Chapter 40

1 0 0
                                    

HANARYE'S POV

"Hanarye?"tawag ni sir brenn mula sa labas kaya naman naupo ako muli sa sofa

"Sir?"sagot ko nung makapasok sya

"Why are you still sitting there?"tanong nya"Diba sabi ko sayo feel at home, gusto mo ba ng juice?"tanong nya saka nagpunta sa parang mini kitchen nya at saka kumuha ng baso

Inantay ko lang syang matapos sa ginagawa nya saka lumapit sakin"Pasensya na ha orange juice lang yan"sambit nya saka inabot sakin

"Ayos lang po"sagot ko

"Sige babalikan kita dito ha? Lalagay ko lang yung last, ubusin mo yan ha"sagot nya sakin saka kinuha yung natitirang gifts

Lumabas sya muli at nung hindi ko na talaga sya marinig ay tinapon ko sa lababo ang juice na binigay nya

At saka pumasok sa kwarto at tinignan ang mga nakasulat sa white board

"Taking revenge?"tanong ko sa sarili ko habang tinitigan ang white board na may nakadikit na picture nung babae kanina sa labas at saka picture ni aceerian at saka picture ko

'Yes picture ko'

Nilabas ko ang phone ko at nagpipindot ng kung ano-ano don

Binasa ko muli ang nakasulat sa white board at nasa stage sya ng getting trust?

'Tiwala ko ba ang kinukuha nya?'

Tinignan ko ang babaeng nasa pinakaunahan  at may nakalagay na pangalan

'Khatelyn Sarani'

"Sya ba yung ex ni aceerian?"tanong ko sa sarili ko

Nagbasa pa ako ng ilang sa mga nakalagay don saka ako..

Lumabas sa kwarto at saka naupo muli sa sofa na sakto namang pagpasok ni sir

"Naubos mo na pala yung juice, tara na"pag-yaya nya sakin

"So you're taking revenge?"tanong ko na nakapagpatigil sakanya

"What?"tanong nya

"You're taking revenge?"pag-uulit ko

"Did you enter to my room?"tanong nya

"Kay aceerian ba?"tanong ko din

"So nakita mo na nga lahat"sambit nya saka ngumisi

Lumapit sya sakin at ang mga mata nya! Parang hindi na sya yung teacher na nakilala ko sa school

"Anong ginawa sayo ni ace? Bakit mo to ginagawa?"tanong ko at pilit na hindi nagpapakita ng takot dahil ano mang-oras ay kahit ano ay pwede nyang gawin

"Anong ginawa nya? Nakita mo naman siguro yung picture ni khatelyn?"tanong nya kaya naman tumango ako"Sya lang naman ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni khatelyn"sambit nya na parang inaalala ang mga nangyari

"Naging girlfriend sya ni aceerian kaya panong si ace ang dahilan?"tanong ko

"Exactly! Naging girlfriend sya ni aceerian kaya kami naghiwalay"sagot nya sakin

'Hindi ko maintindihan'

"Nakipaghiwalay sakin si khatelyn dahil kay aceerian"sambit nya pa at kitang-kita sakanya ang galit"Ginamit nya ang kasikatan nya para makuha si khatelyn"dugtong nya pa

"Bakit ka gumaganti? Hindi naman pala sya nagcheat sayo"tanong ko

"Hindi nagcheat? Pinagpalit nga ako dahil sakanya!"medyo tumaas ang boses nya

Dreaming You✔Where stories live. Discover now