SOMEONE'S POV
Dalawang linggo na ang nakalipas at napag-isipan ko na magpatingin na sa dati kong doctor tungkol sa kalagayan ko
'Wala naman sigurong masama kung aalamin ko kung ano talaga ang sakit ko o kung bumalik ulit yung sakit ko'
Nasa labas na ako ng clinic at sakto namang lumabas ang doctor"Hija nung nakaraan pa kita inaantay"sambit nya at pinagbuksan ako ng pinto
"Natatakot po kasi akong malaman kung ano na talaga ang sakit ko"nahihiyang sagot ko at napayuko
"Mas nakakatakot yan kung hanggang sa dulo ay hindi natin malalaman ang sakit mo"wala mang intensiyon na pananakot ang boses nya ngunit agad akong kinabahan
"Sandali lang naman po ang mga test diba?"tanong ko at tumangpo naman sya
Inaya na nya ako sa parang laboratoryo nya, alam ko dati ay sa Hospital sya nagtatraaho at pangdagdag kita nya lang itong clinic nya ngunit mukhang tuluyan na nyang nilisan ang Hospital at dito nalang nanuluyan sa clinic nya
'Malaki rin ang pinagbago ng clinic nya simula nung bata ako'
KHATELYN'S POV
3 Hours Later
Kami lang ni Kevin ang nandito ngayon sa kwarto ni Ace
'Asan kaya si Hanarye? Ala naman syang pasok ngayon ah'
"Kevin"tawag ko sakanya at tumingin lang sya sandali at binalik ang tingin sa kanyang phone
'Busy ha'
"Uhm...asan si Hanarye?"tanong ko at tinaas ang phone nya at mukhang kausap nya ito
"Kasama sandali sila Zera may dinaanan lang raw, pinayagan kona para naman makapagbawas ng stress"sambit nya saka nagpipindot ulit "May sasabihin kaba?"tanong kahit hindi nakatingin sakin
"W-wala nagulat lang akong wala sya dito"sagot ko at tumango lang sya
'Ang dami kong gustong itanong kay Hanarye kasi simula nung nangyari kay Bella naging mailap na sya sakin, parang laging iwas? Ewan ang weird lang'
Tumayo ako upang kumuha ng tubig malapit sa higaan ni Ace nang biglang gumalaw ang daliri ni Ace
"Kevin! Kevin si Ace!"sigaw ko at agad naman itong tumayo palapit kay Ace
"Anong nangyari?!" Tanong nya at nagulat kami pareho ng biglang bumukas ang mata ni Ace!
"Ace!"sigaw ko at lumapit sakanya, tinignan nya lang ako at parang iniisip nya pa kung sino ako
'Wala ka sanang amnesia'
"Tumawag ka ng Doctor!"sigaw ni Kevin kung kaya't naputol ang pagtitinginan namin ni Ace
Agad akong lumabas upang tumawag ng Doctor, nilapitan ko ang isang nurse at nagulat naman sya sa presensya ko"G-gising na yung pansyente s-sa room 121"hingal kong sambit na agad namang kinalaki ng bata nung nurse
"S-sige po tatawagin kona po si Doc"sambit nya at nagmadali umalis papunta sa kung saan
Bumalik ang sa kwarto ni Ace at nakaupo na sya"Kilala mo ba ako?"tanong ni Kevin
"Of course"walang ganang sambit ni Ace at tumingin sakin at napangiti
"Sige sino ako?!" nanghahamon na tanong ni Kevin
"You're Kevin, stop this nonsense"naiinis na sambit nya
'Wala pa ring pinagbago'
Hinatak naman ako ni Kevin"E sya? Sino sya?"tanong nya habang nakaturo sakin
YOU ARE READING
Dreaming You✔
Fiksi RemajaA girl that loves to write a story, but only her friends can read it because she's a type of girl that thinks what other would say about her story... and she doesn't want to embarrass herself to other people if they'll know that she's the author of...