"Alright! Tapos na practice for today. Bago matulog mag stretch kayo, uminom ng maraming tubig at kumain ng gulay, okay? Ang uminom ng alak babardagulin ko!" madiin na sambit ni Yami at napa iwas naman ng tingin si Semi."Yes, Captain!" sagot nilang lahat.
May ilang reminders pang sinabi ni Yami bago sila tuluyang umalis sa gymnasium.
Pag labas ni Semi ng Gym nakita n'ya si Paris kaya nilapitan n'ya.
"Paris? Hindi kaba pupunta ng bahay ngayon?" tanong ni Semi, tiningnan naman s'ya ni Paris.
"May homework tayo, 'diba? Sa in'yo uli ako gagawa. Basta pagkatapos kakain tayong pagkain!" masayang sambit ni Paris at nakangiti namang tumango si Semi.
Nagulat nalang si Semi ng biglang umakbay sa kan'ya pagkakita n'ya si Yami pala kaya napalunok s'ya.
"C-captain.."
"Hoy Semiel Astaril, subukan mong hawakan kahit dulo ng hibla ng buhok ng kapatid ko.. tatamaan ka sa akin." nakakakilabot na ngiti ng ipinakita ni Yami kung kaya't napalunok si Semi.
"P-paano kung s'ya humawak saakin?"tanong ni Semi at bigla namang na ngunot ang noo ni Yami.
"HA?!"magsasalita na sana si Yami ng sumingit si Paris.
"Kuyaaa! Hindi naman ganong klase ng tao si Semi. Umuwi kana nga hinahanap kani nina Mama!" sambit ni Paris saka itinulak si Yami papunta sa sasakyan nito. Nasa parking lot na kasi sila ngayon.
Dahil sa rinig bahagyang napangiti si Semi.
'Bakla naba ako kapag kinilig ako?'
Tanong n'ya sa kan'yang sarili. At bigla naman s'ya napa ayos ng tayo ng dumating na si Paris sa harap n'ya."Tara na, Semi." nakangiting sambit ni Paris at napatango naman si Semi.
"O-oo."
***
Nasa kwarto parin ngayon si Val habang nakahiga sa kama n'ya. Patapos na ang movie na pinapanood n'ya sa tv n'ya sa loob ng kwarto kaya na patingin s'ya sa orasan n'ya. Mag si six na pala, pauwi na sina Semi at Sam.
Agas siyang tumayo at pinatay ang tv saka nanakbo palabas upang mag luto ng pagkain.
Habang naglalakad s'ya pababa ng hagdan ay saktong bumukas ang pinto. Bumungad dito si Sam na nakangiti at kumakaway sa kan'ya.
Well, kay Valerie lang n'ya pinapakita ang side n'ya na ganto dahil bukod kay Val, wala na s'yang pake sa iba.
"We're home." nakangiting sambit ni Sam at ngumiti din si Val.
"Welcome Back, Kuya.. Si Kuya Sam?" tanong ni Val at itinuro naman ni Sam ang likuran n'ya.
"Kasama classmate n'ya." sambit nito at napatango tango naman si Val. Hanggang sa makapasok na si Semi kasama si Paris.
"We're home, Val!" masayang sambit ni Semi.
"Welcome home.. Kuya."
Parehas na gulat at nanlaki ang mga mata nina Val at Paris ng makita nila ang isa't isa.
Napalunok ng sunod sunod si Paris ng makita n'ya si Val sa loob ng pamamahay ng kambal.
'Oh my gooooood?! S'ya 'yung first year na kursunada ni Semi right? Hala ba't sila nasa iisang bahay?! Live in naba sila?! *napatakip sa bibig* hala hindi na yata dapat ako pumunta dito.. Umuwi na kaya ako?! Kaso ang bastos naman kung bigla akong aalis 'diba?!'
Napapalunok na sambit ni Paris sa kan'yang isipan. Kaya tala siyang tiningnan ni Semi.
BINABASA MO ANG
That Basketball Player (Sports #2) Season 1 ✔
Teen FictionSports #2 - Basketball Kodie is a cold-hearted guy with anger issues while Valerie is a nice shy girl. Pretty opposite, right? But despite of this, they became a lovers. Kodie being a basketball player and Valerie being his number 1 supporter. Every...