamdaman ko

Naramdaman ko naman na nagsesenyasan yung dalawa kaya napatingin ako sa kanila

"Para kayong mga tanga"sambit ko nung nagtuturuan sila"ganyan nalang ba gagawin nyo dito?"tanong ko sa kanila at saka umusog ng higa upang mag kapwesto sila

Agad naman silang tumalon sa higaan kaya nag tawanan nalang kami

"Mamimiss ko kayo guys"biglang sambit ni charli kaya napatingin kami sa kanya

"Huh?"tanong namin ni zera

"Baka kasi pasunudin ako nila dad sa canada this summer tas uuwi nalang ako sa pasukan"nalulungkot na kwento nya

"Uuwi ka naman pala eh! Ang arte mo"sagot ko saka sya kiniliti

"Hanarye ano baaa! Hahaha!"sigaw nya

"Mga isip bata"bulong ni zera kaya natigilan kami ni charli

"Charli isip bata raw?"tanong ko kay charli kaya umayos sya ng upo

"Sino daw?"tanong nya pa saka tumingin kay zera

"Tayo daw eh"sagot ko kaya lumapit kami kay zera

"Hoy! Wag kayong lalapit!"sigaw ni zera habang umaatras

"Isip bata pala ha"sambit ni charli habang palapit kami

"Donnn kayo!"sagot ni zera hanggang sa nacorner na namin sya dahil nasa may header na sya ng kama

(A/N:Not sure if header talaga tawag don hehe, correct me if im wrong, sorry!)

"Wag nyo kong isali sa pagkaisip bata nyo!"sigaw nyaa pa

"Aba inulit mo pa"sagot sakanya ni charli saka sinimulan syang kilitiin kaya nakisali na rin ako"isip bata pala ah"sambit pa ni charli habang kinikiliti namin sya

"Hahahaha!! Tama na!"sigaw ni zera

"Hindi isip bata kami diba?"pag-uulit ko pa

"Hahahaha! Ano baaa!"tawa ng tawang sigaw nya

"Sandali!"sigaw ni charli kaya kami natigilan, tinignan nya si zera at saka tumingin sakin

'Parang hindi ko gusto yung mga tinginan nila'

"Eto namang friend ng author!"sigaw ni charli kaya naman tumayo si zera at saka ngumiti sakin

'Syet'

Umatras ako ng umatras kaya nahulog ako sa higaan kaya tawa sila ng tawa

"Okay na kayo?"tanong ko sakanila na dapat hindi kona ginawa

"Hindi pa!"sigaw ni zera saka sumugod sakin at kiniliti ako

"Hahahaha! Ano b-hahaha"hindi kona matuloy ang sasabihin ko dahil tumagdag pa si charli"Whahahaha tigil n-hahaha"hindi man lang ako makabuo ng sentence

'Syet'

Natigilan nalang kami nung may kumatok, kaya nag tayuan kami at saka binuksan na yung pinto

Si manang pala dala-dala ang isang tray at sa likod may dalawa pang maids na may dalang pizza at yung isa cake

"Miss Hanarye pwede na po ba to?"tanong ni manang

"Opo pwede na po yan palapag nalang po don sa may table"nakangiti kong sagot kaya pumasok na si manang at kinuha ko naman sa ibang maids yung pizza habang si zera naman kinuha yung cake

Sinundan namin si manang at nilagay sa table yung pagkain

'Si manang lang kasi ang pwedeng pumasok sa mga kwarto dahil sya lang ang pinaka matagal dito'

"Thankyou po"sagot ko nung makalabas si manang at sinara ang pinto

Nagsimula na kaming kumain at habang kumakain ay hobby na yata ni zera na mag ikot-ikot habang may pagkain

Tumigil sya sa may study table ko dahil may mga sticky notes don, medyo lumapit sya at binasa ang mga nakalagay

'Sh*t! Don ko nga pala nilagay yung pangalan ng mga bago kong character sa story!'

"Eto yung nga pangalan sa binasa ko ah?"sambit nya saka tumingin sakin, agad namang lumapit sakanya si charli upang tignan din

"Yan nga yon ah"pag sang-ayon nya

"Hanarye?"tawag ni zera sakin na nagdulot ng kaba

"Umamin ka nga? Ano talaga kinalaman mo don sa GuyInBlackHoodie na yon?"tanong naman ni charli kaya mas lalo akong kinabahan

'Should i say the truth?'

Hello! Thankyou for reading this chapter hope you like it hehe

Follow me and vote this chapter for more updates!

Lablab!

Mwuah!

~BlackSunshine

Dreaming You✔Where stories live. Discover now