Valerie
Days after, wala namang nag bago. Parang kahapon lang simula nung hinatid ako ni Kodie. Pero pagkatapos non, hindi na n'ya uli ako pinapansin. But it's okay.
"Ano kayang tinda sa canteen ngayon?" tanong ni Hera habang nag lalakad kami papuntang canteen. Lunch na kasi.
"Oo nga." sagot ko.
Habang nag-uusap kami nakatingin lang ako kay Hera. Ang hina kasi ng boses n'ya kaya minsan hindi ko marinig. Kailangan mo talaga mag focus sa kan'ya kapag may sinasabi s'ya.
*Booogsh!*
Napahawak ako sa ulo ko ng may mabangga. Napapikit lang ako dahil tumama ang ulo ko sa matigas na bagay.
"V-valerie, okay ka lang?" alalang tanong ni Hera. Tumingin naman ako sa kan'ya saka tumango.
"I-I'm okay." sambit ko at saka ako na patingin sa nabangga ko.
"G-gomenasai!" (means: I'm sorry) sambit ng lalaki sa harapan ko. Nangunot naman ang noo ko dahil parang nabobosesan ko s'ya. Hindi s'ya naka uniform kaya for sure hindi s'ya estudyante dito.
Nung nag angat na s'ya ng paningin doon ko s'ya nakilala.
"Yohei Sensei!" masayang sambit ko at napangit naman s'ya ng husto. Saka ako pinat sa ulo.
"Valerie Haha! Ikaw pala 'yan! Dito ka pala nag-aaral!" masayang sambit n'ya at tumango naman ako.
"You know each other?" bulong saakin ni Hera at tumango ako.
"Naging teacher ko s'ya nung nag practice teacher s'ya sa school ko nung elementary ako." sambit ko at tumango tango naman s'ya.
"Oh I see. H-hello po." bati sa kan'ya ni Hera at ngumiti naman sa kan'ya si Sensei.
"Konnichiwa!" bati ni Sensei.
Bumulong ako kay Hera.
"It means 'Hello' in english. Japanese kasi s'ya e." sambit ko at napagtango tango naman s'ya. Dahil kay Yohei Sensei natuto ako mag Japanese.
"Bakit po kayo nandito?" tanong ko.
"Pupunta sana ako sa gym, kaso hindi ko alam kung saan iyon e." sambit n'ya.
"Samahan ko nalang po kayo kung gusto n'yo." sambit ko at tumango naman s'ya.
Pagkatapos namin s'ya samahan bumalik na agad kami ni Hera sa Class namin dahil nag bell na.
Semi
"Ang sakit ng balikat ko.." inggit ko habang nag lalakad kami papuntang gymnasium para sa practice. Dismissal na namin e.
"Bakit? Nag work out kaba?" tanong ni Haise na katabi kong naglalakad rin papuntang Gym. Sinabihan ko kasi si Sam na intayin ako pero ang bagal ko daw kaya nauna na. Buti na lang nakita ko si Haise.
"Hindi, ewan ko bigla nalang sumakit." sambit ko. Gulat namang na patingin saakin si Haise. Iiral nanaman kalokohan n'yan tingnan n'yo. Ang mga susunod n'yang sasabihin wala ng ka kwenta kwenta.
"Hala ka! Baka may multong naka pasahan sa likod mo. Napanood ko dati minsan daw kapag sumasakit balikat or likod mo ng walang dahilan, baka daw may multong naka sakay sa likod mo." sambit ni Haise. See? Walang sense ang sinasabi 'diba?
"Hindi gago! Nag push ups kasi ako kahapon ng matagal kaya siguro masakit parin ngayon. Ma yayari ako kay Captain nito." sambit ko. Ang strikto pa mandin ni Captain pag dating sa health namin.
"Oy, narinig ko pala! Nad'yan na daw si Captain bumalik na!" sambit ni Haise at nanlaki naman ang mga mata ko.
"And'yan na?! Ibig sabihin makakapag practice game na tayo sa Somorset?!" tanong ko at nakangiti naman s'yang tumango.
"Hays, it's been a while simula ng makapag practice game tayo." sambit ni Haise at napagtango naman ako.
Let's get it!
Valerie
"Punta na tayong gym!" aya ko kay Hera. Nag ayos pa s'ya sa maliit n'yang salamin bago tumango at sumama saakin.
"Let's go." sambit n'ya. Nag lakad na kami papuntang gym. Sa laki ng school na ito hindi talaga malabong maligaw ka.
Habang papunta kami doon, panay ang kaway saakin ng mga tao. Nag ha-hi lang ako pabalik sa kanila. Nahihiya kasi ako sa kanila e.
Nung makarating na kami doon, pumasok na kami sa loob. At agad na lumapad ang ngiti ko ng makita ko na si Kodie na nag shushoot!
Naupo na kami sa ikatlong baitang ng upuan. Medyo marami ring tao ang nanonood.
"Nasaan si Shin?" tanong ni Hera sa tabi ko. Napamasid din ako at tama nga s'ya, wala si Shin. Nasaan kaya iyon?
"Sorry I'm late! Coach sorry po!" and speaking of.. dumating na nga si Shin na agad dumiretso sa bench kung nasaan si.. YOHEI SENSEI?! Teka s'ya ba ang coach ng basketball club na kanina ko pa naririnig?!
"Saan ka nanaman ba galing?!" tanong sa kan'ya ni Yohei Sensei.
"Sorry, Coach. May inasikaso lang e." sambit ni Shin. Rinig namin sila kasi malapit lang kami sa bench nila.
Hindi ko na sila nagawang pakinggan ng magpatingin ako kay Hera na nasa tabi ko.
"He's here." sambit n'ya and then nag blush s'ya. Hihi ang cute n'ya kapag nag bablush.
Nga pala, nakita namin si Ate Paris kanina.. inaya ko s'ya manood ng basketball ngayon kaso ang sabi n'ya hindi raw pwede kasi may training daw sila ng Volleyball. Tatlo kasi ang gym dito sa school na ito kaya mag kaka hiwalay sila kapag nag pa praktis.
Third Person's View
"Okay so sa isang araw na ang practice game natin sa Somorset. Actually, naka-usap ko na ang Coach ng Somorset at sinabi nila na ready na daw sila. Kayo ba ready na?" tanong ni Coach Yohei sa team na ngayon ay mga nagpapahinga. Katatapos lang ng madugong practice nila sa mga kamay ni Coach Yohei.
Matagal na nilang Coach si Coach Yohei na isang retired teacher. Tinanggap n'ya ang offer noon na mag coach ng basketball team para narin makatulong.
"Ready na po!" sabay sabay na sagot nila at napatango tango naman si Coach Yohei.
"Dapat lang. Huwag kayo papa daig sa Somorset, tandaan n'yo dito gaganapin ang game kaya galingan n'yo. Napa plano na natin ang ibang plays pero galingan n'yo parin. Maganda simula ito para sa District Tournament kung mananalo tayo dito. Kaya galingan n'yo ng mabuti."dagdag pa ni Coach at tumango namans sila.
"Sorry nga pala kung nawala ako ng matagal. May inasikaso lang ako e. Saka panatag naman akong mahahandle kayo ni Channing ng maige." sambit ni Coach Yohei at napatango naman silang lahat.
"Tapos na ang practice natin ngayon, bukas practice uli. Huwag ka kalimutan mag stretching bago matulog. Kumain ng masusustasya at huwag iinom ng alak lalo na kapag may pasok kinabukasan." sambit ni Coach habang nakatingin sa ngayon ay nakangusong si Semi.
"Pag may nabalitaan akong nag inom patatakbuhin ko paikot ng school 100 times." sambit ni Coach at napalunok naman agad sila. "Tulog na agad okay? Lalo na 'yung kambal diyan na mahilig mag Puyat!" parinig ni Coach at napatungo naman 'yung kambal.
"Sige na, pwede na kayo umuwi." sambit ni Coach. Tumayo naman agad sila saka nag bow.
"Thank you, Coach!" Sabay sabay na sambit nila.
"Nga pala, bago tayo umalis.. Ball, aasahan kita kay Kentala." sambit ni Coach kay Kodie at agad namang tumango si Kodie.
"That goes without saying, Coach." sagot agad ni Kodie.
"Yaaaan! Ganyan nga!" sambit ni Coach Yohei.
I really like this team..
BINABASA MO ANG
That Basketball Player (Sports #2) Season 1 ✔
Fiksi RemajaSports #2 - Basketball Kodie is a cold-hearted guy with anger issues while Valerie is a nice shy girl. Pretty opposite, right? But despite of this, they became a lovers. Kodie being a basketball player and Valerie being his number 1 supporter. Every...